Blowing through the jasmine in my mind

fremantle doctor” ang tawag sa hangin na umiihip sa perth tuwing late afternoon pag summer. it is said to be the most consistent wind in the world and you can time your clocks by it’s arrival. tulad ng tutuong doctor na nakakapagbigay ng ginhawa sa mga maysakit, ang “freemantle doctor” ang nagbibigay ng ginhawa para sa biktima ng mainit na summer ng southwestern australia. na experience ko ito ngayong hapon dito sa perth… one moment dry heat na talaga namang napakainit. the next thing you know, bigla na lang darating ang walang patid na napaka maginhawang simoy ng hangin.

ang isa pang malaking bahagi ng australian summer na na-experience ko rito ay ang langaw. tangina. ngayon lang ako nakakita ng langaw na mas makulit pa sa akin. ito yung tipo na kahit naglagay ka na ng “OFF lotion” ay di ka pa rin titigilan. nakasakay ako sa golf cart ngayong hapon ng apat na oras. apat na oras din akong kinulit ng mga ito. hindi ako tinantanan simula 3 pm hanggang 7 ng gabi. napraning na nga ako. naghugas naman ako ng pwet, naligo ng 2 beses at naglagay ng tawas deodorant. tinanong ko ang mga kaibigan kong aussie at sabi nila ay normal lang daw talaga ang mga langaw sa australia pag summer. at tutuo raw na walang patawad at walang kasing kulit ang mga lekat.

14 thoughts on “Blowing through the jasmine in my mind

  1. pare cool ka. you make my day. maswerte ka pa at makulit lang na langaw ang naranasan mo. eventually makakaranas ka rin ng langaw na nangangagat diyan sa aussie. meron ding mga langaw na ang hilig ay ang dumapo sa mga labi mo. ipitin mo lang ng lips mo mahuhuli mo na.

  2. Uy summer breeze! A welcome break from the terrible heat. Ahh, heavenly no?

    Peste yang langaw na yan. Pareho ng lamok na kahit di dumapo sa yo, di ka pa rin makatulog kasi nadidinig mong umaaligid sa ibabaw ng tenga mo. Bwiset!!!

  3. Baka nanibago ka lang mylab kasi dito sa Singapore di naman talamak ang langaw. Halos wala nga e.

    Anyway, hope the conference goes smooth. Labyu! 🙂

  4. hahahahaha!!! tawa ako ng tawa sa “langaw” part ng entry mo. di na tayo sa langaw dito sa sing, kaya major adjustment yan for you, i’m sure.

    ingat po! 🙂

  5. totoo yan… i hate the summer flies, they stick to you like glue kaya may makakapal na plastic ang mga shops dyan para di makapasok…

    you’ll hate the summer all the more when it rains, it rains mud…

  6. hi emmo. maraming salamat sa pagbisita. alam ko na ang sinasabi mo. nung naglalakad ako CBD ng perth, may isang langaw na dumadapo sa labi ko. hindi ako tinigilan hanggang nakarating ako sa hotel. nakakainis nga. di ko alam kung paano makaganti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *