ANG IDOL KO: SI DENGCOY MIEL

bihira akong pinagpapala na makilala at makasama ang mga hinahangaan kong tao. pero kagabi ka-dinner namin ni jet ang idol kong editorial cartoonist na si dengcoy miel.

si dengcoy ay isang pinoy na world class artist. sikat na sikat kahit saang parte ng mundo. subukan nyo siyang i-search online at kung saan saang bansa nyo makikita ang kanyang mga obra. matagal ko nang sinusubaybayan ang mga gawa ni dengcoy. simula pa lang sa jingle magazine, sa philippine star hanggang dito sa straits times ng singapore. kakaiba kasi ang style ng mga artwork niya… nakakatawa pero malalim. di lang ako ang nakapansin, isa si dengkoy sa mga beloved artist dito sa singapore at malamang mas sikat pa siya kaysa kay donita rose. sabi ko nga sa kanya kagabi, ipinasa na kay dengkoy ang torch ng legacy ng pumanaw na artists na sina ka nonoy marcelo at ni mang larry alcala. itong dalawang icons ng philippine cartoons ay incidentally pareho niyang kaibigan at mentor.

pero kahit sikat na sikat na si dengcoy, down to earth pa rin siya. masarap nga siyang kasama at magaan ang loob ko sa kanya. simple lang pero pamatay ang talent. yon siguro ang pinakamaganda na nakita ko – hindi naapektuhan ng fame and glory ang kanyang pagkatao. may regalo nga siya sa amin: autographed copy ng libro niyang entitled “Singatoons, Cartoons by Miel”. ito ay collection ng mga cartoons ni dengkoy na may singapore motiff. actually ang korte ng libro ay yung mapa ng singapore. ang galing nga eh. pinapirmahan ko rin sa kanya ang aking kopya ng isa pa niyang librong “An Essential Guide to Singlish”. ito’y singlish dictionary na ginawan ni dengcoy ng sketches. bilang exchange gift ko naman eh binigyan ko siya ng CD kong “Mga Kanta ni BatJay, ang Dating Folk Singer ng Ma Mon Luk” na magiging panakot niya sa daga.

umorder kami ng bagoong na may sawsawang kare-kare, crispy patang pamatay at umorder si jet ng sinigang na bangus sa isa sa mga pinoy restaurant sa lucky plaza. sa sobrang saya ko eh marami akong nakain na bagoong alamang. nakalimutan ko ang aking allergy kaya pag uwi namin ay panay ang kamot ko sa pwet. pero, ok lang yon. at least, nakasama namin ni jet ang idol ko.

maraming salamat boss dengkoy. idol talaga kita. next time, sa karaoke naman tayo at sasampolan kita ng mga nakakapangilabot na “elvis ng quiapo” songs ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *