And I don’t even care to shake these zipper blues

pag medyo pagod na sa kakalakad sa cubao, diretso nood muna ng sine. either coronet, diamond or new frontier. naalala ko, parating malagkit ang mga sahig ng mga sinehan nung araw. siguro dahil sa mga natapon na coke. SANA, dahil sa mga natapon na coke. baka kasi may mga manyak na mahilig mag mariang palad at sa sahig pinatatalsik yung kanilang, ahem, semilya. i digress – anyway, paglabas sa sine, pasok naman sa fiesta carnival – sakay sa roller coaster na maliit o kaya laro ng mga video games – either pong, night rider, brick game or space invaders. pacman would come later, much to our delight. pag labas mo sa kabila ng fiesta carnival, malapit ka na sa ali mall. masarap umikot doon nung araw dahil marami kang makikitang mga kung ano ano (mga pokpok, mga pekpek, mga anghel na may malalaking pakpak, etc). mayroon pang skate town rink doon pero di ako nagpupunta kasi rocker dude ako at mga disco kid ang mga tambay doon. from ali mall, lakad kami towards COD or the marikina shoe expo para tumingin ng sapatos. naalala ko tuloy yung glenmore shoes commercial sa pinoy rock and rhythm during those times. si pepe smith ang kumanta ng theme song and i remember the lyrics to this day…

“hinahanap mo ba ang tunay na toga
glenmore ang tatak ng sapatos
sa bawat hakbang ay walang paltos
yan ang glenmore shoes

glenmore, glenmore
matibay, may class at may uri
glenmore, glenmore
yan ang glenmore shoes”

TO BE CONTINUED (na naman)

20 thoughts on “And I don’t even care to shake these zipper blues

  1. bosing,
    ako din nung maliit pa ako, sa Cubaos ako malimit dalhin ng daddy ko. Punta kami sa Fiesta Carnival, saka sa SM. saka siempre sa National Bookstore o sa Alemar’s.
    familiar ka ba sa mga libro ni Tony Perez? Meron siyang Cubao series. 5 libro yon bosing at para sa akin, yong ang pinakamagagandang librong isinulat ng Pinoy na manunulat. ang galing bosing. impak, ang mga librong ito ang paksa ng aking undergrad thesis.
    ayan, gusto ko tuloy pumunta sa Cubao. wow.

  2. para akong nag fla flashback pag binabasa ko blog mo idol! yung carnival shopwise na ngayon, COD naging puregold na… na alala ko pa yung chwirstmas show nila 🙂

  3. Si Pepe Smith kumanta nyang commercial na yan ng Glenmore, right? Tanda ko pa yan.

    And yes, I’ve been doing those things during the 70’s. Ang unang skating rink, nasa taas ng Fiesta Carnival. i used to go there nung kabubukas pa lang nun. Hindi pa to na-invade ng mga “disco kids”. Ang hindi ko makakalimutang experience ko dun e minsang I tried to show-off, umupo ako habang nag-i-skate. E ang dalawang paa ko naghiwalay, wakwak ang pantalon ko. You can just imagine the shame that brought me. Lalo na nung panahon na yun na hindi pa uso yung mga sirang pantalon. Buti nauto ko yung kaklase kong me oto na ihatid ako sa bahay namin sa Marikina. hehe

  4. glenmore yun ba yung gumagawa ng custom made shoes sa recto? dyan pinagagawa ng mga punks yung mga sapatos nilang creepers. ang sole daw ay gawa sa goma ng gulong ng eroplano.

    sir may sapatos ako na recomend para sa iyo…Dr. Martens! 3 years ko na nilalaspag yan pero sobrang tibay! mas nauna pa ko malosyang kesa sa sapatos.

  5. dear unkel batjay,

    Napadaan nanaman po akong Quezon Avenue dito sa QC (kung saan andun nga po yung nakita kong kainan na Ma Mon Luk) at may nakita nanaman akong kakaibang pangalan ng isang establishment: Siaolong Shabu-Shabu Tea House. Ano po kaya ang ginagawa ng mga taong pumupunta doon?

    Thanks po.

    Gentle Reader =)

  6. Hello Jop,

    Do you happen to know if the Glennmore Shoes is still alive. Can you please tell me the tel. no. where I can call their branches. Somehow I don’t know if this store is still alive. Please let me know on my e-mail when you can. Thank you.

  7. Hey Guys , meron shop ang GLENMORE SHOES sa Tropical Hut Scout Borromeo corner Panay ave. Quezon City.
    476-21-72…landline cel #. 0918-573-8386 and 0915-389-4424

  8. mga tol,

    gusto kong bumili ng creepers na sapatos, buhay pa ba ang glenmore shoes or luciano shoes can you give their locations and contact numbers
    because im still here in dubai, magbabakasyon ako sa september gusto ko sanang bumili at magpagawa, hope to help me guyz, thanks…

  9. May Glenmore Shoes pa yes punta lang kayo sa Tropical Hut Panay Ave. Quezon City customized Creepers, TOGA All kinds and Western boots contact numbers tel:583-13-22 cel no: 0915-3894-424 0922-3852-318

  10. Those days were over: the flower people (hippies) the non-conformist (activists) have separated their ways plus the liberated women in those days, divided the youth now they are called yuppies…..the gang land as the center of the virtual youth division provided the youth the voice to a separated state of ambiguity and discontent. the elite youth in those days comprises the rich and famous son of a bitch government officials, from mayor son to congressmen, up to the highest political head of this country almost divided us to oblivion…uncertainties much more chaos on the street. but thanks to uncle Sam, who thought us to think global and not to be nationalist. the prominent church to be sober in time of all kind of crisis and the Filipino families to fight it out all the way…..the battle cry “change of political system to lovism” The love of god.neighbor: love as the great test to the youth of this day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *