nung isang araw dinala namin ni jet ang mommy niya at mommy ko sa megamall para magpaayos sa parlor ni ricky reyes. ang kulit nga ng mommy ko, ayaw pumasok sa parlor at hindi na raw niya kailangan magpaganda dahil 83 years old na raw siya. sabi ko naman eh sige na mommy at baka sakaling may makakita sa iyo na mayamang biyudo at mabighani sa beauty mo, who knows.
kailangan pa ngang hilahin siya para lang pumasok pero napilit din. nag pa facial ang lola. sigaw raw ng sigaw ang mommy ko sa loob ng parlor ni ricky reyes dahil masakit daw yung pag tanggal ng black heads. in the end ay ok na rin. nagmukha na namang dalaga ang nanay ko. natuwa na rin si mommy kasi pinahulaan niya doon sa mga nag facial sa kanya kung ilang taon na siya – sabi ng mga kumag eh 55 years old lang daw ang mommy ko. baka gusto ng malaking tip ano? hehehe. pero sa tutuo lang eh talagang mga baby face ang lahi namin. bilang konsuelo sa masakit niyang facial ay nilibre ko siya ng mirienda sa kabalen. 95 pesos lang kasi ang eat all you can pancit malabon at halo-halo.
medyo kinabahan lang ako doon sa isang mangkukulot ni ricky reyes, medyo masama kasi ang tingin sa akin. kung wala lang siguro si jet sa tabi ko, baka nag offer siya sa akin ng libreng kulot. ang sarap talaga rito sa pilipinas, kahit gurang ka na eh pinagnanasaan ka pa rin ng mga bading.
depende kung waffu yung matanda o hindi …hmmnnnn big sabihin waffu ka??
hello jay! andito na pala kayo ni jet sa pilipinas. magkita-kits ulit tayo pag dating ni yvette. enjoy your vacation!
hi aya, ang cute cute naman ng baby mo!!! the last time nakita ka namin eh dalagang dalaga ka pa. medyo maikli lang ang stay namin this time sayang ano? sana may oras pa. pag wala na, next time na lang. sasabihin ko kay jet para makapaghanda siya.
ms manilena – ano ba ang ibig sabihin ng “WAFFU”?
hi in there. welcome back. ang sarap ng felling ng nakauwi no?
oo masarap pero parang ambivalent nga ang feeling ko the first few days. parang may hinahanap ako na makakapagremind sa akin na at home na ako.
Kuya, wala bang autograph signing?
Kamusta Nic!
It’s been a great year for bloggers. May you prosper in the new year!
Wishing you a Merry Christmas and a Happy New Year!
–Nostalgia Manila
it has been a great year and your blog’s one of the best so far. keep up your good work my friend. you are doing good.
hey dylan. punta ka ng “pots and noodles” sa megamall ngayong gabi. naroon kami – hanapin mo na lang ako.
gwapo po 🙂
sabi ng misis ko, gwapo raw ako.