APPROACHING 40

isipin mo next year: may 40 years old na sa batch natin. nung high school tayo, ito ang age ng mga parents natin. ngayon, ito na ang age natin. when you look in the mirror – do you see your father’s face? minsan… minsan sa biglang tingin sa salamin, nakikita ko ang mukha niya. minsan, pag umubo ako – nanririnig ko ang boses ng daddy ko.

birthday ng daddy ko ngayon. sana buhay pa siya para mapakita ko sa kanya na mayron na rin akong naabot kahit papano. sana pwede kong ayain ng 2 bottles sa bahay ko. sana pwede kaming mag-ihawihaw sa garden habang pinagkukwentuhan ang mga chicks niya. puro sana.

erpats namin nina kuya bong at mon. puro mga cowboy na masarap kasama…alala ko pa, nakikiupo ang erpat ni mon pagkagaling sa trabaho at aabutan tayo sa project 7. iinom pa rin kahit lasing na. ok lang sa kanya kahit lahat nag-yoyosi. tapos bigla akong makakatulog… (mahina lang akong uminon eh) – bagsak ang ulo sa lamesang stainless nina mon. “blagadog!!!” – bago ako mawalan ng malay, maririnig ko ang erpats ni mon: “o anong nangyari dyan?”. hehehe… kina kuya bong ganoon din, darating si erpats, nakainom na pero makikipag-jamming pa rin. palabiro kakwentuhhan – very proud sa mga anak…typical kapangpangan.

dalaw na kayo kay erpats itong weekend, dahil suwerte nyong mayron pang daddy. kami nina mon at ni kuya bong, maiiyak na lang sa ala-ala.

ingat at happy father’s day sa lahat ng mga tatay – lalo na kay pareng lando na tatay na tatay nang dating… dalaga nang inaanak natin, malapit nang mayroong dadalaw na bagets sa malinta. ngayon pareng lando, malalaman mo na kung anong nararamdaman ng tatay ng mga nililigawan mo nung araw – chick boy ka kasi! hahahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *