AN EYE FOR AN EYE, A TOOTH FOR A TOOTH $150

nakatanggap ako ng sulat galing sa dentista ko kahapon. sinisingil na nila ako sa pinabunot kong wisdom tooth. muntik nang matanggal yung natitira kong ngipin ng buksan ko ang sulat at makita ko yung bill – $130 para sa tooth extraction at $20 para sa x-ray. covered naman ng insurance ko ang part ng bill pero bwakanginangyan, 7500 pesos para sa isang ngipin? kaya pala maraming mga kaibigan ko ang nag uuwian sa pilipinas para magpadentista.

kunsabagay, maganda kasi ang clinic ng dentista ko rito kaya siguro mahal. computerized lahat ng mga machine na ginagamit nila – yung xray ng ngipin ko halimbawa ay kita ko agad sa computer monitor na nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa dentist chair. pero siyempre hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay. yung histura kasi ng ngipin sa xray ay parang ultrasound ng baby. tinanong ko nga yung dentista ko – is it a boy or a girl? tawa tuloy ng tawa. tapos maganda at very professional din yung setting. malayong malayo doon sa dati kong dentista sa novaliches na nasa loob ng beauty parlor yung clinic. medyo unnerving nga kasi habang inaayos ng dentista ang ngipin mo ay tinitingnan ka ng maigi ng alaga niyang matandang aso na ginagalis. ang isang maganda nga lang sa dentista ko sa pilipinas ay pwede kang magpakulot habang nagpapabunot.

35 thoughts on “AN EYE FOR AN EYE, A TOOTH FOR A TOOTH $150

  1. Dahil sa sobrang mahal ng root canal, sabi ko sa dentista, bunutin na lang yung mga kailangan ng root canal. Sabi niya, against daw yon sa kaniyang personal philosophy at humanap na lang daw ako ng ibang dentista.

  2. cool tito batjay. ung advertisment tuloy sa gilid ng blog mo habang binabasa ko to eh puro ngipin ang nakalagay. toot ka kasi ng toot… hehehehe.

  3. hello bosing!
    comedy ka talaga! ayus yung dentista mo sa pilipinas ha, multi-tasking talaga.
    ako din may dental problem. ang mahal dito!! nagpa-root canal ako last month, tapos ngayon kelangan daw ng gum procedure ($800)para mailagay nang maayos ang “crown” ($900).
    sabi ko, leche, sa pilipinas na lang ako magpapadentista….
    at, sige magpapakulot na rin ako. hehe

  4. mas matindi dito sa Phoenix, Arizona. yung extraction ng misis ko $280 para sa bulok na ngipin. $48 para sa xray.

  5. actually, yan nga ang ginawa ko last july nang magpunta ako sa dentista kong modista. tagal ko nga sa silya – over 2 hours. pero kulang pa rin. malaki ang nagagawa ng mga x-rays dahil nakikitang lahat ang mga sira sa loob.

  6. oo nga tito rolly. pwede bang dentist by day, teacher by night? ano kaya kung magpauso ako ng “engineer dentist” na profession.

    gagawa ako ng sign sa labas ng office…

    Jay David
    Automation Engineer
    (TUMATANGGAP DIN NG BUNOT)

  7. hi jop!

    parang comedy show talaga yung experience ko doon sa dentista ko sa pilipinas. sa susunod nga na punta ko roon, magpapa manicure ako habang nagpapalinis ng ngipin.

    ang mahal pala ng root canal at crown. bwakanginangyan – tamang tama at mayroon na naman akong appointment sa wednesday. gagawan ng root canal ang ngipin ko sa harap. butas na naman ang bulsa ko nito.

  8. tamang tama nga ang dasal na ito doon sa tanong mo sa comment section ng iyong blog ka junnie. ok na ok nga na i-post mo doon. balak ko ngang ipadala ito sa channel 2 – sasabihin ko na ipalit nila ito sa 3 o’clock prayer.

  9. yung monitor na sinasabi mo na nakapatong sa chair niya, meron rin binebenta dito sa Pinas, mga ilan taon na rin. Konti lang ang meron ganyan dito sa atin. Medyo mahal kasi. Imbes na mag x-ray, yun monitor. At ika nga ng mga kaklase ko, pwede silang mag taas ng presyo. hahaha. Meron akong nakitang isang foreign magazine, a malaysian dentist, yung patient niya habang ginagawan niya, nag papafoot reflexology. Sa USA yata, SOP ang preliminary tooth x-rays sa bagong pasyente.

  10. impressive nga yung may monitor na nakaharap sa iyo habang nakaupo ka sa dentist chair lalo na pag nag explain ang dentist sa iyo ng procedure na gagawin sa iyo using the x-rays. and since digital ang x-ray, ang bilis ng transfer ng patient information from the dentist chair to your personal file.

    i just had a complete xray last thursday. they say it’s good for 5 years.

  11. oh batjay, i love you! tawa ko ng tawa,kagigising ko lang! thank you, im sure today’s gonna be a happy day!

    my friend athina went home to the phil. last month to have her teeth fix too and i asked her why do you have to do it in manila,Tokyo has good,top caliber dentists and ultramodern machines?

    KASI MAHAL DITO SA JAPAN SHE SAID.. 🙂

  12. hi sachiko san.

    kamusta ka na? buti naman at maganda ang araw mo. it’s always nice to start the day with a good laugh. mahal nga siguro ang dentist sa japan. probably more expensive there than here in california. malaki nga ang kamurahan ng dentist in the philippines at marami rin naman doon ang magagaling.

    ingat at good luck sa iyo!

  13. hi j… dito din mahal ang dental treatments. Naka-3 root canal na ko, yun first covered ng medical sa ok lang. Yung 2 i have to pay na, each cost me 700+ that’s with a porcelain crown. Thankfully nung nabunot ang molar ko & nagpa-bridge ako, covered pa ko ng maternity benefit ko. Kundi another 700 yun! Tama ka, alot of Pinoys here e matiisin sa tooth ache & parang nagde-dentist shopping pag uwi ng Pinas!

    BTW, remember I told you about my carpal tunnel? Guess what my tennis elbow, which is coupled with golfer’s elbow, has gotten worse… I’m really scared. Siempre pa, my hand is my livelihood. So sana yung 2nd steroid injection ko this week works for good. Ang masakit sabi ng consultant dapat daw mag-break ako sabay tanong sya ng “will it affect your income”… hasus.

  14. hi auee.

    sa wednesday ang schedule ng root canal ko. sigurado na mahal ang dental bill ko this month. nag full x-ray kasi ako tapos may schedule pa ng pasta in two months. sana ma cover ng insurance ko ang malaking portion ng bill.

    i hope gumaling ang karpal tunnel mo. tama ka – that’s where you earn your keep. dapat ma alagaan ng husto. good luck.

  15. buti hindi ka binigyan ng toothbrush,toothpaste,floss at mouthwash? Binigyan ako ng dentista ko dito sa Maryland. Akala ko libre. Kuha naman ako. pagdating ng bill $150 un toothbrush!

  16. pantasya,

    kung sa pinas, wala nang libre, sa USA pa kaya? e halos lahat na lang ng galaw mo duon meron bayad. Naalala ko nuong nagpapasta ako ng ngipin dyan, emergency, sos, ke mahal mahal, wala pa ako health insurance, $200 ba naman ang sininggil sa akin para lang sa amalgam filling. E madami na akong makakain sa 200 dollars

  17. hi tin. for 150, makakabili na ako ng pitong levi’s na pantalon sa factory outlet. marami pang kasunod – may root canal ako na naka schedule bukas at filling naman next week. sigurado, malaki ang dental bill ko ng march.

  18. binigyan ako ng tooth brush at saka dental floss. part ata ng package nila yon. ang dami rin mga promo na colgate toothpaste doon sa reception area na pinamimigay nila. nahiya lang akong kumuha ng marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *