Bionic Womam

dear mang boy,

tapos na ang operasyon ni mommy at nasa daan na patungo sa paggaling. para sa mga hindi sumusubaybay sa kanyang mga karanasan: nilagyan ng bakal ang naputol niyang buto sa kaliwang hita, kaya’t bionic woman na ang tawag namin sa kanya. nawala na rin ang epekto ng anesthesia kaya hindi na niya inaakalang nagluluto pa rin siya ng tortang patatas sa ospital.

sa ngalan ng aking dalawang magagandang kapatid, Emmy San Jose at Ester Brown, nagpapasalamat kami sa mga doctor niya, lalong lalo na kay Doktor Enriquez na nag-opera sa kanya, at sa kumpare kong Ags GameFarm Doktor Boyet Silverio na nag-askikaso sa kanya. Salamat din sa mga nurse at lahat ng mga miron sa Marikina Valley Hospital – papainumin ko kayong lahat pag uwi ko sa May.

nasa ospital pa si mommy Angela David kaya pwede pa kayong dumalaw. pasayahin naman ninyo siya, para sa akin.

kampai!
unkyel batjay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *