dear unkyel batjay,
pag nangungulangot po kayo habang nagmamaneho, saan po ninyo ito ipinapahid?
respectfully yours,
gentle reader
dear gentle reader,
napaka personal naman ng tanong mo. bago kita sagutin, gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi naman ako tulad ng ibang mga kapatid natin sa singapore na halos ipasok ang buong daliri sa loob ng ilong. mayroon naman akong kaunting poise at subtlety… kaya nga kalahating palasingsingan lang ang sa akin. pero pag mahirap tanggalin, i use my thumb. bwahaha.
saan ba ipinapahid ang kulangot pag ika’y nagmamaneho? depende kasi sa type ng kulangot. mayroon kasing kulangot na medyo basa – sa bisaya, ang tawag dito ay “moe-west“. heniwey, kung medyo mamasa masa, kailangan mo ng tissue paper. kung wala, ipahid mo na lang sa upholstery ng silya. mas madaling mangulangot kung medyo tuyo ito. para ka lang humahawak ng maliit na beef jerky. hindi mo na ito kailangan ipahid akshuli, ikut ikutin mo lang sa daliri mo at pwede mo nang pitikin sa labas ng bintana. siguraduhin mo lang na bukas ang bintana bago mo pitikin. kung hindi, babalik sa iyo ang kulangot mo. tandaan mo lang gentle reader na mahirap mangulangot pag nagmamaneho ng kotse. kailangan mo ng practice dahil maari kang maaksidente kung hindi mo alam ang ginagawa mo. most of all – never ever do it on the freeway. bakit kamo? una, kailangan dalawang kamay sa manibela pag mabilis ang takbo ng sasakyan. ikalawa, nakakahiya pag na aksidente ka at nakita ng mga doctor sa emergency room na may putol na daliri sa loob ng ilong mo. sabi nga ni jim morrison doon sa kanta ng “the doors” na pinamagatang “roadhouse blues” eh – “put your eye on the road, your hands upon the wheel“.
maraming salamat sa pagsulat at good luck sa iyo,
unkyel batjay
Kuya Batjay, fav topic nyo talga ang kulangot noh!
i find this entry about boogers very useful, kaya lng po pag ibang kulay other than green ang upholstery, medyo stand out yung kulangot pag dun pinahid.
Sir, ano po ba pagkakaiba ng kulangot na made in RP, Singapore and USA?
Pahabol tanong ni gentle reader: Tama po bang ang pagkakaiba ng kulangot sa plato ay yung ang plato ay sa ibabaw ng mesa, yung kulangot ay sa ilalim?
oo tito rolly, tama ang pagkakaiba ng plato sa kulangot. ang isa pang difference eh hindi mo mabibilog ang plato. ngyehehe, ang corny ko.
march 1 – mas spicy yung kulangot na galing ng singapore.
dear cleng, marami namang nabibiling stain remover.
jenny – favorite kulangot story?
Mylab, yung rectangular na kahon dyan sa kotse, ang laman nyan tissue paper. Ibang klaseng tissue paper pa nga yan kasi antibacterial yan. Kung pwede sana, gamitin mo yan lagi pag nangungulangot ka. Wag mong ipahid sa upholstery ng sasakyan ha. Remember, 2 or 3 months down the road, ako na ang magmamaneho nyan… hehehe. Otherwise, dun naman ako magpapahid ng kulangot sa upholstery ng kotse mo.
Labyu!
oo mylab.
huwag kang mag-alala, hindi ko dudumihan ang kotse mo. pero salamat sa paalala. lab U!
Good Question! Better Answer! hahahahha!!
uyyy, ang sweet naman ninyo kuya batjay at ate jet… piktyur ng kotse naman diyan.
hi gail. thank you. hayaan mo, kukunan ko ang kotse mamayang hapon pag uwi ko.
LOL!!! Galing mo talaga Master Booger :)Kinakabagan ako sayo 🙂
maraming salamat jetski. hayaan mo, pag nagkita tayo papahiran kita ng kulangot.
nice Q&A.