ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 1

tax season na naman at ito ang first time namin ni jet na magbabayad ng buwis sa america. maraming bago sa mga procedures at medyo nakakalito. hindi ko nga maintindihan masyado. buti na lang at may provision sa company namin na libreng assistance para sa mga tanga at bagong lipat na tulad ko. nag assign sila sa akin ng tax lawyer at siya ang nag-ayos ng pag fill up ng mga forms at sa pag explain sa akin kung ano ang mga dapat gawin. maliit lang ang tax ko sa singapore – mga 11% at pwede pang hulugan ang bayad (interest free pa). dito, mahigit 30% ata ang binabayaran ko na federal tax. tapos may bwakanginang state tax pa. yung pay check ko tuloy, parang litanya ng mga deductions. minsan nakakapanghina nga, kasi mahigit kalahati ng sweldo ko ay napupunta sa mga tax at ibang mga kaltas. nung una akong kausapin ng boss ko tungkol sa sweldo, akala ko ay generous – nakarinig pa nga ako ng malakas na “KA-CHING”. now i have sekantots.

pero hindi naman parating bad news pag tax ang pag-uusapan. ang mabuting balita? mayroon akong tax refund na mahigit $1500. ngayon lang nangyari ito sa buong buhay ko na may babalik sa amin na pera galing sa gobyerno. sa sobrang tuwa ko nga parang gusto kong magpahalik kay dubya. thank you uncle sam, isa kang tunay na dirty old man.

22 thoughts on “ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 1

  1. kung sana ganyan din ka sipag at ka honest magsipagbayad ng tax ang mga pinoy, malaking bagay talaga sa ekonomiya ng pinas, on second tot.. baka kurakutin lang din lahat ng naka upo sa gobyerno!
    sir batjay, pa link ng site mo ha? salamat.

  2. welcome to the land of milk & honey.
    anybody has any idea kung ano ang current tax collection rate sa pinas? 20 yrs ago nasa mga 40% yata… naaalala ko nuong time na yuon nagpadala ang bir ng mga agents to train sa irs, wala rin yatang nanyari. naaalala ko rin nuon sa pinas may kapitbahay kaming taga bir at tuwing bayaran na ng tax, gabi gabi may mga chedeng na nakaparada sa labas ng bahay nila … ninenogotiate ang tax na babayaran nila or amnesty. naaalala ko rin nuon, yuong mga kumpanya hindi nagbabayad ng buwis at every 3 or 5 years magbibigay ng tax amnesty ang gubyerno, so maliit na fine na lamang ang kanilang binabayaran. in fairness kailan lamang tinarget ng bir yuong mga big fish na mga celebrities para maging ehemplo daw. kaya lang after a year nag-resign or retire yuong epektibong bir commissioner…sana yuong mga masamang damo na lamang ang umaalis…

  3. marami pa rin ang mga sira ulo sa BIR. marami pa ring mga mga company sa pilipinas ang nandadaya sa tax. sa tingin ko ay majority pa rin ng mga companies sa pilipinas ay 2 ang libro – one for the BIR and the other ay yung tutuong income statement.

    kasama nga silang lahat sa dasal ko kay lord.

  4. sana nga bigyan nila ng kaayusan ang tax collection sa pilipinas. parati ko ngang sinasabi – mag focus lang ang gobyerno sa mga key things: ie – tax collection, infrastructure (communications, roads, utilities) and education, malaki ang improvement na mangyayari sa pilipinas.

    case in point: thailand, malaysia, singapore.

  5. Talagang ine-encourage ni uncle Sam na mag-declare ng taxes ang mga tao dito pag gagantimpala ng refund. Pero, pag hindi ka naman nag declare ng tamang income, daig mo pa ang naapakan ng sampung baklang elepante pag nasilip ka. At masisilip ka.

    Siguro dun nagkaiba ang si Juan dela Cruz at Uncle Sam. Sa atin pag nagbayad ka ng buwis, kahit sobra-sobra, wala silang pakialam. Hindi ka nila susuklian. Ang binibigyan lang nila ng incentives ay ang mga corporation at ang mga celebrities. Yung mga bwakinang inang mga yun naman, hindi magbabayad ng tamang buwis at pag siningil naman kala mo kung sinong hinaharass. Ang nakakbwisit pa nyan, sila yung mga unang reklamador.

  6. Kung iyong susuriin ang refund ay pera mo rin na pinagamit mo sa gobyerno. Mas maigi kung ikaw ang nakinabang nito sa simula pa lamang ng taon. Neverdeles masarap pa rin feeling kung may refund ka. 😉

  7. oo nga, alam ko. yan din ang namulat sa aking isipan nang mapanood ko ang special CNN news feature tungkol sa tax. pera ko nga ito na ipinagamit sa gobyerno. baka mag adjust ako ng declaration para kaunti lang ang refund ko next time. mas mahirap dito kasi witheld ang taxes.

    hindi tulad sa singapore na ikaw ang bahala sa lahat ng pag file ng tax mo.

  8. pwede mo rin gamitin ‘yung Turbo Tax softward kung ayaw mo mag-hire ng lawyer o accountant. may guarantee pa ‘yun na babayaran ka nila pag mali yung lalabas na declaration.

  9. hayaan mo next year. one time offer lang yung abugado kaya i will either use turbo tax or get an accountant. i might get an accountant dahil dalawa na kaming nagtatrabaho – masyadong malaki ang buwis at kailangan magawan ng paraan.

  10. batjay, miss mo na ba ung liit ng tax at dali ng pag-file dito sa sg? halos ala kang gagawin di ba… e-file lang tapos ilang click lang ng mouse ok na…

    kumplikado nga tax system sa tate… kahit ata ung magbigay ka ng gift cash sa relative mo taxable…

  11. hanggat nakikita ko kung saan napupunta ang binabayaran kong buwis at ako’y nakikinabang, okay lang sakin. Ang problema ay pag ang laki na ng binabayaran mo, tapos nauuwi lang sa wala. O mas masahol pa e ikinayayaman lang ng iba, susme, parang gusto mong pumatay ng tao.

  12. korek. ‘yung ibang bansa nga mas mataas pa ‘yung buwis, pero lintek naman yung benefits ng mga tao. talagang kita mo kung saan napupunta.

  13. oo nga tito rolly, talagang gusto mong magkaroon ng delubyo pag ikaw na medyo naghihirap ay nagbabayad ng tamang buwis tapos nakikita mo na maraming mas mayayaman sa iyo na nandadaya. adding insult to injury pa yung fact na ninanakaw pa yung pera na dapat ilagay sa mga kalye at basic services.

  14. sarap talaga mag-file ng tax dito sa singapore, noh? Kung registered pa ang company mo sa auto-inclusion ek-ek nila, wala ka ng gagawin, in less than a minute naka-file ka na, just click the submit button.

    Kuya Batjay, wala na po forms pinapadala ang IRAS ngayon. Maliit na note na lang na nakalagay ang e-PIN mo or notice na kumuha ka ng SingPass. Bawas kalat sa bahay.

  15. oo mayroon akong e-pin at singpass when we were still in singapore. wala rin akong paperwork na ginagawa dahil online lahat ng tax filing ko. in fact yung tax forms ko duplicated na agad online kaya ang sarap mag file.

    tapos naka GIRO ang payment ko kaya naka 12 month interest free installments ang pagbayad ko ng tax.

  16. Ayan mylab, meron ka na palang pang-shopping ng bagong wardrobe mo e. Ang laki na kasi ng pinayat mo kaya lahat ng damit mo ngayon malaki na sayo. Punta tayong Carlsbad pag weekend off ako! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.