Best in Gown sa Surf City Marathon



kahit bumabagyo rito sa southern california, tuloy pa rin ang surf city marathon sa huntington beach. medyo nahirapan ako dahil bukod sa malamig ay malakas ang hangin at ulan. pero sa tingin ko ay naitaas ko ang bandera ng mga poging pinoy sa buong mundo ngayong araw na ito. pagpapatunay rin na kahit may diabetis, pwede pa ring i-career ang pagkarera.

naging mas makahulugan ang araw na ito dahil pinanood ako ni jet. lalo ngang bumilis ang takbo ko nung makita ko siya malapit sa finish line. muntik na tuloy akong matalisod. alam kong malaking sakripisyo ang pagsama niya kasi may pasok pa siya sa hospital mamayang gabi kaya nga may medal din siya. hehehe.

heto na yung official results

Surf City USA Marathon – Half Marathon

Bib:

11501

Name:

Nicanor David

Gender:

M

Age:

42

Hometown:

Irvine CA

Place Overall:

4105

out of 8402

Men:

2279

out of 3513

M 40-44:

370

out of 534

AgeGrade:

45.58%

Place: 5104

FINISH:

2:15:39

pace: 10:21

7.75 Mile:

1:20:30

pace: 10:24

Chip Time:

2:15:39

hindi na masama para sa isang 42 year old, no? sana nga lang ay may magregalo sa akin ng gift certificate na body massage. kahit walang sensation, basta masahe lang. ang sakit kasi ng balakang at paa ko ngayon at nahihirapan akong makayuko. hindi ko tuloy matanggal yung libag sa kuko ng paa ko.

36 thoughts on “Best in Gown sa Surf City Marathon

  1. mababaw lang ako …pero knowing all the factors: health, wind, rain (kulang na lang kulog, gera tsunami at lindol) ang galing mo naman, Batjay! Congratulations! Talagang malaking incentive din kapag makita mo ang mahal mo sa buhay to be near the finish line. Congrats to both of you!

  2. Congratulations, Jay! Kitang-kita naman sa mukha mo ang saya. Mas bata na nga ngayon ang itsura mo. You look 10 years younger. Kahit wala kami dyan, masayang-masaya kami para sa yo. Here’s to more marathons!

  3. thank you. BWAHAHAHA. eh di mukha lang akong 22, doc? i did have a great time. sana narito kayo na kasama namin. masama ang panahon pero masaya kami kanina.

    salamat bernie. akala ko nga kakapusin ako kasi nararamdaman ko na yung onset ng hypoglycemia (diabetic nga kasi ako). pero iba talaga pag actual race, you are pumped up at di ka nakakaramdam ng pagod.

  4. Congratulations! You are the MAN! Hopefully the next marathon will be just ‘cake’ for you.. I suggest you get a foot massage real soon, I’ll bet you’ll describe it as almost as great as sex..hehehe.

  5. hehehehe. ayos. wala bang marathon sa las vegas? may tumakbo nga pala kahapon na nakadamit elvis, sir roland. naalala tuloy kita.

    salamat sa lahat ng mga bumati.

  6. unkyel, email mo addy mo i’ll send u a massage gift cert. congratulations!!!! ang galing, especially sa age bracket mo! auntie, you both rock!

  7. if you want. hindi naman requirement ang pag attend, especially kung ayaw mo. kung hindi french yung guy mo, may difference ba?

    thank you mye. ok lang, hindi masyadong masakit ngayong umaga.

    performance of the week.

  8. okay, unkyel. takbo ka uli mamaya para mawala konti ang muscle aches, and andyan naman si auntie – she’s got the midas touch. cool beans!

  9. Congrats at 10:21 pace. That is a great time. I’ve looked at your MotionBased stats and that was very impressive at avg. 143bps HR. Masyado yatang conservative ang takbo mo. I think you can easily run at 10 min/mile if you want to.

    Congrats again!!!

