BAKA MAPANIS YAN

BAKA MAPANIS YAN...

eto ang hitsura ng sinkit na pango na galit sa mundo na lalaking nangungulangot. ang cute ko no? pero kahit ganyan ang mukha ko, malaki naman ang ano ko… butas ng ilong.

ANG PATULOY NA ISTORYA NG PAGBIBISIKLETA: i did 22 kilometers this morning. not bad considering na lumabas ako sa bahay ng medyo late na. nakakatamad magbisikleta pag mainit kasi madali kang mapagod at ang lakas makaitim ng sikat ng araw dito sa singapore. kaya eto, kutis betlog na naman ako. pag ganitong mainit, nagpupunta ako sa “old tampines road“. this is one of favorite trails kasi tree lined ang stretch na ito. kaunti lang ang nagdadaan kaya pwede mong makalimutan, kahit sandali, na nasa singapore ka. kanina nga, ini imagine ko na nasa loob ako ng UP diliman campus, galing ng antipolo at dadalaw sa mga parents namin sa novaliches. sinabayan pa ng “mandolin rain” ni bruce hornsby sa aking iPod. perfect.

16 thoughts on “BAKA MAPANIS YAN

  1. ang kulit ng picture. Sabi ng bunso ko, ang lakas mo raw mang trip. Whatever that meant to him. hehe

    Sayang yung biking group mo mo? Why don’t you contact them and magyaya ka uling mag-bike every Friday? E kung nanjan lang ak, pihado, sama ko. Mahilig akong magsasama e. In other words, kaladkarin ako. hehe

  2. hi tito rolly.

    sana enjoy kayo sa vacation ninyo. ang kulit ba ng picture – si polo kasi, nilagyan ng animation yung nangungulangot na dirty finger pic, ayan tuloy. ang lakas ko raw mag-trip? ibig bang sabihin nito eh psychadelic ang imagination ko? hehe. weird? twisted? crazy? all of the above? ayos lang na label yan para sa akin. sira ulo naman talaga ako. hehe.

    wala na ang bike group ko. disbanded na. naghahanap nga ako ng bagong masasalihan. malungkot kasing mag bisikleta ng long distance mag-isa. kailangan ko kasi ng team work to get over long distances. di bale pag nasa pilipinas ako, mag bike tayo from pasig to antipolo. mga 17 km lang naman yon kaya lang nga eh uphill papunta sa amin, baka umabot sa sahig ang dila natin sa pagod. hehe.

  3. Sabi ko na sa lahat ng dirty finger pics mo, itong isang ito ang pinakakwela. Ang galing! Ngayon, gumagalaw pa! =)

    Nasan na ba yung sisira daw ng mga website natin? Bigyan mo nga ng isang sakong dirty finger mga yan.

  4. hey doc emer.

    maraming salamat kay polo for animating this nose picking pic. hehe… ang galing talaga ng kaibigan natin. alay ko rin ito doon sa mga mababait na nagpromise na guguluhin tayo. sana tubuan lahat sila ng mga betlog sa noo.

  5. Batjay, di ko matiis na di magcomment ulit. ANG KULIT mo talaga! Sobra!

    Huwat? May gustong sumira sa inyong website? Hmmm…di ba mas delikado kung magkaroon sila ng betlog sa noo? Di kaya mas dumali ang proliferation ng kanilang lahi?!?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.