labingwalong taon na kaming kasal ni jet ngayon. tagal na no? pero pakiramdam ko, parang nagsisimula pa lang kami ulit kahit marami na kaming napagdaanan. nagsimula kami, walang pera para sa engrandeng kasal kaya nagpunta na lang kami sa munisipyo ng kalookan para makaraos lang. alam na ninyo yung kasunod di ba? reception sa jollibee sangandaan pero kaming dalawa lang dahil pinauwi ko na yung dalawang witness kasi walang pera.
yun ang pinakamasaya, yung struggling years – yung time na nakitira kami sa bahay ng mommy ko sa isang maliit na kwarto, natutulog sa isang single bed. nakakatawa kasi hindi kami talaga pwedeng hindi magbati pag nag-aaway kami kasi walang ibang tutulugan.
masaya rin yung time namin sa antipolo, kahit saglit lang at paputol putol. 2001 nung magkaroon kami ng sariling bahay. naalala ko nung lumipat kami – para lang kaming nag babahay bahayan ni jet. nagpundar ng paunti unti ng gamit hanggang sa nakabuo ng bahay. masaya sa antipolo dahil parating may bisitang kapitbahay at kaibigan. at siyempre masaya dahil sarili namin ang tahanang iyon, pinaghirapan ng husto.
yung paglipat abroad ay mas malaking pagbabago sa amin. wala na kasing umaalalay sa amin. yan ang isang magandang na experience namin sa singapore at nang maglaon, dito sa amerika – dahil wala kaming aasahang iba, umasa kami sa isa’t isa.
mylabopmayn, para sa iyo ang kantang ito – kinanta ni neil young para sa misis niya, kinanta ng groom na egoy sa kasal nila ni rachel, kanta ko rin para sa iyo. maraming maraming salamat sa labingwalong taon nating dalawa.
with so much love,
jay
wow, 18 years! wish pa namin ang maraming, marami pang anniversaries and beautiful memories for you and tita jet. ingat kayo. π
maraming salaamat kaibigang tin. sana magkakasama pa rin tayo para pwedeng i-celebrate kasama ninyo.
thank you Papa. kung iisipin parang ang haba nung 18 years no? pero saan ba napunta lahat yung panahon na yun? e hanggang ngayon, malingat lang ako, hinahanap na kita, kahit alam kong andito ka lang sa bahay somewhere. tsaka gaano katagal ba ang matagal e hanggang ngayon, manonood ka lang ng tv gusto mo katabi mo pa ako kahit di ko naman gusto yung pinapanood mo… hahaha!
gusto ko lang sabihin, 18 years might as well be 18 minutes for all the love still needing to be given, for all the wanting to be together, for all the ‘us’ that’s still waiting to be…
happy anniversary my love. I love you.
i love you too, mylab.
To both of you, congratulations on being so in love after all these years!
Sana nagba-blog din ang husband ko para mabasa din ng mga tao kung gaano nya ko kamahal. (inggit ako, ms jet, he he.)
maraming salamat sa pagbati. sabihin mo sa asawa mo, sulatan ako.
ay, ang sweet naman, Happy anniversary uncle and aunt jet (ok lang po ba ms.jet?, para lang po bagay sa uncle :D)!
Unkyel, hindi Uncle. hehehe.
hehe oo nga pala, i stand corrected unkyel.
i stand erected.
hapy anniversary sa inyong dalawa. Yours is a relationship that everybody can emulate.
salamat bossing.
parang yung relationship mo yata kay tita nitz ang dapat i-emulate.
kalahati pa lang kami sa naranasan ninyo… but we are havings ups and downs din like you did, there’s more i guess, but with love abounding us, we hope to get to the best of our lives together… Happy Anniversary… our’s will be on the 28th…
happy anniversary din sa inyo.
happy anniversary sa inyong dalawa!
ganda ng msg ni jet…
salamat.
hindi lang msg ang maganda.
Happy Anniversary sa inyong dalawa. 18 years… parang debut ha. π
oo nga, ang debutante ay may asim pa rin.
bossings jay and jet, ang gara! happy anniversary! ika ni bossing r.m. rilke, a good marriage is that in which each appoints the other a guardian of his solitude. hmmm, ganun siguro…
ngapala, yung kanta ba, dun sa rachel getting married?
a guardian of solitude. hmmm…
oo bossing, yung kanta ay wedding vow ng groom doon sa rachel getting married na ginawa ni jonathan demme who is a big neil young fan.
Unknown Legend is one of my favorite neil young songs.
Happy Anniversary po sa inyo!
maraming salamat.
happy anniversary!!!
salamat na marami
happy anniv sa inyo ni Ms Jet unkyel.
wish you more and more years of wedded bliss. naks english yan unkyel!
thank you very much for the greeting.
ayan, english din ang sagot ko.
Happy Anniversary to you, two wonderful people! I wish you more love and success as you go through life together. π
thank you very much. love and success – that’s all we need.
and lots of money, pala. hehehe.
ako po ay avid reader nyo, happy anniversary po at More power sa inyong pagmamahalan. Woohoo!
yehey! maraming salamat – kilikili power!
happy anniversary po sa inyo sir & mam,
i’m an avid fan,i find your blogs entertaining and fun..
more power..
salamat sa pagbati.
