ANG PINAKAMAKASALANANG ALMUSAL SA BUONG MUNDO

BIKER BATJAY IN SINGAPORE bukod sa pagluto, pagkain ng breakfast na nakataas ang paa, pagbigkas sa mga tula ni neruda, paglaro ng Xbox, pagkamot sa makating betlog paglinis ng tenga, pagtulog, pagbasa ng kung ano anong bastos na libro at pag chill out with jet, ang highlight ng aking weekend ay ang pag-ikot sa singapore gamit ang aking bisikletang itim. sabi ko nga parati – iba ang exhilaration na nakukuha mo rito. walang ibang katulad ang paghangos ng hangin sa ‘yong mukha (hindi “wind beneath your wings“, gago). napakasarap talaga kahit minsan ay bilad sa araw. kaya siguro medyo kutis betlog na naman ako ngayon. nasubukan nyo na bang mag orgasm na kala mo sasabog ang ulo mo sa sarap? siyempre hindi ganoon yung pakiramdam ng pagbibisikleta. otherwise, lahat tayo ay contestant sa tour de france. but it is close to coming, kaya highly recommended ito para sa mga malamig na babaing aso (“frigid cold bitch” ata ang english translation nito) or para sa mga supot lalaking hindi na tinitigasan.

BACON, EGGS, MUSHROOM AND TOMATOES WITH EXTRA VIRGIN OLIVE OIL baka nagtataka kayo doon sa title ko ngayon – “pinakamakasalanang almusal sa buong mundo” or in english “the most sinful breakfast in the world”. it is not biking of course. ang sinasabi kong makasalanang breakfast ay yung niluto ko kaninang umaga: bacon, sunny side eggs (yes, virginia. so far so good pa kami rito sa singapore as far as eggs are concerned), stir fried mushrooms at tomatoes cooked with extra virgin oil. oo alam ko, puro pampa-atake sa puso ang pagkain na ito. iniisip ko pa nga lang parang nagpa-palpitate na ang puso ko. hehehe. pero masarap talaga ito. at siguro naman entitled akong kumain nito paminsan minsan. especially kung kakatapos mo lang mag bisikleta ng 20 kilometers under the intense heat of the morning sun.

23 thoughts on “ANG PINAKAMAKASALANANG ALMUSAL SA BUONG MUNDO

  1. have you been on a bike? πŸ™‚ it gives you the same exhiliration although it is a bit more unsafe. And for those frigid cold bitchess – I didn’t think there is any cure for them hehehehe enjoy! keep sane & safe …congratulations on bein ssmoke free for 132 days πŸ™‚

  2. sayang di ko masubukan dito yan at napakalamig na at baka mauna ang rayuma kesa pagpawisan.

    kapatid ng nauna mong post ang entry na ito. ang paninigarilyo at pagbisekleta ay di pwedeng magsama.

    pero ang no.1 sponsor ng Tour ng Pinas e Marlboro. makes you wonder….

  3. ay naku, nahuli ako ng amo ko!!! yung site mo ang nakabukas sa computer ko… pagbalik ko galing sa banyo, binbasa niya ang page mo… buti na lang eh good mood at faverite ako… kung di, patay lagot ako!

    Whew!!!

  4. hanep jay, hanep sa porma hehehehe talagang obvious na ready ka na mag almusal sa porma mo hhehehehe

    it surely is good to be back on the road halata sa smile mo ang exhilirating biking activity

    congratulations for the 132 days of non-smoking, keep it up!

  5. ayos ba sir bongK?

    mukha ba akong kontrabida sa goons na alalay ni paquito diaz sa mga pelikula ni FPJ? ngyehehe. pinapanipis ko pa ang katawan ko. medyo mahirap dahil matanda na ako. hehe. pero ang pagyosi – yan talaga, pilit kong iniiwasan. sana di na bumalik. on the road again – tama, exhilarating talaga. lalo na pag may music ka na kasama sa pag bike.

  6. yes ma’am dindin.

    niluto ko yung egg after the bacon para mas makasalanan. minsan nga pinagsasabay ko yung eggs and bacon espesyali kung malaki ang pan. yung kamatis cooked with olive oil and garlic is the kicker. ewan ko ba – ang sarap kasi eh.

    nagustuhan ba ng boss mo yung blog ko? hehehe. akina, ibigay mong email niya at susulatan ko ng excuse letter.

  7. malamig nga sa toronto ano, preng junnie? pero masarap siguro ang mag bike sa winter. after a while, wala nang pakiramdam ang mukha mo. di ba doon sa amazing race – may portion doon na mountain bike in the snow na sa canada ginanap. this was before the final run in texas.

    about the marlboro tour – there was one time in the “tour of luzon” bike race that the “king of the mountains” leg that was held in baguio was won by a chain smoking biker. the irony of course was not lost to the organizers and the press.

  8. hi g.

    thanks for dropping by. ano bang cure sa mga cold bitch? hehehe. a warm bath perhaps? yup – that’s 133 days and counting. sana tuloy tuloy na. i’ve known people who’ve stopped for years and then suddenly, they’d go back and smoke again.

    ingat,
    jay

  9. hello odet. nagbibisikleta ka ba dati? mahirap kasi diyan sa maynila ang mag bike. lalo na pag babae. most kasi ng mga nagbibisikleta ay mga lalaking barako. pero pwede pag inutusan ka ng nanay mong bumili ng suka.

  10. Sarap naman nyan. My idea of a perfect breakfast. parehong pareho tayo ng taste. Ang pagkakaiba lang yata natin yung luto ng itlog. Mukhang sunny side up ka na medyo rare, ako over-easy parati e. Atsaka sasamahan ko yan pihado ng rice o kaya ng tinapay at butter. Pampabata talaga no?

  11. ang galing ano? marami nga tayong mga similar na peborits. para sa amin ni jet – ito talaga ang perfect breakfast. actually, kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ito kaysa sa steak ang eggs. well, come to think of it – pareho sila ng ranking sa aking list of all time greats. tama ka – gusto ko na medyo rare na sunny side egg. hinahalo ko kasi sa kanin and i want it juicy. although medyo delikado dahil sa salmonella. ang perfect sa bacon, muchrooms, egg and tomatoes ay white rice. sobra ngang pampabata na kailangan lang ito mga once every two weeks.

    sa pasko, pagluluto ka namin ni jet.

  12. yup, one of my favorite meals of all time. for me, it’s the perfect breakfast especially if it’s a weekend and you have a lot of time to spare to leisurely prepare the meal and of course to get to eat it too. and, if you really want to splurge… pan cakes would be a great addition as well.

    that makes all the 20KM bike run worthwhile.

  13. batjay, ang ganda ng attire mo (lalo na dahil kasama mo ang ipod mo), para ngang pumapayat ka na ah naks!

    miss ko na ang pagba-bike, napapanaginipan ko na nga dito. btw, na-fu-frustrate na ako dito dahil wala akong mahanap na jersey ng tour de france πŸ™

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *