ANG PINAKAMALAKING WRIST WATCH SA BUONG MUNDO




siguro naman pag suot ko ang relo kong ito, wala nang magtatanong sa akin kung anong oras na.

maraming nagtatanong sa akin kung bakit ako naka helmet sa loob ng bahay. eto, sasabihin ko sa inyo ang dahilan: sa sobra kasing laki ng relo, doon sa helmet nakalagay ang baterya. parang swiss knife ang relong yan at multi function chronograph – bukod sa pagbigay ng time, mayroon din siyang TV, radio, calendar, calculator, weather forecast, GPS navigation, MP3 player, oven toaster at saka refrigerator.

almost two years ago nung kinunan ang litratong ito sa bahay namin ni jet sa antipolo. baby hippopotamus pa ako at kitang kita sa pisngi ang taba. nakita ko na naman ang bahay namin at na miss ko tuloy siyang bigla. ang sarap sana ngayon tumabay doon dahil pebrero – malamig sa antipolo at masarap mag bungkal sa garden. malamig din namn dito kaya lang hindi naman pilipinas.

sabi nga ni philosopher jagger… “you can’t always get what you want

44 thoughts on “ANG PINAKAMALAKING WRIST WATCH SA BUONG MUNDO

  1. iniwas iwasan ko na muna tumingin ng mga litrato na kuha sa Pinas…tama ka kahit pareho minsan sa kung saan tayo – hindi pa rin siya Pinas.

    o siya…mag sho shovel pa ako ng snow sa garahe…

  2. hohummm…ang liit naman ng wristwatch mo. Dapat mala Big Ben :-p Bagay ata ang B B (Big Ben) for B J (BatJay ha!).

    Nga pala, marami akong prends na bumili ng book mo. Malapit na rin ako magkaroon ng kopya (yey!). Speaking of books – nabasa mo na ba yung Sophie’s World? Its a good one.

  3. pakisabi na rin sa mga kaibigan mo na maraming salamat sa pagbili ng libro. sana magkaroon ka na rin. oo, mahilig ako nung araw sa malaking relo. yung isa nga nakakabit sa dibdib ko dahil sa sobrang laki.

    mayroon kaming sophie’s world sa library. unread. ang dami kasing nakapila sa listahan ko kasi bili kami ng bili. pakiramdam ko nga milyon milyon na ata ang naubos na pera sa mga libro.

  4. anong oras na ho Mang BatJay? Ako me relo galing sa Pilipinas na pang dingding pero ginawang parang pang relo sa kamay. Gawa sa kahoy.. gusto nyo hiramin?

    :)- dito ang init! Nasa Central America kasi ako. Makapagtinda kaya ng halo-halo dito.

    Maganda nga ho ang Sophie’s world.. nabasa ko na yon mga 4 na taon na yatang nakakaraan (kung yon nga yong nabasa ko). Sige ho, isang magandang araw

  5. Yan, naalala ko tuloy na naiwan ko tuloy ang relo ko. Anyways, bongga nga yung Sophie’s World. Medyo kailangan nga lang in a Pilosopong Tasyo mood ka pag binasa mo. Ginamit ko nga shang reference nung pinagturo ako ng Introduction to Philosophy sa atin. Mas madali kasing maunawaan from that book kasi presented and discussed in fiction form ang “lecture”.

    Hmm..akala ko baga’y malaking relo ang topic? :->

  6. Sa Guatemala ho. Pero nagpupunta din sa ibang parte ng Central America- parte ng aking trabaho.

    Ang relo kasi meron din yan kapilosopohan :) ang oras mismo di ba? Sino nga ba ang gumawa ng oras- bakit lagi tayong nakikipag habulan sa oras (o baka ako lang yon). Ang una ko ginagawa pag gising sa umaga e tumingin kung anong oras na (at baka ma late na naman ako)..

    Teka nag ke kwento na ako.. hehehe Gusto ko to kahit di ko kayo kilala, nakakapagkwento ako (alam nyo na siguro na bato na ako kaya heto na naman ako) Mag tatang halian na kasi..

  7. guatelama! kyul – yung missionary priest na pinoy na nag bless ng bahay namin sa antipolo ay nadestino sa guatemala. kaya lang nag-asawa na siya. gwaping kasi eh.

    kung gusto mong mag muni-muni sa kapilospoohan ng oras, ang payo ko ay pakinggan mo ang “dark side of the moon” ng pink floyd. pakinggan mo ang buong CD sa gabi ng patay ang ilaw.

    highly recommended.

  8. hmm sige pag nakakita ako non cd… malayo ako sa kabihasnan eh… nasa isla

    Mang BatJay- kung me anak kayong lalaki.. pag papariin nyo ba ito o papayagan nyong mag pari kung yon ang gusto nya?

  9. ang laki namang relo nyan!! hahaha! baka sa susunod kuya e makita naman kita na nasa likod yung battery ng phone mo!! yaaaayyy…

    nga pala, nakuha ko na yung libro mo! yahoooooo… magsisimula na akong magbasa! hehehe…

    ingat po lagi en God bless sa inyo ni te jet!

  10. San mo nabili yan? Tamang-tama sakin yan kasi di ko na kailangang magsalamin pa para tumingin lang ng oras.

    On second thought, mabigat ata ang baterya no? Mahina pa naman ang ulo ko.

  11. magandang relo nga yan ah…dapat yan para sa mommy ko, a lover of chronically late! kahit kalahating araw magpre-para, pesteng yawa, late pa rin! anyway, antipolo po pala kayo, mang batjay…kailangan ko ring magawi sa rizal pag umuwi ako…di sa antipolo…sa binangonan, kung nasaan ang ex-bf ko na taksil dahil biglang nagpakasal sa isang mukhang gollum…at maboljakan!

  12. Aba eh tama nga yung unang nag-comment dito! Kamukha mo nga si Bayani Agbayani! mahilig ka rin pala sa “mais” kagaya ni aling Otik!..me-es-me-es kayo diyan!

  13. sinabi mo, mr. batjay…in a way, nakaganti na rin ako sa kaniya…kamukha nga ni gollum na may mix ni michael v kapag nagpapanggap siyang babae ang napangasawa niya…pero influencial kasi ang family nung gollum…nasa politics. anyway, kinongrats ko naman, sabi ko na lang na huwag niyang pangangalanang “precious” ang magiging anak nila…kundi patay na! ano kaya regaluhan ko ng relong kasing laki niyan, para pantakip sa mukha ng asawa niyang pangit? ha ha ha…joke lang po, sama ko naman talaga!

  14. yan mismo ang relong gusto kong bilhin! pero sabi nga dun sa chinatown eh hinde na daw nila binebenta yan dahil collector’s item na nga, at yung last piece na naibenta daw nila 2 years ago sa isang kubrador ng jai alai na taga pasir ris noon.. malamang ikaw nga yun! ayan tuloy, binentahan nalang ako ng isa pang collector’s item na relo, maganda din at nabili ko ng mura, 2-for-1 pa, kaso nga lang hanggang alas-syete lang ang relo.

    sophie’s world? nawindang ako sa libro na yan! ilang araw din akong pinag isip.. tangna kinwestyon ko pa ang mga bagay bagay after ko basahin ang libro na yan! pinag isip ako, mantakin mo! walang katulad ang libro na yan!

  15. bosing, may tanong lang po ukol sa ilang bagay na napansin ko sa kabahayan: 1) ano ung itim na bagay na nakasabit sa kisame ng patio? 2) alak ba ung nasa tv? (commercial? screen saver?)
    3) water-color paintings mo ba yung naka-frame?

  16. hehehe… you are very observant, mypren.

    1. wind chime na niregalo sa amin nung house blessing
    2. mukhang fundador – commercial sa TV
    3. oo, mga water color ko yan – from left to right: a dancing bear in a bikini, a small girl in a blue dress at isang pusa na natutulog sa libro.

    more of the artwork here:

    1. http://www.flickr.com/photos/batjay/sets/12897/
    2. http://www.flickr.com/photos/batjay/sets/72157594169994315/

    niregaluhan ako ni jet ng water color set sa birthday ko at nag paint ako pagkabukas na pagkabukas ng gift. siguro mga 7-9 paintings. i haven’t touched the watercolor set since.

    para akong poor man’s version ni leonardo – puro simula lang lahat.

  17. JENNYPENG!!! kubrador na taga pasir ris. ako nga yon! nadaan nga ako doon nung dumalaw ako diyan nung november. bigla akong nalungkot. miss pa rin namin ni jet ang pasir ris. heniwey. gusto ko rin yang relo na hanggang alas siyete lang! BWAHAHA.

    hey laureen. sasabihin ko sana, maghanap ka rin ng boypren na kamukha ng idol kong michael V para patas kayo. kaya lang, tama lang siguro na mag move on na lang.

  18. mr. batjay, sabi ko na nga ba taken 2 yrs ago yang pic na yan, mejo chubby ka pa e. lam ko macho ka na ngayon. hehe. nice house… nice wristwatch …

  19. Demonyo ka nga talaga! nilagay ako dito ni Lord para kalabanin ang mga ka-maisang idinudulot mo sa mga kabataan ngayon. pahabain mo ang buhok mo at ipa-corn rolls mo na rin para makumpleto ang mais mong katauhan..me-es, me-es kayo diyan!:-)

  20. To answer your question re: baken magandang reference sa intro to Philo ang Sophie’s World. Kasi nai-present ng author yung disinsana’y pagkaboring-boring na lecture e.g., history of how world views/knowledge came about c/o of different philosophers/scientists of varying eras in fiction form. Kumbaga’y pinagkwentuhan ng characters yung mga lecture and then nag-input sila ng kanilang layman’s view. Parang pag nakainom na ang mga magkakabarkada ay pag-uusapan na ang religion & politics and other “kalaliman ng buhay” minus the away dahil nagkapikunan na…ganon.

    So, in other words, pinadali nya somehow ang trabaho ko noon kasi inanalyze na nung book yung mga pieces of philosophy. Feeling tuloy nung mga estudyante ko, ang galing-galing ko…mwahaha!!!

  21. I know you’re healthier now and I like it that way. But seeing this picture… nami-miss ko yung chubby baby ko.

    Macho baby na siya ngayon… hehehe.

    At oo nga pala, when will you pick up the brush and take up painting again?

  22. pag may compelling na desire na ako mylab. ang dami kasing distractions – TV, film, PC time. hopefully, soon para madagdagan na yung mga nakasabit sa antipolo.

    ano bay ung magiging compelling reason? VACATION TIME!!! hehehe.

    para pala akong yung artista sa harry potter. once a chubby kid, naging macho hunk na ngayon.

  23. Hi Jay,
    Kita ko pics mo sa Vegas at ang laki ng pinayat mo. Malaking diperensiya sa huli nating pagkita sa Mt. Apo noong 2005. Ipagpatuloy!

    pim daza

  24. Hi Jay,
    Mabuti naman kaming lahat. Nandito para rin sa PNOC-Mt. Apo. Si Rommel malapit nang umalis (malapit na eleksyon). Pagdasalan natin at malaking pagbabago sa buhay niya ngayon. Sa pagtagumpay siya sa bago niyang career.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>