ANDYAN NANG MGA HAPON

kagabi, nag baby sit ako ng mga bisita dahil dumalaw ang counterpart ko from our japan office na si tosaka san. kasama niya ang kanyang asawa na si mrs. tosaka san.

nagpunta sila sa opis na may bitbit na extra special sake, na pagkatapos ng walang katapusang nakakahilong pag bow, ay ibinigay sa akin. hehe. nakakahiya sa boss ko, dahil ako lang ang may pasalubong. eh sabi ko na lang sa kanya: “pagpasensyahan mo na… kahit mas kyut ako sa iyo, mas malaki naman ang sweldo mo kaysa sa akin“.

dinala ko ang mag asawa sa jumbo seafood restaurant, isa sa pinakasikat sa kainan ng seafood sa singapore. dinadayo ang pepper crabs dito at mapapa “pakingsheet, ang sarap nito!” ka sa sarap. umorder din ako ng “deep fried tilapia with nonya sauce“, “ginisang kang-kong” at 3 pirasong super extra large hipon (na hindi ko natikman dahil allergic ako dito, bwakangina talaga). masarap silang kasamang kumain dahil lahat na lang ng orderin ko eh oishi raw (“RAPSAdoodles“, in tagalog).

after dinner, nagpunta kami sa night safari. one of the best sites to see if you are in singapore. dahil sa dami ng bisita namin, siguro pang apat na beses ko na ito this year na nagpunta roon. ok lang naman kahit “been there, done that” ang pakiramdam ko: i love to go there. siguro, dahil may affinity ako sa mga nakatira doon sa night safari. sabi nga ng dati kong boss, “hayup” daw kasi ako.

si tosaka san ang pinakabagong employee namin dito sa asia-pacific. before working for us, nagtrabaho siya for 25 years sa toshiba as a design engineer. isa siya sa mga principal designers ng mga air traffic control radar at communication systems na ginagamit sa mga airports all over the world. binanggit nga niya ang naia, mactan at davao airports as among the few na mayrong mga equipment na nagawa niya. ang asawa niya, si mrs. tosaka san, is a teacher. nagtuturo siya ng japanese language para sa mga foreigner gaijin na nagtatrabaho sa japan. eh di siyempre, sinampolan ko sila ng japanese ko. ang galing ko raw mag hapon, sabi ni mrs. tosaka san. tinula ko kasi sa kanya ang lyrics ng VOLTES V” theme song. balak ko nga sanang i-song and dance (complete with laser sword action), pero nag dalawang isip ako’t baka dumating si prince zardos.

masarap silang kasama – very open, polite and appreciative. typical of the japanese, once you get past being colleagues and start to become friends. after the night safari, hinatid ko na sila sa raffles hotel at umuwi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *