ANG UNANG LETRA’Y ASUNSYON

nung nagbibinita ako, around this time of the year parati kaming sumasali sa pagkanta ng pasyon. kadalasan nagsisimula ito ng holy thursday at pipiliting tapusin ng bago mag easter sunday. pag inaantok nga kami sa madaling araw ay iniiba namin ang tono ng kanta. ang paborito ko ay yung refrain na ginagawa naming medyo upbeat. subukan ninyo itong kantahin to the tune of “electric dreams” and you’ll know what i mean. ang hirap kasi sa style ng pasyon eh kontra ito sa lahat ng mga natutunan mo sa pagkanta ng tamang paraan. yung mga hindi nga sanay na makarinig sa kanta ng pasyon eh akala nila ay nakakarinig sila ng ginagahasang kambing.

ang isa sa mga dahilan kung bakit ako sumasali sa pagkanta ng pasyon nung araw bukod sa libre ang pagkain at maraming mga magagandang babae ay dahil gusto kong marinig yung part kung saan nadulas si hudas. kahit anong basa ko ay hindi ko ito makita. nung bata kasi ako parati ko itong naririnig sa mga kalaro ko. akala ko nga nung araw ay babae si judas kasi based sa pagkakarinig ko sa kanta eh ang tutuong pangalan ni hudas ay “nancy”.

Nancy Hudas ay madulas,
Tatlong balbas ang nalagas.

kaparehas ito doon sa pelikulang “in america“. may eksena doon na nagiging malungkot yung mga batang immigrants tuwing naririnig nila yung “star spangled banner”. naawa kasi sila kay jose dahil ito raw ay bulag. ang pagkakaintindi kasi nila doon sa opening lines ng national anthem ay – “jose can’t you see, by the dawn’s early light” imbes na “o say, can you see, by the dawn’s early light”.

naalala ko tuloy yung kwento tungkol sa “Jesus H. Christ” espression na parating maririnig dito sa amerika. ano raw ba ang ibig sabihin ng “H”? ayon sa kwento, “H” daw stands for “Harold”, which is the true name of god. kasi raw sa lord’s prayer maririnig mo na “our father, harold be thy name”.

24 thoughts on “ANG UNANG LETRA’Y ASUNSYON

  1. astig yung mga trivia na yun bossing. matagal ko n rin gusto malaman kung san nangaling ung “H” sa Jesus H. Christ.

  2. Narinig ko nga ‘yung tungkol kay Nancy Hudas. Grabe ‘yung babaeng yun, may balbas. As for the passion, ano man ang gawin ko, hindi ko makanta ang pasyon sa tono ng “Hotel California” o kaya “Another One Bites the Dust”.

    BTW, first name daw ni Superman is Efren. Nadiscover nila ‘to nung tanungin sya ni Lois Lane kung sino sya. Sabi ni Efren (aka Superman) is “E-fren”.

  3. isa po akong avid fan ni mcgyver nung araw at ngayon ko lang nalaman na angus pala ang firstname nya! aliw nga ako sa soundtract music at sinasayaw pa nga namin ng ala broadway na tumataas-taas ang paa! hehe

  4. Sir Batjay,
    Kaya pala ayaw gamitin ni Macgyver yung pangalan niya, “Angus” kasi. Nung kabataan ko ay may pabasa rin kami sa bahay taon-taon, parang panata ba. Pumasok din sa isip yung tanong na bakit kinakanta yung pasyon eh pabasa nga. Inisip ko na lang na pangit kasing pakinggan yung “Pakanta”. Sampol, “Bebang may pakanta ba sa inyo? Sige na, pakanta ka naman.”

  5. Yung “menemis” ata parang title ‘yun e. Gaya ng “attorney” or “engineer”. Kasi si James Bond ginagamit din yun e.

  6. hi dinah. long time no hear. matagal na nga kitang di nakita. ikaw pala nagpauso ng “menemis” hehehe. naalala ko tuloy yung kanta ng carpenters na “Haymunda”

    Haymunda, top of the world looking
    Down on Creation
    and the only explanation
    I can find…

  7. naalala ko rin yung pasyon…

    Kumain na, nagbalot pa
    ang walanghiyang nagbabasa…

    Alam mo bang si Jesus taga Ilocos pala?

    Nakalagay yung address nya sa ibabaw ng cross. INRI

    Ilocos Norte, Region I.

  8. wehehe…aliw naman ito mr batjay!

    dati rin tinatanong namin kung saang part yung “nansi hudas..”

    mukang sa pelikula ni tito vic joey lang ata, hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *