PAG EBAK SA SINGAPORE

(this is not a scientific study)

tutal lunch time naman at may guerra sa iraq, pag-usapan natin ang toilet habits ng mga taga singapore. base ito sa aking mga personal na obserbasyon at malamang ay walang scientific basis.

napansin ko rito sa building namin, around 70-80 percent of the time, may gumagamit ng trono sa CR. pumapasok ako sa toilet ng twice sa umaga at twice sa hapon. so sa makatwid, 3 out of 4 times na pumasok ako sa banyo ay may taong ume-ebs. sa aking obserbasyon sa pilipinas ay hindi ganito ka-limit mangubeta ang mga pinoy. napansin ko rin na wala sa timing ang kanilang pag-ebs. isang kaopisina ko ay between 7-9 ng umaga. ang isa naman ay between 8-10. ang alam ko sa mga pinoy eh toilet trained tayo. ibig sabihin, pagkagising sa umaga ay automatic na bombs away agad pag pasok sa banyo. sa akin, for example: pag gising ko… basa dyaryo 10 minutes, kape, yosi at di na magtatagal ay morning ceremony sa banyo sabay ligo. automatic man. like clockwork. dito sa singapore, may pagka-random at wala sa tamang oras – i.e. sa umaga pagkagising.

may mga haka-haka ako:

1. sobrang spicy ng pagkain dito kaya kahit anong oras may ume-ebs
2. malinis ang mga cr kaya wala silang pakialam kung saan abutan ng pagka-ebs
3. iba ang kultura ng mga tao rito (huh, may koneksyon ba ito? maybe)

matagal ko na itong pinag-iisipan eh. lalo na ngayon kasi “shit happens” parati ang naririnig ko sa mga taga-rito. pag may problema – “shit happens”. pag may issue – “shit happens”. pag may guerra – “shit happens”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *