ANG MGA BINABASA KONG PINOY BLOGS, ET AL

pagtapos ng isang buwang di pagsusulat dahil sa pag-alaga sa akin, nagbalik na ulit ang asawa kong si jet na mag blog. sabihin na natin na “love your own” pero talagang masarap basahin ang mga entry ni jet. narito na kami sa singapore pero naka housewife and nurse mode pa rin siya hanggang ngayon. kailangan ko pa rin kasi ng pag-alaga dahil di pa healed ang sugat ko. yung mga pictures naman ng aming vacation, including both pre and post appendix rupture ay makikita ninyo sa “jay and jet’s summer vacation”.

bukas na ang “Manileña.Com” site ni ate sienna. dito, pwede kayong mag download ng mga ginawa niyang mga templates ng libre. magaling na artist ang ninang ko. in fact, siya ang nag design ng site ko. kung gusto ninyong gumanda ang mga websites ninyo ng walang bayad, punta kayo rito.

four favorite teachers blogs, isa-isahin natin: para sa katatawanan value, punta kayo sa “durgaspeak” ni jop, ang mabangis na substitute teacher na based sa new jersey. last week nga ay nakatanggap siya ng death threat galing sa isang 10 year old na babaeng estudyante niya. ang lupit talaga. si rolly naman ang aming bagong kaibigan na dumalaw pa nga sa akin sa hospital. siya ay isang guro sa isang sikat na private school sa pilipinas. basahin ninyo ang mga kwento niya sa site niyang “mga turo ni tito”. siyempre, nariyan din ang masarap basahing website ni APO member jim paredes, isang guro sa ateneo na pround member din ng “pansitan community” ni ate sienna. to complete my favorite teacher’s blog list is dennis’ “tekstong bopis”. nagtuturo sa pambansang paaralan, ang kanyang mga kwento ay parating well written, ma tagalog man o english. di ako nagtataka na interesado sa kanya si sionil jose. ayos ba sa name dropping? hehe.

isa sa mga bago kong paboritong basahin ay ang twin blogsites ni yasmin. isang pinay journalist na nag-aaral ngayon sa england. magaling siyang magsulat. ang paborito ko ay ang kanyang mga “people stories”. nakakatawa rin ang trip niya sa milan last week dahil di niya alam kung paano haharap sa mga overseas pinoy. anyway, basahin ninyo na lang ang “yupki girl” at ang kanyang “oxford diary”. highly recommended.

mas kilala sa kanyang “a sassy lawyer’s journal” at sa sikat na sikat na “the radical chef” cooking blog. mayron ding tagalog blog si sister sassy L na pinamagatang “a sassy diary”. although hindi kasing updated ng mga sikat niyang blogs, mas gusto ko itong basahin.

oo nga pala, regular na rin ang update ng “renaissance girl” ng aking idol na si ate mona. ano pang hihilingin mo, bukod sa pamatay ang boses, magaling pang magsulat.

9 thoughts on “ANG MGA BINABASA KONG PINOY BLOGS, ET AL

  1. Naunahan mo na naman ako sa pagpa-plug sa site ni Ate Sienna, mylab. Tsk! hehe…

    Ok lang. Mas maganda ka namang magdescribe kesa saken e. 🙂

  2. I always read the inquirer to make sure that I know everything that is happening back home. But, that is not complete. I make sure that alongside INQ, I also read sassy and limpbwizit.

    i love Mona, too! Her emails are as inspired! katawa tumira yan! parang ikaw pero english! hehe

    dennis, syempre is mine and jet’s “classmate” sa susma. hehe uy, may book deal din yata yan!

  3. Uy salamat sa mga recommended blogs. Ayan, mas marami pa akong mababasa. Mas marami na akong distraction dito sa work– pandagdag sa pagpo-procrastinate ko, heehee.

  4. Batjay, thanks for the plug, nanliliit ako :S Now I have to watch what I say carefully, haha. I hope you are well enough now, but enjoy the rest and keep us posted! Your sense of humor is the best 🙂

  5. hi toni. no problem. puntahan mong lahat ang mga iyan. highly recommended.

    hi belle. musta ka na diyan sa pambansang paaralan?

    hi rolly. hindi naman. you don’t owe me anything. tulungan lang talaga sa web
    community. ang mga pinoy kasi, likas na matulungin. i’m sure you would have done the same for people that will come your way in the future. gumaganda na nga ang mga posting mo and you’re starting to attract more readers. that’s
    really great.

    hi AnP. ngyahaha. salamat sa inyong comment. oo nga, mga magagaling ang mga iyan. tulad mo rin.

    hi yasmin. no problem sa plug. gusto ko naman ang mga sinusulat mo. i’m at work already.

  6. Pingback: A Sassy Lawyer in Philippine Suburbia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *