Black like the night we fly in

pakiramdam ko, para akong bampira. pag dating ko galing ng trabaho, nakakatulog ako right after dinner. siguro, dala ng pagod sa pagbisikleta pauwi. ang problema ay nagigising ako sa madaling araw, pero wala naman akong magawa kaya ginagala ko ang bahay, nanonood ng TV o kaya (tanginangyan) napipilitan akong magtrabaho.

tapos umiiral pa ang pagka pinoy ko minsan. tulad ngayon: alas tres na ng madaling araw, antok na antok na ako pero ayoko pang matulog dahil gusto ko munang maligo. bakit ba kasi ang hilig ng mga pilipinong maligo? kahit nga halos hindi na natin makita ang mga titi natin sa sobrang lamig sa kalagitnaan ng winter, naliligo pa rin tayo.

weird.

14 thoughts on “Black like the night we fly in

  1. maaga natutulog, maaga nagigising, sign of old age daw po yan….peace tayo sir πŸ˜€

    cool ng site nyo unkyel. never ends the day without getting a piece of your daily thoughts.

  2. Lalo na sa mga OC lyk most filipinos, mas masarap kasing maligo muna before matulog para fresh na fresh… Teka nga, baka kasi nakapaa ka lang na gumagala-gala sa bahay nyo po at feeling nyo nadumihan feet nyo, tapos aside sa panonood ng tv iba naman tinatrabaho nyo.. Hmmmn.. Ano ba kasi tinrabaho nyo at kung bakit feel nyo na kelangan nyo nang maligo ha?ΓΌ lolz!

  3. My first year in London, I tried two things that are foreign to us Pinoys:
    1. Lumabas nang bahay at gumala ng walang bra
    2. Pumasok sa opisina nang di naliligo — though admittedly naligo ako the night before

    Yung #1 okay lang, from time to time ginagawa ko pa din.
    Yung #2 di talaga pwede. Sobrang oily nang buhok ko kelangang paliguan ko pagkagising dahil mukha akong madumi – parang si Prof Snape sa Harry Potter…

    May kwento-t ako. That first year, may german ofcmate ako na may bf na Pinoy. One time sa loo she asked me if I also shower and wash my hair every day. She found it weird her bf does the same.

    Then she added “I wish I could do the same, last night we played badminton and I was sweating so much. But I just washed my hair last week”… KADIRI talaga, I wonder pano sila nags-sex nung Pinoy na yun… nggii

    She’s the same girl who said once “Filipinos are cannibals”… she meant carnivores… πŸ˜€

    • ako rin gumagala na ako ngayon dito na walang bra. it’s so liberating. hirap lang pag malamig kasi bakat ang nipples ko.

      seriously, hirap nga gumalaw ng hindi naligo at ayaw natin sa mga hindi naliligo. pero i can understand yung mga europeans na wala sa routine ang maligo. the cold winter months are a bitch, especially during those times when indoor plumbing wasn’t invented yet.

      sa atin naman, naka wire na yata sa mga utak natin ang maligo. mahirap kasi para sa ating mga pinoy na nakatira sa tropical country ang dehins goli. pag hindi ka naligo, malagkit ka.

  4. nagtataka din yung amo ko kung bakit hindi ako makatiis na hindi naliligo bago mag work sa umaga eh nandito lang naman ako sa loob ng bahay almost maghapon…kahit na naligo na ako sa gabi bago matulog hindi ko pa din magawa ang hindi maligo sa umaga pagkagising….ahaha weird ang tingin nila….

  5. hmmm….nakaka relate ako sa topic na ito, i remember nung nasa jeddah pa ako madalas nagagalit sa amin un head ng HR na palestino sa aming mga Pinoy, baket daw ligo kame ng ligo, laba ng laba.. ang lakas daw sa tubig..sabi nga namen ‘tong mga arabo maganda lang tignan, wag mo lang aamuyin!! Hahaha!!

  6. ahaaa…true ka jan kabayan..pag pasok pa lng sa bungad ng hallway sa office malalanghap mo na ang naiwan nilang amoy..dmo maiwasang mejo takpan ang ilong mo sa bantot..he he he..kung sa atin sort of 2 x a day mag bathe lalo pag summer sila naman 2 x a week magpalit ng damit…whoooeeee

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *