eto ang mabuting balita: hindi na ako bungi. last week kasi ay ni root canal ako in preparation para sa bagong crowns na ilalagay sa aking 2 Front Teeth. may isang linggong pagitan yung pag root canal at paglagay ng crown kaya medyo semi-bungi ako for a few days. nilagyan kasi ako ng temporary na ngipin at ilang beses itong nahulog. nung unang beses nangyari ito eh nasa restaurant kami. nakakahiya nga kasi muntik nang mahulog yung ngipin ko sa sabaw. buti na lang nasalo ko. sana walang nakakita sa akin kasi kahiya hiya talaga. akala ko, ito na ang pinaka embarrasing moment ng episode na ito. hindi pa pala – mas nakakahiya nung nakaupo na ako sa dentist chair dahil nakatulog ako habang niru-root canal. ang lakas pa ng hilik ko. actually, nagising ako dahil narinig ko yung sarili kong humihilik. tawa nga ng tawa yung dentista ko. ako lang daw ang taong nakita niya na nakakatulog habang binabarena ang ngipin. sabi ko sa kanya, parang hinihele ako sa vibration ng drill na ginamit niya sa pagbutas ng ngipin ko, kaya ako nakatulog.
bosing,
di naman pala masakit ang root canal. kala ko super duper sakit. ako rin naghihintay ng cap. pero malamang sa pilipinas na ako magpapadentista. sobrang mahal dito.
ako naman sir, e nagigising din sa sobrang lakas ng hilik ko. akala ko ako lang ang bukod tanging ganon. Ikaw din pala. hehe
nung araw, for the longest time, hindi ako nagpapalagay ng permanent crown – forgot why. one time, may seminar kami sa cebu par sa student org namin. habang nagsisipilyo ako, natamaan ko yung ipin ko, nalaglag sa lababo. for 2 days hindi ako makapagsalita at makangiti sa mga tsiks. hahahaha!
sana hindi ka nahiya. bagay naman sa mga pinoy ang mga bungi. hehehehe.
oo nga bossing, nagigising ako sa hilik ko. nakakahiya kasi lalo na pag nasa loob ng eroplano o kaya sa bus. mas maganda nga yata magpalagay tayo ng tambutso para muffled ang sound.
o kaya pito – para mas malakas ang dating.
hi jop.
sinabi mo – yung binayad ko sa root canal at crown ay pwede nang pang bakasyon namin ni jet sa pilipinas. may sukli pa.
hahaha! Birds of the same feather talaga tayo mylab. Naalala mo ba nung inoperahan ako, nakatulog din ako at sabi din ng doctor ko, sa lahat daw ng naka-anesthesia, ako lang daw ang narinig niyang humihilik… hehe.
siyempre mylab. kaya nga tayo tumagal ng 15 years kasi birds opda same feathers, flock togethers. hehehe.
ahm. bago lang po aq d2 at sa plgay q marami sa inyo ang filam, anyways idol ahm. nakakhiya nga ung nangyari sau… pag ganun sa tingin idkit mu nalng ng mightybond para di malaglag! hehehehehe!
at idol paturo nman manligaw… kc may gsto aq at di ku lam panu ku cya lalapitan! HUHU! T-T
nahilo ako rito dahil para akong nagbabasa ng text message.
ooooowwwwccchhhh!!! ngipin ko sumasakit habang binabasa entry mo…hehehe
kamusta na pare ko? long time no hear. i hope you’re doing fine. oo nga – ouch talaga. pero ako, nasanay na yata. pag upo ko sa dentist chair resigned na ako to the fact that they will mess with my mouth with strange instruments making funny noises and vibrating uncontrolably it seems.