AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL

nagpunta kami ni jet sa lake arrowhead last weekend for a short break. buti nga, kasi naging sobrang abala kami these past two months sa kung ano-anong mga bagay relating to our big move from singapore – simula sa paglipat ng dalawampu’t apat na pirasong bagahe, pagbili ng kotse, sa paghanap ng matitirahan at pagbili ng mga gamit sa bahay. all the while nagtatrabaho na’t dumidiskarte sa bagong opisina. di mo alam kung gaano ka pagod hanggang sa mapansin mo na lang na parati kang aborido, maikli na ang pasensy mo’t madali ka ng mapikon. pag dumating ang ganitong pagkakataon sa buhay mo, huwag mo nang hintayin pa yung oras na hindi na tatayo at titi mo – panahon na para iwanan ang lahat at mag pahinga ng ilang araw. “to chill” ata ang tawag nila rito sa amerika.


ang lake arrowhead ay nasa san bernardino mountains, about one and a half hours by car from where we live. sa lake arrowhead resort kami tumuloy. ok nga kasi binigyan kami ng kwarto na nakaharap sa mismong lake. pag silip mo sa bintana, mapapa buntong hininga ka’t mapapasigaw ng “pakingsheet, ang ganda”. masarap magpunta rito sa winter kasi may snow. pwede kang umarkila ng cabin at kumanta ng “chestnuts roasting on an open fire” habang nangangatog sa lamig. balak nga namin bumalik dito sa pasko kasi di pa ako nakaka kita ng bumabagsak na snow. lahat ng mga pasko ko was spent singing “white christmas” habang pinagpapawisan under the tropical heat of the asian sun. bwahaha. hopefully this year, pag kumanta ako ng “dashing truda snow, inawanhors opensley” eh may tutuong snow.

yan ang masarap dito sa california. kung gusto mong makakakita ng snow, akyat ka lang sa bundok. kung gusto mong maligo, punta ka sa kubeta. hehe… drive ka lang sa beach. in fact, dito mo lang ata pwedeng gawin na mag skiing sa umaga at maligo sa beach sa hapon. i know, malamig ang tubig pero you can if you want to. in fact, you can almost have four seasons in one day. kailangan mo lang ng kotse at ang isang araw can feel like a year because you’ll see the changing of the seasons though the car window – dito ata nakuha ni carol king yung linya niya sa “you’ve got a friend” – ie “winter, spring, summer of fall, all you got to do is jakol”.

16 thoughts on “AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL

  1. Speaking of “roasting chestnuts”… masarap pala yun. Kung di nyo pa na-try ni Jet, buy or do your own roasted chestnuts. Sa Pinas kasi puro nilaga or binusang kastanyas. Para lang nilagang kamote.

  2. mabuti naman at nagpahinga kayong dalawa! nafi-feel ko nga na one of these days, i’m sure all the moving and the excitement and the pressure will get to you both. that break was just want you both needed!!

  3. Next time mylab, let’s do a whole weekend… hehehe

    This is one thing I’m starting to like, and love, about this place. You never run out of things to do and places to go to that won’t make you feel like saying, ‘What’s new?’ Well, so far, at least.

    Tekaaa… di ba one whole week kayong off sa Christmas? *wink**wink* hehehe…

    Labyu! 😀

  4. I saw the Lake Arrowhead pics sa site ni Jet and the place is really lovely! I’m sure ibang appeal naman nyan kapag may snow.

    Ang sarap pala dyan ano? Enjoy kayo ni Jet! 🙂

  5. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    oo nga ninang, kailangan yung pahinga kasi etong past three months, ang daming nangyari sa amin. lipat from singapore, visit manila, move to california, but this, install that. pag naipon, nakaka tense na.

    salamat nga pala sa weekend last saturday – as usual enjoy na enjoy kami ni jet sa company mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.