BORED, BOERD, BORDE BORZZZZZZzzzzzz….

nag attend ako ngayon ng conference ng microsoft singapore sa suntec city kahit na unrelated yung topic sa trabaho ko. una, walang bayad. pangalawa, libre ang pagkain. ikatlo, i’m getting bored in the office. batong bato na ako these past few weeks and am quite restless. after lunch naman inaantok ako. yung mga katabi ko siguro sa cubicle, akala siguro nasasaniban na ako ng demonyo dahil papikit pikit yung mata ko habang up and down yung ulo ko. minsan parang may startle reflex pa nga ako pag naalimpungatan at mapapa padyak ako ng paa sabay hampas ng kamay sa lamesa. skandalosong antukin.

kahapon nagpadala ako ng email sa mga ka-opisina kong taga china, sa sobrang antok ko, ganito ang lumabas (word for word ito ha): “This email contains the PI banners. The HTML scripts are attached. Please ask your distributors to take ca ffddddddddddd ddddddddddddddd ddddddddos, Hioe thus helps.

eto ang sagot sa akin (word for word din): “Thank you Jay. Thanks.

ok ba? dalawang beses pang nagpasalamat sa akin. nakalimutan ko kasing sampal-sampalin yung sarili ko eh. next time nga, gagayahin ko si dolphy doon sa ibong adarna: hihiwain ko ng blade ang kamay ko at tutuluan ng katas ng kalamansi ang sugat para di makatulog.

One thought on “BORED, BOERD, BORDE BORZZZZZZzzzzzz….

  1. hehehe ang mga taong akala mo sinaniban, quoting you at gaya mo, kapag inaantok ang siyang gumigising sa tulog ko nang utak sa mga nakakaantok na klase… nakakatawa kasi talaga…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *