Be an opener of doors for such as come after thee

MR. AND MRS. CHAVES, MY TEACHERS nung umuwi kami ni jet sa pilipinas last december, nagkaroon ako ng opportunity para makita ulit ang dalawang tao na malaki ang influence sa buhay ko. mahigit 20 years ko na silang hindi nakikita. meet the husband and wife team of mr. and mrs. chaves, my high school principal/assistant director and kindergarten teacher, respectively. nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sila tumanda. una ko silang nakilala, 5 years old ako at uhugin pa. 35 years later, kami ang tumanda samantalang hindi sila nag bago. in fact, nagmukha pa silang mas bata sa amin. may magic yata talaga ang pagtuturo. si mr. chaves nga, nung high school kami, wala nang buhok – aba ngayon, mas mahaba pa ang buhok sa akin. hehehe. joke lang sir. baka ibilad mo na naman ako sa araw.


seriously, napakarami kong natutunan sa kanila. nakaktawang isipin, pero narealize ko lang fully ang impact ng influence nila sa buhay ko ngayon na lang na tumanda na kami. nakalimutan ko na kung ano yung mga specifics ng mga itinuro nilang dalawa sa akin dahil matagal na, pero ang hindi ko makalimutan hanggang ngayon ay yung mga natutunan ko sa kanila habang kasama namin sila sa school – integrity, passion, dedication, decency, discipline, devotion at selfless love. now that i am 41, i know that these are the most important lessons of all.

si mr. chaves (“tibo” ang tawag namin sa kanya), kung ilang generations ng taga notre dame ang dumaan sa kamay niya. mahigpit siya sa amin kaya takot kami sa kanya. malaki kasi ang boses at sobrang lakas ng dating – isang sigaw lang niya ng “HEY GENTLEMEN” eh tumatahimik ang buong school. i shit you not this is true – hanggang ngayon nga takot pa rin kami sa kanya.

nung nagkita kami last month, tinanong ni mr chaves si jun, yung isa kong classmate kung bakit hindi siya inaabutan ng beer. sumagot si jun: “sir, pasensya na hindi dahil ako sanay na kaharap ka sa inuman….kasi nung highschool kami nagtatago kami sa yo”. ganoon nga rin ang nangyari sa akin – nung makita ko silang pumasok sa meeting place namin, bigla kong tinago yung isang timbang puno ng beer sa ilalim ng lamesa. involuntary movement – it’s as if after 20 years, gusto ko pa ring itago kay tibo na umiinom kami ng mga barkada ko. ganon na lang ang respeto namin sa kanya.

si mrs. chaves naman ang aking unang teacher, kaya she will be forever in my heart. nagtuturo siya ng kindergarten sa notre dame at nung 1971, siya ang naging class advisor namin. ang daddy ko ang naging presidente ng PTA. those early formative years were really great. mrs. chaves, the students and the parents of our batch were really very close. kung saan-saan kami nagpupunta: mga excursions, field trips, iba-ibang mga parties at get together. siguro, kaya hanggang ngayon ay nagkikita pa rin kami at very close ng barkada ko after 35 years is because extraordinary bonds were formed during those early years.

i’ve mentioned both of them specifically in my book. kung mayroon kayong kopya, mababasa ninyo ang pangalan ni mr. and mrs. chaves sa acknowledgment. natuwa nga talaga ako – seeing them again after 20 years was one of the highlights of my trip. i really care for my teachers – especially the two of them.

sabi nila, tuwang tuwa raw ang mga guro pag nababalitaan nila na naging ok ang buhay ng mga students nila. sana tutuo. sana mabasa nila ang maikling liham na ito…

dear mr. and mrs chaves,

kung successful man ako ngayon, isa sa mga dahilan nito ay dahil once upon a time, naging studyante ninyo ako. i won’t be the man that i am now if not for the two of you. you have been a major major influence in my life – more than you know and would probably take credit for. maraming salamat sa lahat.

punong puno ng pagmamahal,
nick

14 thoughts on “Be an opener of doors for such as come after thee

  1. First, belated happy new year senyo ni Jet.

    Touching naman ang mini-tribute mo sa teachers mo. Ako din I have treasured teachers but I haven’t managed to thank them (save for 1) since I started earning.

  2. Sana sing ganda ng mga sinabi mo ang maging iisipin ng mga estudyante ko noon at ngayon. Kaya lang, sa totoo lang, sa tinagal-tagal kong pagtuturo, pinag-aaralan ko pa rin ang tamang approach. Mahirap talaga.

    Kaya ako, saludo ako sa kanilang dalawa.

  3. Mrs Chaves and I are happy to know that we have contributed, no matter how small, to the unfolding success of your life.

    It is extremely rewarding to hear commendable praises from alumni such as you.

    New year’s greetings from us, your teacher and friends.

    Tibo and Teacher Mel

  4. bosing,
    nakakatuwa naman itong post mo. at nakakataba ng puso para sa mga titser na tulad ko.
    ako rin, gusto kong makita yung mga titser ko. next time na umuwi kami gagawin kong misyon ito.

  5. i wish i could write the same things with my teacher who didnt allow me to go out, kahit ang taas taas na ng raise my hand ko….ayun, napaihi ako sa pantalon dahil sa kanya…

    Dear Miss Fernandez,

    pag ako nagka prostate cancer, ikaw ang dahilan,…hehehe

    I read your acknowledgement to them sa libro, siempre pa nabasa ko na rin at naiwan nga lang sa Pinas…

  6. Ay naku mylab, kung alam lang nila talaga how deeply they have instilled the lessons they taught in you… kaya hanggang ngayon, hindi ka makapagsoot ng medyas na hindi itim, laging properly buttoned-up ang shirts mo, magalang kang bumati sa mga tao lalo na sa mga babae, and don’t even get me started on your work ethics.

    And these lessons have really served you well. Kita naman sa naging resulta, what you’ve made of yourself.

    In my own remote way, I too, am grateful to your teachers for helping you become the man you are… because the man you are have made the life we live beautiful.

  7. Nahipuan naman ako…in English, na-touch na naman ang damdamin ko sa blog mong ito,Nicanor.;->

    Ako kaya? Ilan rin kaya sa mga dati kong estudyante (Pinoy at Vietnamese) ang nakakaalala sa ‘kin this way? O baka naman hanggang ngay-on ay isinusumpa pa nila ang dati nilang “terrorist teacher”…mwahaha!

  8. mayroon naman siguro – sana maalala ka ng mga students mo. para sa akin, calling talaga ang pagtuturo at dapat gumawa tayo ng statue para sa mga mgagaling nating mga teachers.

    pareng junnie, si miss fernandez pala ang sumira sa bladder mo. si tibo rin, pag nasa classroom, ayaw niya ng may tumatayo.

    hi jop and tito rolly. this blog entry is also for you, in a way. buti nga nag comment kayo kasi i had you in mind when i was writing it. iniisip ko kung ano ang magiging reaction ninyo kung kayo ang makatanggap ng ganitong sulat. mataas talaga tingin ko sa mga guro kaya ganoon na lang ang respeto ko sa inyo.

    boss roland. una sa lahat, maraming salamat sa pagmeet mo sa amin last week. tuwang tuwa si jet na makilala kayo ng pamilya mo. kung saan saan talaga tayo nagkikita. hopefully next time ay dito naman sa california para madala namin kayo sa disney land. tama ka – to teach is to touch someone’s life. alam mo yon dahil teacher rin kayong dalawa ng misis mo. kaya nga idol din kita.

  9. oo nga mylab.

    thank you sa mga maganda mong sinabi. yung mga rituals at habits ko sa pagdamit at pagkilos ay reflection ng matagal na training at disiplina sa notre dame. buti napapansin mo ito. hehehe.

    mukha talagang malakas ang dating ng mga teachers sa akin. i married the daughter of a public school principal who actually is an acquaintance of the two people i talked about in this entry. talk about six degrees of separation.

    labU!
    jay

  10. thanks for the short note, mr. and mrs. chaves.

    i’ve been thinking about my teachers lately and it was timely that i saw both of you – probably the two teachers that have meant the most to me.

    i will always be eternally grateful for all that you’ve done to shape my life.

    take care,

  11. Jay,

    First of all, what a great blog you have here. I enjoy reading every minute of it.
    I wanted to ask you if you know wether Mr. Chavez taught at Marist School before coming to ND Caloocan. If so, then we had the same teacher. Great guy pero stricto.

    rmada

  12. it’s possible that he was at marist, but if he did teach there it would have been in the 1960’s. mr and mrs chaves have been my teachers since 1971 and i know that they were at notre dame earlier than that.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *