(BATJAY)

parehong pareho ang suot namin ng kasabay kong sumakay ng train kaninang umaga. red long sleeves at brown pants (or is it green?). mylab, ano na nga ba ang kulay ng pantalon ko ngayon? pasensya na kayo, ako po ay partially color blind and i have trouble with shades of red and green. si jet nga ang aking guide sa color combination – lalo na sa damit. minsan kasi, gusto kong i-match yung orange na t-shirt sa pink-reddish na shorts. baduy, alam ko. kaya, the next time na makita ninyo ako at kulay pula ang medyas ko, huwag nyo na lang pansinin. nag digress na naman. asan na ba ako? ah, ok…

so bigla kaming nagkatinginan na animo’y mga long lost friends ng katerno ko at nakita agad namin na para kaming kakanta. napangiti siya, napangiti ako. takbo siya sa kaliwa. ako naman sa kanan. para kaming dalawang magnet na pareho ang polarity. after this matching dress epispode, akala ko tapos na ang kwento…

hindi pa pala. sa pagiwas ko sa lalaking kaparehas ko ng damit, napaupo ako in between two people na parehong mahaba ang baba. pakiramdam ko eh para akong in between “open” and “close” parenthesis. parang ganito ako kanina sa train: “(BATJAY)”. natawa ako kasi nangyari na rin ito kay jet nung kinunan yung class picture nila sa college. yung classmate niya to her left and right at parehong mahaba ang baba.

18 thoughts on “(BATJAY)

  1. nakatulog ba sa train yung mga mahahaba ang baba? kung nagkaton eh sabay pa talaga sila nag-suicide hahaha!

    alala ko dati sa bus nung college ako, sa front row ko eh may nakaupong obese na babae. tapos may tumabi sa kanya na super petite na ale na may kalong na malaking bag.

    biglang nagpreno yung bus kaya na-out of balance yung obese at nasagi niya yung petite. hala talsik si petite, sumubsob sa sahig kasama ang bag. kinagat ko na lang ang aking dila at lumingon sa bintana para pigilan ang aking paghagalpak sa tawa.

  2. Batjay, kung saka sakaling red and green yan, maagang Pasko sa iyo.

    Di tayo nagabot sa Maynila, buti pa kayo ng kaibigang Dindin at nagdaupang palad. Kakainggit. Kelan ka at si Jet, kasama na rin si Spidey magagawi dito sa dakong Hilaga?

    ok yang green and red dito…bagay..autumn kasi. yan ang kulay ng mga dahon sa puno.

  3. hahahahahahaha. tawa na naman ako dito mag isa.

    Naalala ko tuloy nung nagwowork pa me Ayala, konti lang kaming pasahero sa jeep, walang masayado traffic, syeimpre mabilis magpatakbo yung drayber. Kaso, biglang preno yung nasa unahan na taksi, preno din ang jip at medyo nabundol pa taksi sa likod. Ang siste,,, di ako nakahawak sa loob ng jip. napaluhod ako at muntik ng mapasubsob sa “kwan” ng isang mama na nakakurbata. Buti na lang at mabilis reflex nya, nahawakan nya ako sa braso.

    Gentleman naman sya, pinipigilan nyang tumawa pag nakikita ako after that incident. Kabuilding ko pa naman pala yung mama. HUHU.

  4. You sure have a nice way of looking at things. Parang sa loob ng parenthesis ha. Ang galing namang description nun.

    Ito, try to picture this in your mind… Punung-puno ang bus at ikaw ay nakatayo sa pagitan ng kuba sa harap at buntis sa likod. Para kang “S” sa pagkakatayo mo nun di ba? Mahirap

  5. paano kaya maghalikan ang mga mahaba ang baba? mahirap-hirap yun kasi hindi spontaneous… too many obstacles… BAD!!!

    hi jet and jay! see you in december!

  6. hoy junnie!

    parang gusto ko na ngang isampay ang sarili ko sa christmas tree. hehehe. sabay kanta na rin ng paboritong christmas song ng mga housewife na may kabit: ang makabagbag damdaming – “aysomami” na pinasikat ni kumareng michael jackson.

    “aysomamikising (kisingkising) santaklaws”.

  7. hi pegasus.

    buti na lang di mo natuloy yung pagtilapon mo sa singit ng mama. pag nagkataon, baka naging kaboses niya si michael jackson.

    sabagay, kung mangyari yon, pwede mo siyang isali sa caroling ninyo sa pasko. ipakanta mo sa kanya yung “aysomamikising(kisingkising)santaklaws”.

  8. oo nga tito rolly. i have a nice way of looking at things. a nice demented way to be specific. ngyahaha. pero ok lang yon para hindi normal. the last thing i want to have is a normal mind. gusto ko abnormal parati para masaya.

    pag napag gitnaan ng buntis “d” at kuba “p”, parang ganito ang mangyayari: “p-batjay-d”

  9. hi dindin!

    paano maghalikan ang mga mahaba ang baba? very slowly. eto naman: paano maghalikan ang mga mababa ang haba? hehe. tougue twister. pero siguro mas maganda para sa mga mahaba ang baba kasi mas malaki ang area to work around with. in effect, mas maraming mga sensitive points kaya baka mas pleasurable for them. mas mahirap magjalikan kung parehong mahaba ang baba. parang spadahan yon.

  10. May kilala akong colorblind and all his clothes were black. Para raw pagkumukuha siya ng damit sa closet, siguradong babagay daw kasi black on black naman.

    Boring nga lang ‘yon no?

  11. yan din ang dahilan kung bakit gusto ko rin ng black. well, dark colors in general – navy blue and black basically. from my clothes to my choice of car color. hindi naman boring actually. in fact, i love the simplicity of black. plus the fact that you can match any color with it.

    i overheard this one time na nakatambay ako sa isang hotel from one vary famous pinoy designer: “maganda talaga ang itim, mama. pwede mo itong bagayan sa kahit anong kulay – kahit puting t-short na pinahiran ng tae ay bagay sa itim”

    mahirap din ang color blind. in my case, partial lang. there are shades of green and red that look the same to me. good thing, yung traffic light shades is not one of them.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *