AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE

SA WAKAS, TAPOS NA AKONG MAGLABA!!! dear mylabopmayn, siguro naman ay matutuwa ka sa akin. nakapaglaba na ako. hehehe. ayan ang ibidinsya. o, anong say mo ha – nakangiti pa ako habang ang sinapmpay ang nasa background. oo mylab pinaghiwalay ko ang decolor at puti. naglagay rin ng sabon at conditioner, este softener pala according to your instructions. at hindi siya nag amoy kulob. impak, ang bango bango nga niya eh – amoy bagong labang damit! ngyehehe. pwede na siguro akong mag resign bukas, maglalabandera na lang ako. proud talaga ako sa nagawa ko ngayong gabi. at hindi lang yan, may surprise pa ako sa iyo. as promised, isang awitin: batjay’s cover version of “the glory of love“. para sa iyo ito mylabopmayn. ni record ko ito habang hinihintay kong matapos ang washing machine. sana magustuhan mo. at saka, inahit ko nga rin pala yung buhok ko sa dibdib. wala, kursunada ko lang.

59 thoughts on “AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE

  1. Mylab, naiiyak ako sabay natatawa. Naiiyak ako kasi nami-miss kita lalo. Natatawa naman ako sa mga pinagga-gagawa mo, just to amuse yourself. Every little thing you do is so endearing. At siyempre natutuwa ako because I can see you can get by on your own while I’m gone.

    Pero mylab, mali pagkasampay mo nung bimpo… madidisfigure yan pagtuyo. Isampay mo sa hanger para pag natuyo, kwadrado pa rin. Otherwise, you’re doing fine and I’m proud of you.

    Nga pala, salamat sa kanta mo ha. I love it! Paulit-ulit kong pinapakinggan.

  2. pareho tayo ng ginawa kanina. naglaba rin ako. pero de makina at de pindot. sarap maglaba kung pakape kape pa. ingat ka diyan. pareho rin tayong magkalayo ang waswit. pero ang akin pauwi na bukas. sana makayanan niyo. pagdarasal ko ang tibay ng dibdib niyong dalawa. syanawa.

  3. kuya jay! proud na proud rin ako sa yo at nakalaba ka na! ganyan din ako kay R kapag iniiwan ko. bilin sa paglaba ng puti at decolor nya, haha.

    paborito ko nga pala ang glory of love. first time ko yan narinig sa “Beaches” movie, yung si Bette Midler and Barbara Hershey.

    nakakakilig kayong 2 talaga. idol!

  4. sir batjay,
    Dont tell me na she is trying to TNT sa America?
    diba masarap naman ang buhay nyo dyan sa Singgapore? ano va yannnnnnnnn, ano pa ba ang gusto nyo sa buhay? hiwalay? ikaw din, sige, maraming luko luko sa america, ngekk

  5. oh no, accross the miles pala kayo ngayon na mag-asawa πŸ™

    never mind, batjay, ika nga eh ‘parting is such sweet sorrow’ … kaunting tiis lang yan. at least by the time umuwi si jet, ikaw na ang designated lavender. good for jet πŸ™‚

    cheers!

    misispi

  6. ibang Glory of Love ang ine expect ko… yung kay peter cetera (ba yun?)… Glory of Love, themesong sa karate kid…. sensya na…. 80s baby kasi ako… pero, mas ok, theme from beaches.

  7. ang idol kong si blues boy – BB King also has a cover version of “glory of love” and this is my personal favorite altough i also like bette midler’s version. yung kay peter cetera naman na song of the same title but completely different – i hate that song. i HATE it.

  8. dear tagahanga,

    hindi naman ako humihingi sa iyo ng respeto pero huwag mo naman akong kausapin nang ganyan. hindi ka naman malapit sa akin para umasta ka ng medyo presko.

    sa susunod, kaunting pino lang.

    ingat,
    jay

  9. batjay, naiyak ako sa kanta mo. seryoso. naalala ko lang yung sakripisyo namin 4 years ago. mahirap nga, pero sa dulo ang saya….tapos na akong magdasal. kasama kayo ni jet.

    pinatugtog ko yung kanta mo ngayong madaling araw lang…nakakarelaks yung pagkanta, damang dama mo

  10. hey barb – i loved the story about your husband’s underwear. it’s really funny. but of course it isn’t funny to you when it happened. i couldn’t imagine why some people would steal boxers but not briefs. hehehe. loved your blog’s contents by the way.

  11. dear mylabopmayn,

    buti naman at na enjoy mo ang kanta ko. pinipilit ko ngang hindi maubo habang kumakanta ako. kaya nga medyo understated siguro ang kanta eh. hehehe. ok lang ako rito at nakpagtitiis pa. inaaliw ko ang sarili ko kaya huwag kang mag-alala.

    ang alagaan mo na lang ay ang iyong sarili. sandali na lang naman ang hihintayin natin.

    ingat – lab U!
    jay

  12. hello there, ganda ng boses mo sir batjay sounds like jessa, buti ka marunong maglaba pero bakit parang may bra yata gumagamit ka na rin ba? naks dalaga na si batjay.

  13. Kuya Jay! LOL. Tagal kong di nakapag-ikot sa mga blogs. Pero da best talaga dito sa ‘yo. Tingnan mo naman ang bumulaga sa akin. Wala lang. Siempre, natatawa talaga ako. Haha.

    Ang bait mo naman. Am sure, very proud si Jet sa ‘yo! Hehe. Musta na lang po sa inyo! You’re doing a great job, ika nga. πŸ˜›

  14. yikes, ako rin akala ko yung song ni peter cetera (na hindi ko rin gusto), when i listened, i got a pleasant surprise. i love this song, hindi ko lang alam na ito pala ang title. ang ganda pala ng boses mo! at naggigitara pa – wow, multitalented, lalo akong napahanga!

    ang sweet ninyong mag-asawa πŸ™‚

  15. galing ni batjay dumating na pala mr ko fr the karibean eh ang mga puting medyas ay grey na 3 yata wala piraso, nakalimutan mag spray ng stain remover! turuan mo nga,

  16. galing talaga ng boses mo idol kaya naman bitin kami at hindi tayo nakapag sing a song, hindi bale at sa pagbalik mo nalang natin ituloy ang katahan. naka set up na rin yung audition mo sa american idol, ituloy mo na sanpit habang nasa tamang edad ka pa ng 26 anyos, iyan kasi ang kat-op na edad. natutuwa naman ako at saksespul ang awtkam ng pagsagupa mo sa larangan ng paglalaba. pagbutihin mong maigi para pagbalik mo ay matulungan mo naman akong maglaba ng lampin ng inaanak mo. tsaka nga pala ipapasyal namin si batjet pag hindi na siya abala, okey? O sige at ingat sa biyahe.

  17. I don’t know if you’ve mentioned it elsewhere in your site pero huwag mong plantsahin ang waistband ng mga kijax mo – actually if you can live with unironed underwear mas tatagal ito. Maiiwasan mo what a friend calls the “bacon effect” – ang hitsura ng wakwak na elastic.

  18. Greetings From Mars…Whistling a Bread Song while wshing the clothes is one of the most sublime experience I have ever had. Sayang nga at me washing machine ka, kung wala, the experience would have been more profound and earth-shaking.More Power!

  19. thanks for the tip paul.

    no i never iron my underwear. i especially don’t iron the garter to avoid what you say as “the bacon effect”. besides, it is very uncomfortable when your underwear falls off and your “you know what” starts “waving in the wind”, so to speak. well, come to think of it, i do iron my underwear – but only if i have to attend a formal function.

    BWAHAHAHAHAHA.

  20. buenas dias don lorenzo and prada mama.

    honga – sana nag magic mic tayo ano kahit isang oras lang. di bale, next time na lang. babalik naman ako diyan eh. o kaya, si jet na lang ang pakantahin ninyo. maganda rin naman ang boses niya.

    ayoko nang sumali sa american idol kasi di ako marunong sumayaw. maglalaba na lang ako ng damit namin.

    ingat na lang at kamusta kay baby reanna at kina troy at lance.

    jay

  21. dear scatzli,

    huwag kang mag-alala, tuturuan ko ang asawma mong maglaba ng medyas. pero turuan mo muna siyang mag tagalog para maintindihan niya pag sinabi kong – “hiwalay kung hiwalay… ang decolor at puti”. 3 na lang ang naiwan sa medyas niya at nawawala ang isa??? alam mo kasi, kailangang pag ingatan ang medyas. mayron kasing mysterious black hole that sucks in unaware socks. di na makikita ulit yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.