ANG TUNAY NA DAMDAMIN

nung bata ako, isa sa paborito kong kanta yung “awiting pilipino” ni boss mike kahit di ko masyadong naintindihan ang mga lyrics. after 30 years and after moving to another country eh parang ngayon lang nagkaroon ng kahulugan ang kanta sa akin.

“hinahanap ko ngayon
ang tunay na damdamin
hinahanap ko ngayon
ang tunay na sariling atin”


itong pag uwi ko kasi sa pilipinas, pakiramdam ko, para na akong out of place. parang hindi na ako parte ng pulso at galaw ng bayan ko. wala na akong pakialam sa pilipinas at parang handang handa na akong talikuran siya. napansin din ito ni jet – wala na raw akong gana. hindi na ako tulad ng dati na pagkadating pa lang ay abala na agad sa kung ano ano.

ayoko namang mawalan ng pakialam kaya tulad ni mike, naghahanap ako ngayon. naghahanap ng kahulugan. naghahanap ng paraan para makapag identify sa maikling panahong narito ako na kasali pa rin ako sa karerang pinoy.

8 thoughts on “ANG TUNAY NA DAMDAMIN

  1. alam mo bossing, medyo nakita ko na kung ano ang dapat gawin para hindi mawala. na depress lang ako siguro nung first few days ko rito pero nung makita ko ang pamilya ko at mga kaibigan, medyo nag-iba ang outlook ko.

  2. napaka small world …

    speaking of mike hanopol, he’s been coming to the house these past few days, visting with my sister and brother-in-law na kabarkada niya dati, who’s now a pastor in new york, na nandito for a few weeks.

    mike h is truly a born again christian in the service of the lord. pero kahit gospel songs na nag kinakanta niya ngayon, he is still undeniably a rocker and a class act. sobrang cool at ang galing pa din nya šŸ™‚

  3. Nakow,Batjay, “been there, been that”! šŸ˜‰

    Nung umuwi ako last year, ay pa-cry-cry pa ako nang makita ko ang city lights of Manila mula sa eroplano hanggang lumanding. Pero ano baga’t nang makailang araw ako sa Pinas ay naiirita na ako sa dami ng tao, trapik, dumi at kakulangan ng disiplina in general. Pag nadine naman ako, miss na miss ko naman ang “trying to be organized chaos” ng Pinas.

    Hmm..baka ito na ang disease ng mga “taksil sa bayan”…haay. ;->

  4. hi ms sirena.

    welcome back. i know exactly how you feel which is why i posted this. mahirap ma explain ang nararamdaman natin hanggang di ka talaga aalis.

    sa noli ni rizal – eksaktong eksakto ang nararamdaman natin at yung na experience ni crisostomo ibarra. kakarating lang niya galing sa spain after a long time pero pag balik niya sa pilipinas, ganoon pa rin – same trash, same potholes. pero mahal na mahal pa rin niya ang bayan niya warts and all.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.