AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE

SA WAKAS, TAPOS NA AKONG MAGLABA!!! dear mylabopmayn, siguro naman ay matutuwa ka sa akin. nakapaglaba na ako. hehehe. ayan ang ibidinsya. o, anong say mo ha – nakangiti pa ako habang ang sinapmpay ang nasa background. oo mylab pinaghiwalay ko ang decolor at puti. naglagay rin ng sabon at conditioner, este softener pala according to your instructions. at hindi siya nag amoy kulob. impak, ang bango bango nga niya eh – amoy bagong labang damit! ngyehehe. pwede na siguro akong mag resign bukas, maglalabandera na lang ako. proud talaga ako sa nagawa ko ngayong gabi. at hindi lang yan, may surprise pa ako sa iyo. as promised, isang awitin: batjay’s cover version of “the glory of love“. para sa iyo ito mylabopmayn. ni record ko ito habang hinihintay kong matapos ang washing machine. sana magustuhan mo. at saka, inahit ko nga rin pala yung buhok ko sa dibdib. wala, kursunada ko lang.

59 thoughts on “AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE

  1. brief lang, nag-washing machine ka pa? dapat sinama mo na yung kurtina nyo para sulit …

    i always read your site via kinja at ang tagal nang wala kang post based on the feed. ngayon ko lang nalaman na ako’y nagkamali. wonder what happened? may iniba ka ba?

  2. hi mona.

    nag switch lang ako ng server but other than that nothing’s changed, my site still is http://www.kwentongtambay.nicanordavid.com/

    uy ha. hindi lang brief yung nilabhan ko.. pati panty at bra ni jet. and 1 week’s worth of clothes. naka 3 batches nga all in all. well, 5 dahil nilabhan ko rin ang bed sheets and all the foot rugs.galing ko ano?

    love the new theme in your site – why’s you change, btw: you have trouble telling stories about real people? do they give you a hard time? hehehe.

  3. Ibig mong sabihin turuan ko muna mag tagalog ang mr ko bago matuto mag laba 😉 eh ang alam lang po at AKO AY POGI AT BUSOG NA BUSOG. am sure si jet very proud sa yo, pakakainin ko pala ng munggo ngayon para maging Pinoy na rin.

  4. wow Jay, ang galing galing mo, di lang sa pagkanta kundi sa paglaba din.. kakainggit ka at kahit dyslexic ka eh nahiwalay mo ang puti sa de color.. i am very sure Jet is soo proud of you, kami din na mga kapatid mo sa berks ay prawd na prawd syo.. request lang ha, pwede mo ba ako turuan mag laba? hehehehhehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *