…AS A MATTER OF NATIONAL SERVICE

may nagsabing lalaking politician recently: “singapore women (daw) should bear more children as a matter of national service“. e’h di siyempre, maraming nag react. karamihan ay mga kababaihan, na nainsulto sa suggestion na ito. oo nga naman. sino ba namang sira ulong tao ang magpapabuntis para sa bayan. para sa pag-ibig, pwede pa.

eh pano kung pag-ibig sa bayan? rhetorical question, forget it.

may article naman sa dyaryo na pang ganti: kaya daw mababa ang population ay dahil wala raw kwenta ang mga kalalakihan ng singapore. di raw marunong sa relationships, masyadong dominante at walang inisip kundi kumita ng pera. mas preferred daw nila ang mga foreigners lalo na yung mga asul ang mata (di katulad kong kutis betlog). di ko alam kung gaano ka tutuo ito pero yung isang dalaga kong officemate dati, eh ito parati ang bukang bibig – “singapore men, wah… so boring, no sex drive, so dull lah!” and other similar words to that effect.

eto pa’ng isa (dagdag ko lang dahil nakakatawa). letter to the editor naman. you’ve got to read this: “oral sex is a threat to institution of family”. my question – ang threat ba eh dahil kulang sa oral sex? or dahil sobrang oral sex? from the letter, it appears na ang problema ay kapag puro oral sex. bakit nga ba, ganon na lang ang focus sa oral sex? as if the very act will send lightning and thunder, and strike dead every member of the household. (habang sinusulat ko ito ay biglang nagkaroon ng thunder storm. inay!)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *