BAYANG MAGILIW. HANDA, AWIT

ang aking pride ang joy purple gumamela. bumabagyo! hehe.. ok na ok dito sa bundok ng antipolo. masarap ang medyo malamig na simoy ng hangin na sinamahan ng makulimlim na panahon. para tuloy gusto kong bumalik sa kama at matulog. pero pupunta ako ng laguna mamayang hapon kaya kailangan nang bumangon. may appointment ako sa isang cliente na gumagawa ng gatas. gatas ng dalagang ina? hehe. gago. infant milk akshuli. makabili na rin tuloy ng kesong puti. alam nyo bang masarap ang prinitong kesong puti sa pandesal? flip nyo lang sa kawali, once over hanggang medyo halos matunaw, tapos hiwain at ipasok na sa pandesal. aytelyu, makakalimutan mong boypren mo pag natikman mo ito.

pagdating dito sa pilipinas, napilitan akong mag drive ng wala sa oras. it’s nice to get reacquianted with the streets of manila kahit medyo naninibago ako sa mga gulangan at singitan. i always believed that if you can drive here, you can drive anywhere in the world. iba kasi ang training sa defensive driving dito sa pilipinas. there’s nothing like weaving in and out of traffic on a busy saturday afternoon to heighten your senses.

nakadalaw na rin kami sa iba’t ibang family tree. last sunday nag lunch kami kina jet at dinner naman sa bahay ng mommy ko. ang sarap ng pagkaing pinoy talaga. pag uwi namin, mayron pa kaming isang sakong “pakingsheet, ang sarap” na bagong harvest na bigas, courtesy of jet’s dad. tapos may 2 kilo namang home made tocino na bigay ng mommy ko. breakfast nga namin ngayon kaya ang dami kong nakain.

o siya, tatapusin ko na ito. may dalawang pusang naglalandian outside da window habang sinusulat ko ito. patatahimikin ko lang. bakit? naiinggit kasi ako sa kanila. eat, sleep ang make little kittens lang ang kanilang ginagawa. samantalang tayo nama’y naghihirap kumita ng pera sa ibang bansa. hmm, ano kaya ang mararamdaman nila pag pinahinto ko silang mag sex?

haniwey, i’ve got the whole week ahead of me. puro trabaho pero nakaka singit naman ng oras kahit kaunti para muling malasap ang sarap ng pilipinas. it’s so nice to be back home.

19 thoughts on “BAYANG MAGILIW. HANDA, AWIT

  1. Welcome home! Swerte n’yo, ‘di n’yp naabutan ang sobrang init. Ilan purple gumamela mo kada puno. Paramihan tayo? ha ha ha Enjoy your vacation!

  2. welcome home! iba talaga pag nasa sariling bansa at kasama ang mga mahal sa buhay na matagal ng hindi nakita di po ba? oo nga sang ayon ako sayo dyan “if you can drive here,you can drive anywhere in the world” lalo na sa makati ang titindi dun, strictly enforced ang traffic rules. happy vacation!

  3. malihayang pag-uwi, baka kaw pala nagdala ng bagyong dindo ehehe…namimiss ko “akshuli” ang maynila. nagrelocate nga ako dito sa cebu bihira na akong makarinig ng naglalako ng balot at taho. pusa..

    wow tocino..*gutom*

  4. welcome home! ayus ang welcome sa inyo ng pinas, bagyo. pero di ba sabi ng mataatnda, pag sinalubong ka ng ulan, blessings daw yun. eh bagyo ang sumalubong sa inyo, di ibig sabihin nun sangkaterbang blessings. yahoooo! 😀

  5. konti na lang batjay and makakatikim ulit kami ng….bagyo sa pilipinas! 😀 and kesong puti naman is in our MUST EAT list pag uwi namin! yipee! ingat dyan!

  6. oh my gosh! thinking about it.. nakalimutan ko na boypren ko! magawa nga yan sajeschon mo kuya. hehehe! :-p hope to see you guys soon! 🙂

  7. glad to know you’re back home! sarap naman, tocino, kesong puti at kung ano ano pa, umuulan ulan pa, hmmm, no place like home talaga, enjoy nyo na lang pag-uwi nyo dyan kahit nagtratrabaho ka, im sure iba pa rin ang magkita kita ulit kayo ng mga kaibigan at kamag-anak mo:)

    regards to jet!

  8. uy inggit naman ako!!! enjoy your stay na lang at ikain mo na lang ako ng iyong pamosong keso puti. 🙂

  9. pakihalik mo rin ako sa mader mo jay. hanga ako sa kaniya. siyempre hanga rin ako saiyo dahil mabait kang anak (pag tulog?). marunong kang tumanaw ng utang na loob.

    The CA t

  10. i’ve been living away from the philippines for the better part of almost 7 years. laking bisdak ako, pero pinanganak sa hk. nakakatuwa yun site mo dude, makes me homesick for the most part but very happy to be filipino.

    ang swerte mo sa buhay mo, may god continue to bless you. sana ko din, balang araw, pagkalooban din nya katulad ng pagkaloob nya sa iyo.

    sulong kapatid!

  11. welcome home!!!!!!!!!!!!!!

    medyo bumabagyo dito sa tin eh…tagal ko ng di nagblog. meron akong blog-draft about our eb, di ko matapos tapos. busy ang lowlah, whew!

    miss you guys!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *