Any guy that can sweep you off of your feet

dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang sabihin sa isang tao na ayaw mo nang makita? mayroon po kasing nanliligaw sa akin na sobrang kulit. ok naman po siya pero hindi ko talaga type. kasi de numero po ang kilos niya at napaka pormal. para nga siyang di maka basag pinggan. ayoko po ng ganoong klaseng tao – natatakot po ako na kapag nagkatuluyan kami eh maging dominante siya at gawing de numero din ang kilos ko. galing po siya sa isang sikat na pamilya kaya ayoko naman siyang saktan. ano po ba ang pwede kong gawin.

humihingi ng tulong,
gentle reader



dear gentle reader,

ah simple lang yan. gumawa ka ng paraan para ma turn-off siya sa iyo. halimbawa, ayain mo siyang lumabas on a date. habang kumakain kayo ng dinner, itanong mo sa kanya kung tinitingnan niya ang toilet paper kapag natapos siyang magpunas ng pwet. i’m sure after a while, mawawala rin siya sa buhay mo.

ingat na lang at good luck,
unkyel batjay

21 thoughts on “Any guy that can sweep you off of your feet

  1. ang unang dapat gawin ni gentle reader e iwasan ang pagdoble-doble ng salita, wehehe.

    minsan naman bossing, di kelangang gumawa ng kaoink-oinkan para tayo ma-turn off. yun ngang mga babae na panay ang tingin sa salamin na para bang nahuhumaling sila sa sarili nila, grabeng turn-off yun.

  2. good evening sir. tama ka na naman. sa pagbasa ng comment mo, bigla ko tuloy naalala ang “piggies” lyrics ng beatles.

    Have you seen the bigger piggies
    In their starched white shirts
    You will find the bigger piggies
    Stirring up the dirt
    Always have clean shirts to play around in.

  3. dre, sa gapore marami kang makikitang ways, like yung peborit ko na nag-iisip ng malalim… yung hinihinga ng malalim, then biglang buga sa harap mo… inay, karamihan pa naman ng gaporian ay di ata gaanong kilala si eric banes. sa mrt nga, sa akin amoy-hininga, sa mga kasamahan ko amoy-utot daw. kayo bossing ano sa inyo?
    sabagay kung inlababo ng husto sayo walang turn-op yan. No choice kundi deretsahang basted na. pero kwidaw, kailangan alamin kung inlababo lang o feytali attracted na. kundi artistahin ka na, me stalker ka.
    mabalik lang ako sa kulangot, mas magaling pre kung pagkabilog, dilaan mo para medyo mamasa, tapos idikit mo sa psingi mo… o di ba ate glos look-alike.
    terimah kasi po sa espasyo.

  4. sus! what happened to the old fashion way of saying AYAW KO YAN SAYO! but say it after he paid for the food…or go with him without taking a shower, brushing your teeth, not combing your hair then with your yellowish teeth give him a big smile and offer to kiss him… am so awful… hehehe things that you teach me Jay!

  5. Sir Batjay,
    Di ba tayong pinoy di sanay sa punas-punas lang? typically naghuhugas ang pinoy gamit ang tubig, kaya sa banyo laging may tabo kahit may shower na.kayo po which practice do you apply american o pinoy way? tabo o tiolet paper?

  6. hi justice.

    mid february – that would be a nice time to move. kaya lang, pag pasok ng march at april ay parusa sa inyo. it will be hot and very very humid. good luck justice. you’ll do well there in singapore. it’s a great place that we’ve come to love.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *