BABYLON SISTERS SHAKE IT

dear nes,

kamusta pre?

medyo matagal-tagal na rin tayong ‘di nag-uusap ano? ok naman kami rito ni jet. nag e-enjoy kahit papano. ang bilis talaga ng panahon. summer of ’05 kaming dumating dito last year at ‘eto, parang kisapmata, end of summer ’06 na.

hindi ko nga alam kung natutuwa ako o maiiyak sa pagpalit ng season. natutuwa ako dahil hindi na masyadong mainit. in fact, medyo malamig na nga lately. sa gabi at early mornings ay nagsusuot na ako ng light sweater pag tumatakbo. at hindi na gaanong pinagpapawisan ang betlog ko kaya paminsan minsan ko na lang itong kinakamot, pag walang nakatingin.

ang ikinakalungkot ko lang ay medyo maikli na ang mga araw at mabilis nang magdilim. dati rati kasi, mga 8 pm ang sunset kaya nakakalabas pa ako after work para gumawa ng kung ano-ano dahil maliwanag pa sa labas. ngayon, mga 7 pm ay lights-out na.

nagsimula na ang autumn last week. hindi naman halata dahil nasa desyerto kami. wala kang makikitang mga pagpalit ng mga kulay ng dahon dito. puro kunehong malilibog lang na tumatakbo at yung occasional na cayote. narinig ko sa news na darating na rin ang santa ana winds kaya titindig na naman ang balahibo ko sa bwakanginang weirdong hangin na yon.

at siyempre, palapit na ng palapit ang pasko.

ano kaya ang magiging hitsura ng pasko namin ngayon? may trabaho na kasi si jet at malamang ay duty siya ng either christmas or new year. bahala na, ang importante naman ay magkasama kami.

miss ko na kayong lahat sa pilipinas. wala kasing malamig na san miguel light dito. kung mayroon man, iba ang lasa ng for export beer kaya hindi parehas ng sa pilipinas. miss ko na rin ang pulutan nating tokwa’t baboy, kapalmuks, pusit at sisig. inom n’yo na lang ako pag nagkita-kita kayo.

sige pare, ingat na lang at kamusta sa barkada.
jay

9 thoughts on “BABYLON SISTERS SHAKE IT

  1. batjay,

    masasanay ka din sa santa ana winds. ang mainit na hangin na iyan ay galing dito sa amin, sa mojave desert. sumisipa itong hanging ito tuwing “indian summer” (buwan ng oktubre).

    steely dan na akala mo’y
    walang kabuluhan
    ngayo’y naging tulay
    sa inyong barkadahan

    cuervo gold y fine columbian
    ang pansamtalang kaligayahan

  2. Sir Batjay,
    Hinahagupit ngayon ng Bagyo ang metro-manila,bagyong milenyo ang pangalan.
    Kung magiinom ngayon siguradong ililipad ang pulutang mani sa platito,ok kung crispy pata mabigat.
    Kumusta na lang,at mabuhay po kayo. wala pa akong mabiling libro mo.
    gil

  3. Naks naman ha! Santa Ana winds, Indian summer, cuervo gold, fine columbian at yung lyrics ng steely dan ba ika niyo? “drive west on Sunset to the sea”, magandang ruta yan sa motorsiklo kaya lang dadaan ka pa sa Pacific Palisades na maraming mga puti. Minsan naiilang sila sa mga mukhang indios pero pag lagpas mo duon tuloy ka na sa Temescal Cyn. pababang dagat. Ah! duon maraming indios na nag-pipiknik sa tabing dagat. Duon nag-tatakbuhan ang mga indios pag may santa ana winds na mainit ika mo sa valley at high desert area. Yun namang inu-ulan at binabagyo sa Maynila, bansagan niyo rin ang malakas na hangin na dala ng bagyo kada ganitong panahon. Bakit di nating tawagin na..Sta. Mesa winds, Bombay summer at sabayan ng tagay sa Lambanog, pa-usok ng La Yebana black.

    BatJay, sobra ka naman, di naman nakakaloko ang lakas at init ng Santa Ana winds. Dito nakikinabang ang mga kababayan nating mga pinoy dito sa westcoast na mahilig sa mga daing. Ito ang pinakamagaling na panahon pag marunong kang mag-daing ng bangus at iba pang isda. Ipit mo lang ng flat ang inasnan na isda at lagyan mo ng pabigat, ilatag mo sa likod ng bahay niyo, pag higop ng santa ana winds, voila! may instant dried fish ka na! Wag kang ma-asar sa pakialamerong at palasabat na matandang tulad ko ha! Wala kasi akong maka-usap dito sa dental clinic habang nag-hihintay ako at gamit ko itong laptop na naiwanan ng isang pasyente rito, na-high yata masyado sa laughing gas at tulirong lumabas nalang at di na yata babalik. mamaya titingnan ko kung ano pa ang ibang laman ng bag na naiwan niya. O sige ha!

    Tiyo Delyo

  4. hi unkel batjay! you’ll get used to the ‘changing of the seasons’ soon enough! and in cali, you get the best of everything. you should try snowboarding come wintertime!

    also saw your song list on tito rolly’s blog. v. cool! i also like pink floyd and i’m starting to get stuff by the beatles. i’ll have a list up soon!

    have a good weekend!

  5. hey mama kat. how are you and the hubs and the baby?

    it’s not quite changing of the seasons here in southern california where the leaves turn from green to brown. i kind of like it in your part of the world where you can see colors really change. i have tried body boarding last summer and i loved it. snow boarding? hmm…. might as well. all of the people in the office go to mammoth mountain to ski every winter.

    you’re just starting to get stuff from the beatles? interesting – try the white album, rubber soul, revolver and abbey road. in that order. ingat!

    santa ana winds para gumawa ng daing? hmmm… good idea.

  6. I know the feeling..kalungkot pag patapos na summer..enjoy naman sa gabi cos i get enough time to read and of course yung changes ng color ng mga leaves,autumn leaves,ganda di ba? at least di masyadong malamig sa cali.. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *