And if the cloud bursts

ang isang malaking problema ko rito sa amerika, in particular dito sa california ay ang dry weather. parati kong binibiro na kutis betlog ako. nagiging tutuo na nga yata. one month pagkadating ko rito, napansin ko na nangingitim ang tuhod ko dahil sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion. pag tagal, nawala naman. after the second month, yung siko ko naman ang namumuti. dahil din siguro sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion at pag tagal nawala rin. naisip ko nga – what the fuck, nangingitim ang tuhod, namumuti ang siko. kulang na lang tubuan ako ng kulugo sa mukha.


akala ko nga dito na matatapos, eh hindi pala – nung isang araw pag tingin ko sa kili-kili ko, nangingitim sa bandang dibdid ay namumuti naman sa bandang looban. napakamot ako ng ulo – pinagsamang black and white naman ngayon. packingsheet, malapit na ata akong mag mukhang zebra. ang theory ko ay baka aggrevate ng anti-perspirant based deodorant ko yung epekto ng dry weather dito. hindi na kasi ako pinagpapawisan sa kili kili. hininto ko na nga ang paglagay ng deodorant at nilagyan ng lotion. nawala naman.

ano bang experience ninyo sa weather dito? ganoon ba talaga ang epekto pag galing ka sa lugar na may high humidity papunta sa desyerto? weird. nakakainis na weird.

17 thoughts on “And if the cloud bursts

  1. ok lang yan… ganyan din hubby ko during his first autumn in London… Ngayon he even has his own moisturiser & an aftershave lotion! The first time I bought those for him ginagawa ko daw syang babae, pero after one bottle, nagpapabili pa! And he makes sure we stock it now before he runs out.

    Metrosexuality?

  2. lalo na dito sa begas. nagsisilabasan mga galis ko sa kakakamot. e tamad pa naman akong mag lagay ng lotion. yung water softener, nakakatulong, pero dyahe mag refill ng asin.

  3. ayos ka talaga batjay! ang sarap nga ng buhay mo eh! pa travel travel ka na lang! samantalang dito sa Pilipinas nakakasuka na! walang pagbabago.. cge enjoy ka lang jan! lagi mo lang dalin yang lotion mo! hehe

  4. dagdag mo pa yung magda-dry din lips mo, kaya gagamit ka na ng chapstick, tapos maglalagay ka na rin ng konting petroleum jelly sa loob ng ilong kasi dry din minsan nga dudugo pa sa sobrang lamig naman pag winter.ang balat mo sa kamay at dulo ng mga daliri magka-crack dahil sa dry din at sa kagagamit ng mainit na tubig.at kuta-kutakot na lotion sa binti at napakakati!yan ang na-eexperience ko dito sa iowa..

  5. Ayan mylab, normal naman pala nangyayari sa atin e. Sabi na nga ba reaction lang ng katawan natin ito sa change ng humidity. At pati ako, nalaman ko tuloy from Len na normal reaction din yung pagdudugo ng ilong ko. Thanks Len! 😀

  6. normal nga talaga dito pagdudugo ng ilong and dryness ng skin lalo na pag winter..makati pa anit!

    may i suggest na gumamit ka ng “cetaphil” lotion, medyo mahal pero sulit!

    and as far as lip balm, mas mahal mas epektib.

  7. hehehehehe.. parang nung unang dating ko sa calgary, feeling ko para akong sirena (o ahas) na nagkaka-kaliskis sa legs. ang sagwa!

    buti na lang byuti ako! kaya kahit may kaliskis ako feeling ko dyesabel ako. (or kahit na sa valentina na lang) mwahahahahaha!!!!!

  8. hi len.

    dry lips. i remember i was here last year and natutuyo ang labi ko. minsan nakakagat ko nga ang dry skin at mahapdi. napatingin tuloy ako sa siko ko – dry na naman. maka kuha nga lotion sa kotse. salamat sa payo.

  9. ako rin mylab, nagdudugo ang ilong ko rito. lalo na pag nangulangot ako. hirap pala ano – ang daming kailangan para hindi matuyo ang balat. yung mga amerikano kaya, ganyan din?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *