And we have just one world, But we live in different ones

NOTRE di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten – pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo – kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven’t seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates – we haven’t seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund – one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.

eh di nasa malacanang nga kami nung last day ng EDSA revolution dahil tsismis na that marcos would be leaving soon. pag dating namin doon, marami pa ring mga loyalist soldiers kaya medyo nakadikit kami sa pader na magkakaibigan. bigla na lang.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

sunod sunod na putok ng baril. takbuhan ang mga tao at nagdapaan kami.

PUTANGINA!” ang sigaw ni raymund.

takot namin – “BAKIT PARE, MAY TAMA KA BA!

banat si raymund – “HINDI, TAGINANGYAN. SUMABIT ANG ARGYLE NA MEDYAS KO SA BARB WIRE. KAKABILI KO LANG NITO LAST WEEK EH!

7 thoughts on “And we have just one world, But we live in different ones

  1. ‘gandang araw bosing!

    ayos sa olrayt tong barkadahan ninyo ha. nakakatuwa naman. 34 years! sana ang barkada din namin hanggang uugod-ugod na kami ay magkakasama pa rin.

    okay yang si raymund ha, yan ang sense of humor. siguradong riot kayo sa klase… tiyak na sakit ng ulo kayo ng mga titser at ang kukulit ninyo ano?

  2. hello batjay!
    matagal na kitang nakikitang nag-iiwan ng komento sa mga blogs na madalas kong dalawin, minsan nakadalaw na rin ako dito sa tambayan mo…ang galing talaga ng blog mo! nakakatuwa naman at nagkikita pa rin kayo ng mga kabarkada mo…ako rin eh, nagkalat na sa ibang lupalop ng mundo ang mga ka-close ko, pero connectado pa rin kami sa isa’t isa…ang saya ano? okay lang ba na i-link kita sa blog ko? at congratulations nga pala sa blogkadahan ninyo..ang galing! ๐Ÿ™‚

  3. yog kuyakoy ko rin madalas kasama noon sa rali. pag magpuputukan daw, dapa kaagad siya kasi minsan daw rapido na parang nagwawalis.
    minsan pagdapa niya. may nadapaan siyang may amoy.

  4. oooh that’s a funny story hehehe nice to look back on. At least you were able to get together again and experience the company of each other again after so many years.

    The best on this kind of friendship is you know you are good friends even after not communicating for so many years. The time you guys invested before for each other hold you guys together.

  5. Haaay! Kelan kaya uli makukumpleto sa isang gathering ang barkada nyo? Miss ko na nung andun pa tayong lahat sa Pinas. We have really lovely memories of those days. ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *