…AND I FEEL FINE

end of the world or not, etong past two days, ang sarap ng pakiramdam ko. i feel well rested and for the first time in a long while, wala akong nararamdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan. well, except for the fact that minsan makati ang singit ko, pero that’s another story. tuyo na ang sugat ko kaya naliligo na ako ngayon ng walang nakabalot na shrink wrap sa aking tiyan. alam nyo ba kung gaano kahirap maligo ng may plastic sa katawan? pakingsheet. maiintindihan siguro ako ng mga babaeng nagpa-cesarean. isa pa: last sunday was my 1st month anniversary. isang buwan na akong hindi naninigarillo. it’s been a struggle dahil i stopped cold turkey. pero, itutuloy ko na ito.

kanina nga, tamang tama habang papalabas ako ng train, biglang tumugtog sa MP3 player ko ang opening theme ng voltes V. sa sobrang saya ko eh parang gusto kong mag song and dance doon sa platform. gagayahin ko sana yung 70’s pinoy group na D’Nailclippers sa kanilang tagalog rendition ng “voltes V opening theme”. naalala nyo pa ba sila?

25 thoughts on “…AND I FEEL FINE

  1. Hi perskasin. Good to know you’re back to your old self…healthier even, now that you’ve resolved to stop smoking! Kudos to you! Keep it up!

  2. yep, naalala ko pa yung nailclippers.

    nung bata ako binilan ako ni papa ng robot na voltes v, kahit girl ako. kasi yun yung uso. pati yung sister ko meron sya, mazingar z naman.

  3. AHA! mari. hehe… magkalapit pala tayo ng generation. hmmm, pakiwari ko eh matanda ka lang sa akin ng mga ilang buwan. bwahahahaha!

    voltez V fan din ako during the 70’s at siyempre si mazinger Z din (kasama ang kanyang assistant na aphrodite A na may lumilpad na boobs).

  4. Mylab, baka naman sa sobrang sarap ng pakiramdam mo e makalimutan mo, may 1 week ka pa before ‘all clear.’

    Pero happy ako na ok ang pakiramdam mo. Bakit ba ngayon lang natin ginawa ito? But then… at least, now we know.

    Ulitin natin!… ehehe 🙂

  5. sige mylab. ulitin natin. etong weekend, mag check in tayo sa hotel dito sa singapore tapos nood tayong spiderman, lakad tayo sa boat quay, punta tayo sa merlion, sakay tayong bangka, tapos bili tayo ng pambomba ng gulong ng bisikleta ko. baka kasi ubos na yung hangin ng bike ko, matagal ko nang di nagagamit.

  6. Nakuuu can relate talaga ko sa hirap nyang paglalagay ng plastic ‘no! Tapos linis-linis pa ng sugat, ang busisi.

  7. papa jay… congrats for being able to quit cold turkey!!! and congrats din and good luck sa resolve mong mag-quit na… masamang bisyo talaga yan… kaya si mama jet, pag-quit-in na din yan!!! 🙂

  8. hi mec. huwag mo munang i-congratulate. one month pa lang eh. hintayin mo pag one year na. may craving pa rin ako hanggang ngayon pero pinipigal ko using my very powerful muscle control.

    hi auee. sumubok na ka rin ng plastic ligo ligo trick? na opera ka rin ba? panganganak?

  9. Galing ng control mo bosing. Ako di ko magawang mag-quit pero na limit ko na sarili ko. I used to smoke two packs a day when I was in college. Now i average 10 sticks a day. Babawasan ko pa.

  10. hey boss rolly.

    ngayon ko lang nagawang mag quit ng paninigarillo. ngayon lang ako nagkaroon ng control. it took my hospitalization to finally stop. ewan ko, dati, di ko talaga ma control. i’ve been smoking for 20 years. iniisip ko, quit na ngayon while i’m still ahead.

    sana makaya ko.

  11. hi yasmin. hehe. masaya ako ngayon dahil healed na nga ang sugat at di na kailangan takpan ng plastic pag naliligo ako. isa pa, i’m almost back to my daily routine.

    huwag na mari. huwag kang bumalik mag smoke. mahirap i-break ang habit. ako nga eh hirap na hirap.

  12. It is good to hear that you are an ex-smoker now. I’m also happy magaling na ang sugat mo. Puede ka na ngayong mag-feast sa bayabas at santol ng hindi kakabahan. =)

  13. hi christine. hehe… bata ka pa nga. sila ay isang 70’s pinoy group who made it big sa japan. magkakapatid sila at parang jackson 5 or as junnie said – parang toto and his children.

    Hoy junnie. napapaghalataan ang mga age natin. hehe. Nanonood ka rin ba ng “sigmund and the sea monsters”?

    hey doc emer! thanks. pinagpapraktisan ko ngang lulunin yung buto ng mangga. ang hirap lang eh. ingat at maraming salamat. i hope i can continue to say no to smoking.

  14. uy, d nailclippers! may crush ako dun sa isa sa mga boys nila nung maliit pa ako … sa tagal, hindi ko na matandaan kung sino sa kanila … sa totoo lang, hindi ko na rin matandaan and itsura nila … syet …

  15. d’nailclippers…inabot ko din sila, infact since 5 kaming girls na sunod-sunod, we actually imitated them. ha ha
    glad to hear that you enjoyed your time with your “mylab”…ugaliin ninyo.
    CONGRATS on your “month stop smoking” nga pala.

  16. yeah, i know how that feels.. CS din kasi ako nung nanganak ako sa baby ko. isang buwan ata akong may balot sa tyan ko kasi takot akong na-infect.

    ako, i tried to quit smoking pero hirap din eh. pero sinisimulan ko ng bawasan ang nicotine intake ko. 🙂 goodluck sa smoke-free lifestyle.. 🙂

  17. hehe… hi ate mona! ang alam ko puro “D” ang mga first name nila… there’s diana, dennis… i forgot the rest. si dennis yung ka age group (ahem) natin. baka siya yung crush mo. ngyahaha. he was a schoolmate in college. but he quit (ata) after a year.

    uy… nailclipper fan din si justice. aha, proof yan na magkalapit ang mga age natin nina jet. 5 girls na sunod-sunod? wow! siguro, ang sakit ng ulo ng daddy mo sa kakasuway sa mga kung sino-sinong mga lalaking nang-aaswang este nanliligaw sa inyo.

    hi chi. ang hirap ng may shrink wrap sa tiyan ano? nakakainis. buti na lang at narito si jet na nag-aalaga sa akin. ang hirap kung ako lang ang gagawa lahat. hindi ko nga alam gagawin kung wala siya. quit na rin kayong manigarillo.. punta ka sa site ni doc emer, para matakot ka!

  18. Hi!
    I’m writing from Singapore and I happen to remember the group D’Nailclippers when they performed here in 1983. Anyone with info about them? Where they are now and what they’re doing? I remember their song “Gloria” which was sung in tagalog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *