And it burns, burns, burns

sobrang init ngayon. tangina. pakiramdam ko tuloy, piso na lang impyerno na. sabi ni amado pineda, nasa 100 deg F na raw habang sinusulat ko ito. ano ang ibig sabihin ng F? ang ibig sabihin ng F ay it’s Fucking hot. napansin ko rin, at medyo peculiar nga ito: kanina pa ako utot ng utot. may koneksyon kaya ito sa heat wave? siguro, naiinitan yung katawan ko kaya mataas ang production ng gas. nahihiya na nga ako sa mga nasa cubicle sa labas ng opisina ko. kanina pa sila nakakarinig ng pag kulog pero wala naman silang nakikitang kidlat.

gusto ko nang mag punta sa beach para mag swimming pero mahirap namang maligo. kasi kahit 100 deg F yung panahon, nasa 50 deg F naman ang temperature ng tubig. hindi mo tuloy alam kung saan pupunta – pag nagtagal ka sa tubig, magiging popsicle ang titi mo. pag nag sun bathing ka naman, magiging sunny side up ang betlog mo.

23 thoughts on “And it burns, burns, burns

  1. hahaha..

    korak ka, kakaiba nga ang init ng panahon ngayon. dito nga sa cabanatuan city (nueva ecija) kami ang nagrecord ng pinalakamainit na panahon nong lunes santo.

    kahit naka ercom kami d2 sa ofis pinagpapawisan pa rin ang singit ko. tinutubuan na nga ng pimples yung pwet ko e dunsa may garter ng brief sa gilid.

  2. sobrang init din dito sa qc, pag nagising ka sa umaga, pagod na pagod ka. sa kaka ikot ikot sa higaan sa sobrang alinsangan!
    pag nag-ercon ka naman, di k din makatulog kakaisip ng mahal na kuryente. hay.

  3. sabi nga sa news, fafa, iinit daw ng husto dyan – 3-digit! grabe.. meron nun??? harinawang wag kang mag-tampisaw sa bath tub nyo at baka magkaroon ka ng hard-boiled egg.

    • Ninaaaaaaaaaaaaaaaaang!

      maraming salamat sa blog entry special mention. simula nung sabado nasa high 90’s hanggang ngayon. umabot nga ng 100 kahapon.

      hard boiled egg na bugok talaga.

  4. bossing dito naman sa southern hemisphere baligtad, ang lamig ngayon dito sa nz. umuurong yagbols ko minsan hehe. katunayan nga kanginang umaga ay single digit na yung temperatura 9 deg C. yung C naman dito ibig sabihin COLD

  5. Amado Pineda ? Ito ba iyong weather forecaster ,always on TV when there was still no internet and cellphone …Is he still alive ?
    Its summertime and the feelin’ is easy
    your Daddy’s rich and your mama’s good lookin
    used to hear that song by the zombies on summer at rock of Manila during those times…and once you hear that song …just like drinking a glass of ice cold water in the middle of the dessert…that kind of feeling..
    Burn by deep purple…too hot of a song

    • oo, si amado pineda yung weatherman ng GMA 7 na taga PAGASA nung wala pang internet at cellphone.

      i remember summertime. maraming nag cover ng kantang ito ni george gershwin – zombies, si janis joplin at yung paborit version ko ni peter gabriel.

  6. Bosing, hindi na gaanong mainit this week dito sa Manila. Nag-uuulan na. KAhapon nga, nagbaha pa sa Taft! Imagine, hindi pa kami nakapag beach ng family ko, eto na tag-ulan.

    • nakita ko nga yung mga pictures sa online news, sir. mga May-June pa siguro lalakas talaga ang ulan. sana hindi masyado ang baha pero hindi ako hopeful. dami kasi nating basura.

  7. Nak ng pating, sumakit tiyan ko sa post mo ha. :)) malas mo naman, dito sa pinas maulan na. at pwede na akong maligo nang hubo’t-hubad sa bubungan pag dating ng gabi, maginaw nga e, sobrang ginaw, nagmumukhang pasas ang titi mo. haaayyyy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *