nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.
32C and 0% R/H?!?! whoa! parang 1 minuto lang sa labas ng bahay eh torture agad sa balat. time to get your spf lotion ready.
90 degrees for feb? shet men, para kayong nasa australia, ang init nyan, bubula ang singit at kili-kili nyo nyan.
ang experience ko pag kasasagan ng init pero 0 humidity hindi ako pinapawisan. sir batjay, hindi mo kelangan mag underarm deodorant.
Bakit parang wa epek saken yang Santa Ana wind mylab? Medyo giniginaw pa rin ako. 🙁
kailangan pa rin ng deodorant pag nag exercise.
oo nga misisP. medyo parang panahon nga yung panahon ngayon. pa bago bago. tulad ngayong mga nakaraang mga araw, sobrang lamig naman.
hi eye.
nagiging tisoy na nga ako dahil most of the time ay outdoors ako ngayon. masarap kasi magpaaraw dahil malamig lately.
ingat diyan.
hehehe… ginawin ka kasi mylab. di bale, aakapin na lang kita.