Happy anniversary! Nakakakilig naman kayo.
salamat, kinikilig din ako.
kahit late, happy anniv!
ok lang kahit late. thank you sa bati.
Ang bilis nang panahon… parang kababasa ko lang nang honey-tamis post mo about your anniversary, 2008 pa pala yun.
Happy Anniv senyong dalawa.
Pag 18-years na din kami nang asawa ko at hinahanap pa din namin isa’t isa sa panonood nang TV, I’ll be the happiest woman on earth.
Cheers to you both. I’m looking forward to reading more “sary” posts π
thank you auee.
pakiramdam ko nga, ang bilis ng takbo ng panahon. pilit ko na lang binabalikan lahat ng mga nangyari at gunitain yung mga masasaya at nakakatawa. minsan kasi, sa sobrang dami ng ginagawa dahil gusto mong magpayaman, nakakalimutan mo na kung ano yung importante. kailangan huminto at mag-isip. yan parati kong sinasabi sa sarili ko.
mahirap gawin pero kailangan
hello po, padaan! hehehe..pabati na rin..
HAPPY ANNIVERSARY!
dumadaan daan po minsan dito sa site nyo and i always enjoy it..kakatuwa at malaman! ehe, happy anniversary po sa inyo.
maraming salamat, kabayan.
happy anniversary!
thank you
huli ako ngayon sa pggreet ah..hehehe! Congrats po sa inyong dalawa ni ms jet unkyel! Love, love, love… Kasarap lasapin..hehehe! Kulang na lng po mga langgam sa sight nyo po… Ang sweet nyo naman po dalawa… Dapat pabasa ko ky hubby ko mga sary posts nyo para maging mas articulate sa pagexpress ng feelings dn nya..hehehe! Again po happy happy anniversary sa inyo 2!
salamat at good luck sa inyong mag-asawa.
another late greeting po. nawa lagi kayong nasa honeymoon stage. nawa magkaroon pa kayo ng maraming anniversaries! nilalanggam po ako sa mga sweet messages ninyo ni ate jet! napakatamis ng love ninyo sa isat isa!
salamat din po sa pag accept nyo sa fb!
happy anniv po ulit!:)
walang anuman. salamat din sa pagbati, kabayan.
congrats po..
nakaka-inggit po kayo.. Sa loob ng mahabang panahon (18 years) ay napatunayan niyo pong mahal na mahal niyo parin si ms.jet at walang magbabago roon…Masaya po ako para sa inyong dalawa!
maraming salamat sa pagbati. masaya rin ako sa aming dalawa.
Amazing!:))
happy anniversary!:)))
amazing – yan nga sabi sa kanta ng aerosmith
happy anniversary pre…best wishes, cheers!
maraming salamat pareng jun. nagkita na ba kayo nina mon?
congrats po sa inyo idol! i pray that your relationship lasts. if and when i have a special someone.. gagawin kong template ang samahan nyo. haha!
naiinis ako sa office namin kasi blocked ang site nyo. bihira na tuloy ako makabasa at makapag comment palagi.
salamat.
sulatan mo IT dept ninyo. sabihin mo, wala silang patawad. hehehe.
Pareho pala kami ni Apollo, blocked din website mo sa opis eh. Kainis.
May blanket rule kasi na blocked mga personal sites. Good thing is there is a system to request for a site to be unblocked basta may kinalaman sa work.
Hmmm. Ano kaya magandang idahilan. Sa Computer Engineering din ako eh, sabihin ko kaya “research”. Makalusot kaya. Hehe, asa pa!
Happy Anniversary Po, after all that blabber, I almost forgot the most important. Cheers!
Maraming salamat sa pagbati.
sabihin mo na lang sa IT ninyo, kailangan mo yung website ko para Tech Support.
Belated Happy Anniversary!..mabuhay kayong dalawa..nakakatuwa namang makabasa ng ganito.
maraming salamat sa pagbati. daming babasahin na ganito.
hi unkyel!!! wow, honeymooners pa rin kayo hangang ngayon, ang saya! pag meron kayong panayon ni aunty, sulat kayo ng libro ang masasayang sandali ng 18 years. isa ako sa mga natutuwa sa pagsasama ninyo. inspirasyon kayo sa akin.
maraming salamat mye. good luck sa inyong dalawang mag-asawa.
Happy Happy Anniversary sa inyong dalawa. Kahit di ko pa nami-meet si Jet alam kong she deserves why you love her that much and vice-versa π
Thank you thank you thank you sa bati, Justice. Hamo next time, isasama ko si Jet sa Singapore.
how sweet naman po! curious lang ako unkyel, gaano kayo katagal ni madam jet na naging magkasintahan before you finally decided to settle down?
salamat.
mga 3 years tapos nagpakasal kami sa munisipyo ng kalookan.
bukas nga pupunta ako sa jolly-v dito sa lau pa sat (pinoy stall na talagang gayang gaya ang chickenjoy at spaghetti ng jollibee) in honor of your 18 years! π
maraming salamat jennipeng. ikagat mo ako ng chickenjoy na breast.