  10. 10 min/mile for the half marathon last sunday? pwede siguro pero di ko pinilit kasi hindi ko alam what to expect since first time ko. tinitingnan ko ang pace ko nung first few miles, nasa 10/mile pero nung nag uphill na, nilagay ko na sa 10:30 to 11:00.

    diabetic kasi ako kaya natatakot din ako sa hypoclycemia. napansin ko kasi na walang pagkain na binibigay. according to the organizers, mayroong mga energy packs along the way. wala naman. eh hindi ako nagbaon ng pagkain kaya tinitipid ko ang energy ko.

    tapos, bwakanginang ulan at hangin yan. sobrang lakas at against the wind most of the time. basang basa at malamig pero enjoy na enjoy ako. i can’t wait for the full marathon in june.

    eto yung pacing ko, medyo inaccurate yung nike+ pero tama yung trend.

    SurfCityMarathon-Week6 Nike+ Reading

  11. I’ve never had a cause to leave a comment before; most of the time, I am content to read about your exploits as a forever-young middle-lifer. But now, I am de-lurking to laud you on a really fine accomplishment.

    To you, Batjay, and your loving better half, Jet, congratulations again! I believe this is a tandem effort; you with the grit and the muscles,and Jet with the “wind beneath your wings.” You make us middle-aged Pinoy folks proud!

  12. thanks gail. half marathoner pa lang. next june sana, i could claim the marathoner title. i can’t wait.

    hey KM – maraming salamat sa pagdalaw at maraming salamat sa pagbati. it was really fun and jet had a great time too. there’s nothing like hurdling a physical accomplishment. i must admit, it made me feel young.

  13. congrats! huli man daw eh maihahabol din.
    mabuhay ka batjay! ang bilis ng time mo.
    kung masakit ang mga muscles, naalala ko yuong ginawa sa akin ni misis nuong matapos ko yuong half marathon eh prinepare nya yuong bath tub with hot water at epson salt. nagbabad ako for maybe half an hour – tangal ang mga sakit-sakit sa muscles. na mi-miss ko tuloy yuong gabi-gabing ‘ofuro’ (hot tub) nuong namuhay ako sa japan. tulad nuong mga WWII movies sa atin kung saan eh yuong sundalong hapon eh nagbababad sa drum na niluluto sa ilalim. tangal ang stress ng buong araw.
    dagdag lang si misis e regular runner, matagal na syang runner. ang kanyang ginagawa ngayon para mabalance kasi me mga sumasakit sakit narin sa kanyang tuhod, balakang, at paa ay triathlon.

  14. salamat. nag hot shower ako ng matagal pagtapos ng race. sarap nga eh. regular muscle pain lang naman ang naramdaman ko. wala nga ngayon. in fact, nakatakbo na ulit ako kahapon at naka bisikleta na ulit ako ngayon papasok sa opisina.

  15. Congratulations Kuya BatJay!!! (naki kuya ba daw!). That’s a very good showing. You’ll do good sa June race I;m sure… I always read your blog. I find it very amusing and heartwarming. Sana ganyan din ako magsulat tulad mo. Congrats again!

  16. maraming salamat aileen, rn. sana nga maganda ang showing ko sa june. gusto ko yung preparation for june – it keeps me fit.

    ingat at hanggang sa muli mong pagbalik,

  17. Congratulations KB! I’m sorry I couldn’t watch you last Sunday — I was working. But I thought of you the whole time…especially as I looked outside the store and saw it raining buckets. Hangang-hanga talaga ako sa yo. 🙂

  18. Nakakarelate ako sa mga entries mo sa blog na ito unkyel batjay! Ang saya, you inspired to do the same, I mean magbigay ng makabuluhang insights para sa kaibigan, katrabaho na nagbabalak ding maging bagong bayan (cue Flor Contemplacion OST here…)

    Sayang wala ka na dito sa Singapura, pero sana makadaan ka uli, hehehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *