fall asleep with a mosquito in the room

dear unkyel batjay,

kung bibigyan ka ng pagkakataon para makausap mo ang diyos, ang ang sasabihin mo sa kanya?

gentle reader



dear gentle reader,itatanong ko sa diyos kung bakit pinayagan niyang isakay ni noah sa ark yung mag-asawang langaw at lamok. nakakainis kasi yung mga insektong iyon eh.

ingat,
unkyel batjay

23 thoughts on “fall asleep with a mosquito in the room

  1. sir, sama niyo na rin pong itanong kung bakit sinama pa ang mag-asawang daga.
    nag-evolve pa tuloy at ngayo’y sinlalaki na ng pusa!
    konti na lang pwede nang pagkamalang kangaroo!

  2. may langaw pero buti na lang hindi pareho ang ugali doon sa mga langaw ng australia. minsan nagpunta ako roon ng summer, bilib ako sa langaw – isang oras ata akong sinundan all through perth. kahit bugawin mo, bumabalik sila.

    australian flies ay kampon ng demonyo.

  3. re: oz langaw… hindi kaya bossing nakalimot ka lang maghugas ng pwet?

    hihi

    J/k lang. I know what you mean. They are pesky buggers who never quit.

  4. pakitanong na rin kung bakit hindi nya pa kinukuha yung mga hinayupak na mga walang kwentang politiko at mga leader ng bayan natin na walang ginagawa kundi mangurakot. Bakit kasi inuuna nyang kunin yung mababait e.

  5. Everything has a purpose di ba? E kung walang langaw e di hindi naimbento ang pamatay ng langaw. Kung walang lamok, e di walang Off lotion. Di ba? 😀

  6. yan din ang lagi kong tanong dati: ano ba role ng lamok sa mundo, kundi magdala ng sakit at peste mangagat. dapat di na sila ginawa ng diyos. he he. 😛 may sumagot sa akin, kasama daw sa food chain, pagkain ng palaka! ha ha ha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *