BLOGKADAHAN IN ANTIPOLO

blogkadahan in antipolo nagkaroon ng salo-salo ang blogkadahan kahapon sa aming munting tahanan sa antipolo. marami namang nagsidatingan. from left to right: batjay, tito rolly, apol, mari, doc emer, soulmate jane, ajay at si mec. dumating ding late si ate sassy lawyer. at nag call in sina cathy, rogue at ang aking mylab opmayn jet. ang saya nga – as usual may kantahan (nagdala ng gitara si tito rolly) at maraming tawanan. at siyempre, ginawa rin namin ang paborito naming gawain pag ganitong may salo-salo: pag-usapan ang mga hindi nagpunta. BWAHAHAHA. maraming pagkain (tuwang tuwa nga si soulmate jane).

blogkadahan in antipolo with sassy nagpaluto ako ng pansit bihon, barbeque, calderetang baka, at tokwa (galing pa sa mommy ko). nagdala rin sila ng litson manok, brownies at inumin – typical KKB potluck ng mga pinoy. maraming salamat sa inyo mga kaibigan for dropping by. masaya pag may EB dahil bihira kasi akong umuwi. oo nga pala, dumating din ang idol ng masa na si sassy lawyer. medyo na late kasi siya dahil malayo pa ang pinanggalingan ng kapitbahay ko. hehehe. hekshuli, nagpatrim pa raw siya damo (tinanong ko nga kung malakas ang tama eh) kaya na late. ok lang, kasi may pasalubong naman siyang ube cake. heto ang class picture with the sassy lawyer. for more pictures of our gathering, click lang kayo sa: The Rebels without Because sa Antipolo.

ay oo nga pala, kung nababasa ninyo ito at nasa pilipinas kayo: bili naman kayo ng manila bulletin bukas ng umaga. naka feature ako sa BLOG-O-RAMA. i’m sure magugustuhan ninyo ang sinulat ni AJay doon. isa pa, puro tungkol sa blogging at sex ang topic.

20 thoughts on “BLOGKADAHAN IN ANTIPOLO

  1. nyahahaha…world-famous pala kami sa blog mo, kuya jay.ang bilis mag-post. thanks talaga for hosting the party..ang sarap ng food. sayang at i had to leave early.
    mga kababayan, abangan nyo po si Batjay bukas..naka-birthday suit sya, bwahahah;)

  2. ang saya-saya. it’s nice to put faces with the names, although i’m still trying to discover some of the names myself. i hope someone posts the mb article on a blog somewhere for the rest of us 🙂

  3. wow, napahanga ako sa sobrang bilis mo magpost batjay! enjoy talaga kahapon! ok na ok ang food, at syempre ang byutipul garden mong may ibon at tutubi:) thanks for inviting us to your very nice & cozy place. very relaxing ang atmosphere at maganda pala ang feeling to be surrounded by different plants. and vines, too! ano na nga ba yung may tusok-tusok na pang-addict? hehee. sarap ng hangin kahapon! Thanks for letting us taste your specialty (tama ba, o isa lang ang pork bbq sa napakarami mong famous dishes?;) sayang nga lamang at wala ang iyong better half na si jet. It sure would have been more fun kung andun ang love of your life. Pero di bale, madami pa namang next time, ryt?:) cge, have a safe trip. See u soon!

  4. bosing,

    ang saya naman! nakakainspire namang magorganize din ng blogkadahan get together dito sa states, sige uumpisahan ko yang thread na yan sa berks, at least man lang yung mga andito sa east coast.
    anu-anong jinam ninyong kanta ni tito rolly?

  5. Namiss ko na naman yan. But I’m happy you guys had fun. At least magandang cap sa 2-week long roadshow mo dyan sa Asia.

    Kanina ko pa binabalikbalikan ang Blog-O-Rama sa Bulletin, wala pa rin e. Pero naabisuhan ko na lahat ng kaibigan at kamag-anak ko dyan sa Pinas. Siguro tataas by 10% ang benta ng Bulletin bukas… hehe.

    As usual, I’m so proud of you. As always, I labyu! 🙂

  6. Thanks for your warm hospitality at ang mga napakasarap na pagkain. We always have a blast everytime you’re around.

    Haha, sa tinagal tagal ng pagkanta kanta natin, meron din tayong nabuo ano?

  7. ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! i wish i was there.. 🙁 huhuhuhuhu! sayang talaga! I had to finish a script batjay.. ho well i hope there’s a next one.. 🙂

    nako pinagusapan ang mga wala.. lagot na ako! :-p hehehee!

  8. hi rogue.

    pumasok naman ang mga comment mo. sa wakas, a comment from you in my site. hehehe. sana pwede kang mag comment parati, maganda kasi ang mga insights mo and you write so well. a big honor that you have visited.

    cheers,

  9. hi jane. kamusta na? sorry medya matagal ang reply. buti naman at nag enjoy ka sa dalaw ninyo sa bahay. gusto ko nga ang style mo – hehehe. di ka nahihiya. ibig sabihin at home ka na sa amin. i look forward to being with you guys again. hopefully next time, naroon na si jet.

    ingat,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *