BABY SEAT

ang isa sa paborito kong pinakikinggan na podcast ngayon ay ang lefsetz letter ni bob lefsetz. si bob (naks naman, on first name basis as if he’s my bespren) ay isang magaling na music critic at pareho kaming mahilig magmura. ang feature niya this week ay isang kanta ng barenaked ladies na, i hereby declare based on the facts that cannot be denied, ay bago kong favorite song – “baby seat“. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na discover ang kantang ito at ang bwakanginang saksakan ng galing na bandang gumawa nito. it’s everything i ever wanted in a song – intelligent lyrics (that will make you stop and wonder – hmm, why didn’t i think of that) and a catchy tune na kahit na maging biktima ka pa ng last song syndrome eh ok lang sa iyo.

you can’t live your life
in the baby seat
you’ve got to stand
on your own
don’t admit defeat

indirectly, iyan ang itinurong lesson ng mommy ko sa akin – “stand on your own, baby”. birthday nga pala ng mommy ko ngayon. she turns 82 today. siyempre, malakas pa rin siya at maganda, thank god. kahit 82 na siya eh hindi siya mukhang lola (at ayaw niyang magpatawag ng “lola” kasi baka sabihin daw ng mga tao ay matanda na siya). poste pa rin siya ng pamilya namin and all around great lady. part of my success in life, i owe to her dahil during the most trying times when my dad left us, she was always there. hindi siya mahigpit sa akin when i was growing up. in fact medyo liberal nga ang upbringing ko. but this made me independent and made me get out of the baby seat earlier than most babies. happy birthday mommy, sana nariyan kami na kasama mong mag celebrate.

You left your home town in the spring
And turned your back on everything
You thought your life would just go by
Without a pause to wonder, don’t be silly

maraming milestones ngayong araw na ito. bukod sa b-day ng mommy ko, ngayon din ang 2nd anniversary ng pagsabog ng aking beloved appendix. two years ago, i almost died kasi umabot ng mahigit dalawang araw siyang sabog bago kami nagpunta ng hospital dahil ang gago ko kasi – tiniis ko ang sakit. buti na lang nariyan si jet. kung hindi sa kanya, sa holy cross na sana ako nakatira ngayon. isang linggo rin akong tumagal sa hospital pagkatapos ng surgery.

but still we seek a sneaky peek at heaven
when the working week defeats us
if you think growing up is tough
then youve just not grown enough, baby

dalawang taon na rin pala akong huminto ng paninigarillo. i had my last cigarette before i entered the emergency room and i have never looked back since. nag quit ako ng cold turkey after smoking heavily for over 20 years. if you want to know what tough is – be a heavy smoker and then try to quit. kung bakit pa kasi ako natutong mag sigarillo. gago, gago, gago. sana hindi na lang ako nagbisyo ng ganito. pero i am glad that it’s all over now (baby blue) – i only hope that i’ve quit early enough for me to enjoy the rest of my life.

16 thoughts on “BABY SEAT

  1. wow kuya atjay, medyo marami akong comment.. :p

    una, dati sobrang favorite ko ang barenaked ladies, hindi ko alam kung baket pero trip ko dati yung music nila. pero isa lang ata yung internationally (?!) released na album nila kaya hindi na nasustain yung paghanga ko sa kanila..

    pangalawa, nakakalungkot na hindi ko madownload ang podcast na yan, o mastream, dahil a) tanga ako at b) tinatamad akong ifigure out ang site ni bob (uy! first name basis na rin kame!) ;p

    pangatlo, happy borthday ulet sa mommy mo. sana ay patuloy pa syang maging healthy at masaya sa buhay nya…

    apat, (parang ten commandments ata ito!) buti nalang at hindi ka napahamak nung pumutok ang appendix mo, ang ate ko nuon naoperahan din, pero naagapan naman, kaya okay na sya.

    at huli, buti naman at nagquit ka na. good for you. sana ay patuloy ka sa healthy living mong lifestyle. nasubukan ko na rin maghithit-buga ng one time,pinilit lang kasi ako nuon. ewan ko ba kung baket sa dinami dami ng bisyo, yosi ang ni minsan hindi sumagi sa isip ko na subukan.. (yosi at droga) kaya nga naiyak ako nung masubukan ko yun.. ang virgin kong lips, virgin no more. ahahah..

    ayun lang ang haba na, para nang teleserye. πŸ˜›

  2. Happy bday to your nanay.Sana umabot sa ganyang age ang mom ko.

    At saka nga pala, happy anniv sa ating 2nd life. Remember, I emailed you last year and told you na pareho ang nangyari sa akin, almost at the same time as yours (1 year later nga lang).

    Life is beautiful indeed!

  3. hey chin,

    i love that song too – it’s a funny song. how’d you lose with lines like these:

    if I was John and you were Yoko,
    I would gladly give up musical genius,
    just to have you as my very own, personal Venus.

    i love BNL.

  4. Happy birthday sa Mommy mylab. I guess it takes a special person to bring up and nurture someone who turns out to be special too. πŸ˜€

    Happy anniversary din sa pagtigil mong manigarilyo. Knowing how you were so hung up on smoking before, it still amazes me how you could have done what you did and it makes me proud.

  5. your Mom and I have the same birthday! she must be gorgeous too then hee hee hee and wonderful, and nice, and great, and sweet, and…..ok ok … I am taking advantage knowing you will not argue – that is your Mom. Belated happy birthday to her…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *