American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.


hindi ko alam kung sinong kupal ang gumawa nito pero may mga suspetsa ako. marami kasi kaming mga temp workers na galing sa bansang mahilig kumain ng sibuyas. minsan umaalis sila ng wala sa oras at hindi nila alam kung saan ilalagay ang mga gamit na naipon nila. ang pinaka madaling paraan para ma dispose ang ganito kalaking basura ay sa garbage dump ng opisina.

pero hindi naman lahat ay nauuwi sa basurahan. karamihan ay binebenta sa intranet namin. para ngang may mini e-bay sa opis kasi maraming mga gamit na naka special offer – simula kotse hanggang sa furniture. may panahon na binibigay pa nga ng libre ang iba’t ibang mga appliances at kung anong mga gamit sa kung sino ang interesado. basta, ikaw lang ang bahalang mag pick-up.

ngayon ang naka sale sa intranet namin ay mini cooper na 2002 model. ito nga pala yung kotse ni mr. bean – ang selling price ay $15,000 baka interesado kayo?

13 thoughts on “American cities are like badger holes ringed with trash

  1. nung unang dating ko dito, im surprised about the kinds of stuff people will throw in the trash. sabi ko sa husband ko, kung sa Pilipinas yan, gagawan at gagawan ng paraan ng mga pinoy para ayusin.

    dito they would rather throw it and get a new one. refrigerator, bed, sofa, washing machines, computers, cabinets, etc. nakita ko na yata lahat sa basurahan.

  2. maganda sigurong i-post yuong addresses ng salvation army & the like para madonate yuong hindi na-dispose na appliances. makakatulong pa sa mga hindi masyadong pinapalad sa buhay.

    naaalala ko nuong early 90’s bago sumabog ang bula sa japan. day after the bonus (dalawang beses isang taon, averaging 5 to 7 months pay) para kang nagsha-shopping sa mga basurahan nila. wala kasi silang space para ilagay yuong mga bago nilang biling mga bagay-bagay. kid yu nat, na-furnished ko yuong apt. ko from the basura. bilang estudyante, malaking tulong.

    nuong fob (fresh off d boat) din kami ni misis, namulot din kami sa basura para sa mga kailangan namin sa attic apt na inupahan namin for about $300 a month…. sensya na, medyo na senti lang…

  3. rule, “gome pile” if i remember right ang tawag ng mga kanong naninirahan sa labas ng base nila sa japan, mga pinaglumaan na appliances pero working condition.

  4. ganyan din sa singapore especially during the chinese new year – maraming mga households ang bumibili ng bagong gamit at yung mga luma na in good working condition ay tinatapon sa mga dumpster. makakabuo ka rin ng isang bahay – in fact, may mga grupo akong mga pinoy na yon ang ginawa. lahat ng kasangapan sa bahay ay pulot nila sa kalye.

  5. nabilataan ko nga na ganyan din sa japan. hindi ko na expect dito sa office namin sa orange county kasi pag may mga gustong ibenta ang mga ka opisina ko – straight sa classified ads ng intranet namin.

  6. like i said sa singapore ay throw away society rin dahil maliliit lang ang mga bahay – pero wala akong nakita na sira ulong nagtapon sa basurahan ng opisina.

    kung sabagay, legal naman kasi magtapon ng mga appliances sa garbage dump sa singapore. dito sa amin may extra charge kaya nagalit yung facilities department namin.

  7. After Singapore, eto na ang 2nd throw-away society na kinabilangan natin mylab pero hanggang ngayon, di pa rin ako natututong magtapon ng gamit. Maybe in that sense, I will always be Filipino.

  8. Off topic BatJay :

    Dante, b Magoo, the Mole, Sleepy John and other rock jocks are back sidhing out classic rock over 99 Rock….fyi….ang galing……

  9. Off topic BatJay :

    Dante, Bob Magoo, