BATJAY BIKINI BRIEF

BATJAY

kasalanan ito ng daddy ko. pag umiiyak kasi ako nung ako’y baby, ang gagawin niya ay magsusuot ng underwear sa kanyang ulo, tatanggalin ang kanyang pustiso at aaliwin ako. sino ba naman ang hindi matatawa doon? kaya naman ako ngayon pag gusto kong patawanin ang mga pamangkin ko, naglalagay din ako ng underwear sa ulo. siyempre, hindi yung suot kong underwear dahil magagalit ang mga nanay nila. yung ibang mga nanay nga, baka matulala pa. hehe. dapat, bagong laba parati. minsan naman, pag gusto kong patawanin ang sarili ko (tulad ngayon na wala ang mylabopmayn ko), naglalagay din ako ng underwear sa ulo, in honor of my late dad.

39 thoughts on “BATJAY BIKINI BRIEF

  1. hi mang batjay, sobrang long time no passing ako. ewan ko ba’t naman.
    but after so long, eto makikita ko…surely worth not forgetting to pass-by again. pinaka-ok yung nakatakip ang mukha nyahaha

  2. siyempre naman mylab. pogi talaga yan right profile ko. at tama ka, kaunting tiis lang at matataposo na ang ginagawa mo diyan at magkikita na ulit tayo. kaya heto ako – naglalagay ng underwear sa ulo.

  3. hi tin ni roland.

    kamusta na? tagal mong nawala. huwag lang masyadong tumawa sa opis kasi mahahalata kang hindi nagtatrabaho. ah actually, nag bisikleta muna ako ng mga 30 kilometers bago ko hinubad ang brief ko at isuot ito sa aking ulo. presko naman.

  4. rili!! black and white n lng po b binibili nyong underwear??!!
    so that means hinde tlga sa inyo ang sinuot nyong underwear sa mukha?! kase color blue at gray ang nasa pix eh. kanino po kayang underwear yaan..?

  5. Naku, your post made me remember the YC Bikini Brief jingle and I can’t get it out of my head!

    YC bikini brief/YC bikini brief/YC bikini brief/For the man who packs a wallop!

    Palitan mo lang yung “YC” for “Batjay” and bagay na itong kanta sa iyo!

  6. nung makita ko ito ang unang pumasok sa ulo ko…naku si kuya jay,may sayad na yata dahil wala si ate jet…miss na miss mo na si….DAD ano?(ngek,nawala yata logic)

    ganon naman talaga e to remind you of someone you truly love e ginagaya mo yung ginagawa nya dati para kahit papano,mabawasan ang pagka-miss mo sa kanila.ginagawa ko rin yun e (hindi yung paglalagay ng underwear sa ulo ha?) to remind me of my mom who passed away fifteen years ago at age 56….

    reagrds kuya jay…len

  7. HALA KA MAGIGING KINKY ANG BUHOK MO!!!

    hehehe. actually photogenic ang briefs ha. may kilala din akong gumagawa niyan para aliwin ako. itago na lang natin sya sa pangalang jockey. hehehe. works all the time.

    i’m sure tuwang tuwa talaga mga pamangkin mo. 🙂

  8. oh my, paul read my mind. ako rin, when i read the title, i got reminded of the yc jingle, kala lang i didn’t know that the lyrics included “for the man who packs a wallop”. grabe, ang creative talaga ng pinoy!

  9. hi paul.

    thank you for the jingle. that was exactly my intention – to spoof the YC Bikini Brief commercial. thanks for the lyrics. now i can sing the whole song. as jet and my friends will tell you, i used the YC Bikini Brief commercial jingle every time i tune my guitar.

  10. hi toni,

    wash your bikini brief
    wash your bikin brief
    for the man who packs a wallop
    YC is for you

    wash your bikini brief
    wash your bikin brief
    YC means fashion
    YC is for you

    wash your bikini brief
    wash your bikin brief

    YC bikin brief

    the brief i was using was washed. well, at least it smelled like it was washed. so either it was washed or my butt smells like a bouquet of flowers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *