ANG MULING PAGBABALIK NG ITLOG SA SINGAPORE

pepper steak and eggs, the perfect breakfast bilang celebration sa muling pagbabalik ng itlog sa singapore, nagluto ako ngayon ng isa sa mga paborito naming almusal ni jet: tantananan! (torotot epeks to announce something important) – “pepper steak and eggs with mushroom gravy“. bihira ko lang itong lutuin dahil medyo mabigat sa tiyan but when i do, i really enjoy it. nakabili na kami ng itlog last friday, sa wakas (akala ko kasi “sa wakas ng panahon“). rationed pa rin to two trays per customer pero at least mayron na. ang mga itlog ay galing pa sa new zealand. yup, you can say that they are “kiwi na, chicken eggs pa”. at oo virginia, pag kinamot mo – magiging itlog na maalat siya. CLICK on d’piktyur para gutumin kayo, or, you can also CLICK HERE para marinig ninyo ang aking pagbabalita tungkol sa pagbabalik ng itlog sa singapore. i swear (i got more hair), matatawa kayo.

30 thoughts on “ANG MULING PAGBABALIK NG ITLOG SA SINGAPORE

  1. Important talaga sa mundo ang itlog…. malamang pag nawala ang itlog walang mabubuhay… Kaya taas noo nating isigaw… “MABUHYA ANG MAY MGA ITLOG NA BUMUBUHAY!

  2. Sa wakas, nakita ko na rin ang iyong famous pepper steak, at para ko na ring natikman sa ganda ng litrato, na talaga namang ang sarap tignan! Akala ko pa naman, “click on the picture to get the recipe”, hindi pala, naglaway lang ako.

    Paki e-mail naman ang recipe Perskasin. At homemade rin ba ang iyong mushroom gravy? Kung hindi, anong brand at saan makakakuha? Mero ditong maliliit na lata ng portobello mushroom sauce na ginagamit ko rin para sa steak ni Don Lorenzo. I wonder kung pareho ito sa ginamit mo?

    Teka, anong cut ng steak ba ito? Ang paborito ko kasi ay Rib Eye. Makabili nga bukas…Sana by then eh nai-e-mail mo na ang iyong “secret” recipe! Don’t worry, atin-atin lang!

  3. hi perskasin renee. sige ipakain ko kina don lorenzo at sa mga bata. simple lang:

    marinate steak for 1 hour using sesame seed oil (hindi sesame street oil. bwahaha – ang corny ko), salt and pepper.

    pan fry the steak and eggs.

    gravey? kahit gravey mix lang ok na. yung lang ginagamit ko for breakfast dahil simple lang gamitin. sometimes i stir fry some mushrooms para mas masarap.

    simple lang but it rocks. great instant meal actually.

  4. Alam ko na style sa pagbasa ng blog mo — dapat wala pang tao sa opisina kasi bigla akong napapatawa nang malakas eh! Baka isipin ng ofcmates ko may toyo na ako sa utak.

    Funny ha. Para kang nasa ilalim ng tubig while narrating. Hehehe.

  5. ayos ba sir? masarap talaga yan. at tama ka – sauce pa lang, pwede nang ulam, lalo na pag may mushroom. hindi yung mushroom na nakakabigay ng tama, pero pwede na rin. hehe.

    narinig mo ba yung “AUDIO VERSION”” ng blog entry? na feature ulit ako ni don manolo quezon trilogy sa site niyang – http://www.quezon.ph/. maraming salamat sa kanya, ang bait talaga.

    sige – ipagluluto kita ng pepper steak na may kasamang san mig light. masarap itong kainin at lutuin sa garden ko. pwede ka bang mag half day sa school? hehehe… para hapon pa lang magluto na tayo.

  6. Alam mo, nagitlog na naman yung mga pet namin na bantam chickens. Nangitlog dati yung original na inahin, lumaki na ang mga anak at nangingitlog na rin. Tuwing makakakita ako ng bagong itlog sa backyard, naaalala kita… KAWAWA KA NAMAN. Dito ang daming itlog. hahahahaha

  7. pag nangitlog na ang rooster ninyo, doon na talaga ako maiinggit. hehehe.

    may nabili na kami ni jet last friday galing pa all the way from new zealand. medyo maliit nga lang kaysa sa mga malaysian eggs which are really BIG.

    yung nabili kong itlog, ginamit ko para sa hamburger recipe na galing sa site mo.

  8. yung isa naman para daw galing sa ilalim ng tubig. hehehe. natawa ata si don manolo quezon trilogy, na feature niya ang entry na ito.

    subukan mong iparinig sa kasama ninyo sa bahay ang mga kanta ko at baka lumuwag ang garter ng kanyang… medyas.

    di nga siguro kakapusin ng itlog diyan – huwag lang magka bird flue. talagang wipe out yon dahil kailangan patayin ang lahat ng ibos sa buong farm.

  9. ha? di nagkalat ang itlog diyan? hmmm, san galing ang manok nila?

    tama si toni: ako pag nagbablog dapat ala asawa ko at baka hiwalayan ako at may file ng psychological incapacity…

  10. nasa comments ko yung buong recipe lynne. balikan mo at basahin ulit – tingnan mo yung reply ko kay renee.

    ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *