ang mabuting balita ayon sa sulat ni san hudas sa mga taga barmat.
mga kapatid,
bago ang lahat, hayaan nyo munang hilingin ko sa poong maykapal na bigyan ng isang magandang umaga ang lahat ng mga taga barmat (short for Barangay Matae). peace sa inyong lahat, live long and prosper and may the force be with you. pagbati mula sa inyong kapatid na si san hudas.
heto ang maganda kong balita, mga kapatid: nalaman ko nung biyernes na hindi na ako papainumin ng gamot ng aking doctor para sa aking diabetes at high blood. tuwang tuwa siya nang makita ang resulta ng mga laboratory test ko – una, wala raw akong tulo. ikalawa ay bumaba rin daw ang aking blood sugar at hemoglobin levels. nakita rin ng aking doctor na nabawasan ako ng mahigit 20 pounds. dahil dito, binigyan pa niya ako ng tatlong buwan na extension upang magpursige pa sa aking programa na mapabuti ang aking kalusugan. sa june na ulit ako muling babalik sa kanya. sana nga ay tuloy tuloy na ito. simple lang naman ang ginawa ko – huminto ako sa pagkain ng karne, binawasan ang size ng every meal at nag exercise ng umaga, tanghali at gabi. medyo bilad nga lang ako sa araw na naging sanhi ng pagiging kutis betlog kong muli. pero in the overall scheme of things, mas gugustuhin ko nang maging kutis betlog kaysa naman atakihin sa puso.
hanggang dito na lang muna ako sa aking pag kwento, mga kapatid. hanggang sa muli nating pagkikita. nawa’y swertehin din kayong tulad ko.
ang inyong abang lingkod,
san hudas
pakinggan ang EBANGHELYO NI SAN HUDAS PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
Congrats! Keep up the good work. Naway magkaroon din ako ng self-discipline kagaya sayo. Kakamotivate ang good news mo.
Salamat for sharing the good news! inspirasyon ito sa lahat. ipagpatuloy ang mabubuting gawain. nawa’y mahawa nga kaming nangangailangang magbawas din.
ako tuwing umaga nagbabawas.
thank you, thank you.
kailangan ko pang magbawas ng 30 more pounds.
kutis betlog ka uli? naku e di ang lakas na naman ng sex appeal mo, bosing?
siyempre!
panay nga kamot ko sa katawan ko ngayon eh. hehehe.
Bosing!!!
congrats on your good health! kung kutis betlog ka… wag ka naman sanang maging balbon…
Magandang balita iyan at kapuri-puri ang disiplina mo. Congratulations!
kapuri-puri? feeling ko tuloy, para akong virgin.
hi jop. thank you. yan nga isang problema – medyo balbon pa ako kaya talagang mukha akong betlog sa biglang tingin.
Congratulations. Siguro ang susi nga ng pagpapayat ay exercise at pagkain ng tama. Dapat siguro pagpasensyahan ko na lang ‘yung mga karne pag masama ang tingin sa akin.
constant exercise.
KB Congrats!!!
Wow, 200 to 183 lbs in only a month — and everything else looking good. Amazing, unbelievable! Ang galing mo talaga. I really admire your commitment to health. You’re truly inspiring. 🙂
PS: Maybe when I see you walking along the street, I won’t even recognize you anymore. So please don’t hate me kung hindi kita pansinin — hindi lang kita nakilala.
thank you saint gigi kapitbahay. i would have had a hard time if jet didn’t help me. maganda talaga ang may nurse sa buhay. she took care of my diet and i took care of the exercise. if you drive out early, you’ll see me walking along portola.
Wow Batjay, that’s great news. Alagang-alaga ni Batjet ha. 🙂 Congratulations and boy, that’s one great achievement ha! Cheers to your health!
happy when you’re healthy 🙂
Labyu!
here’s to good health toni. i feel like a million bucks.
happy when you’re happy, mylab.
lab u 2.
keep it up man! u’re in a perfect place to be healthy.
*salutes*
a perfect place to be healthy.i couldn’t agree with you more.
WOOHOO!!!! congrats! 🙂
WOOHOO!!! thank you!