And I see through your brain like I see through the water

GENTLE READER: dear uncle batjay, marunong ka palang mag drawing. ang dami mo talagang mga talents. pareho kayo ng idol mong si Renaissance Girl, ate mona. ano-ano pa ang mga nagagawa mo?

BATJAY: gentle reader, di naman sa pagmamayabang pero marami akong mga special talents. bukod sa pagkain ko ng bubog, butiki at apoy kapag “chine-noo-yir” (ika nga ni ninang ate sienna) – kaya ko ring mangulangot habang nagmamaneho, kumain ng maraming kanin, magkulot ng buhok, pagalawin ang tenga ko, magpalobo ng laway at umutot tuwing alas tres ng hapon, kasabay ng three o’ clock prayer. may isa lang talaga akong hindi kaya eh at ito yung dahilan kung bakit gusto ng kumpare kong maging isang contortionist.

10 thoughts on “And I see through your brain like I see through the water

  1. Howdy BatJay! Your sketches reminds me one of the works in the Leonardo Da Vinci Codec. If Bill Gates will see this, you might have no choice but to put it on e-bay. My bid is 100,000 dollars.

  2. contortionist aha so di ka marunong mag otso otso
    di kapala ang hero ko si SUPERBAT JAY.
    iyak! Pero you are my idol coz galing mong mag sulat (talent ba yan?) este galing ng fantasia mo.

  3. yan nga ang iniisip ko kahapon,pano mo nababalanse at nagagawa lahat e we only have 24 hours in a day?multitasker ka talaga kuya jay.saludo me sa iyo!

  4. salamat sa pagpansin sa isa sa aking mga nakatagong talent. gaya mo, pwedeng pwede ako ilaban sa perya.

    ang lamang ko lang sa yo ay: kaya ko ring maging contortionista. hindi nga …

  5. hi ate mona. eh talagang papansinin kita kasi idol kita eh at paglaki ko, gagayahin kita.

    i won’t be surprised kung part time contortionist ka. you have an extensive background as a world class dancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *