Hipon Coming Back!

pag nagmamadali kami at gustong makakain agad, isa sa mga paborito kong lutuin ay ang argentinian red shrimp. mabibili ito sa isang sikat na grocery chain dito sa southern california. siyempre, ang assumption ko ay galing sa argentina ang mga hipon otherwise, why call it argentinian red shrimp, right?

mga $8 ata ang isang pakete. mamula-mula siya pag luto na at ang lasa ay may pagka lobster ang dating. igigisa ko lang siya sa olive oil na may bawang at wisik ng kaunting toyo sa huli. mapapa tangina ka sa sobrang sarap.

talagang domesticated na ako ‘no? who whould have thought na matututo akong magluto pagdating ko rito sa america. necessity is the mother of all invention.

31 thoughts on “Hipon Coming Back!

  1. uy si levi pala eh magaling magluto…suggestion ko pre..may alam akong luto sa hipon….gisa rin with garlic….pag luto na add chopped onion springs and nestle cream, then turn off the stove and tuloy lang halo…pareho na tayong domisticated

  2. BatJay….Subukan mong lagyan lang ng suka na may sili. saka dagdagan mo ng bawang. And let me know kung magustuhan mo. May shell at ulo pa ba yung hipon na nabibili mo?

  3. sonny boy – siguradong masarap yang recommendation mo pre dahil mayroon kayong canteen.

    subukan ko nga.

    wala na etong balat at ulo, pre. pero nakakabili naman ako ng mayroon sa mga asian store.

    oo nga pala, may trip ako sa NY city ng mid april. sabihan kita.

  4. Hehehe… Nasa background lang ako lagi, kaya lang pag hipon na ang usapan, mahirap hindi kumibo. Okay tong blog mo dre. Parang nasa tambayan talaga tayo. Dagdagan mo na lang ng water fountain, na may nagtotoothbrush, parang nasa school ka na rin.

  5. wow unkyel ang sarap sarap ng nasa litrato.

    favorite ko yan, i can eat hipon anytime. makapagluto nga mamaya.

    happy weekend sa inyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *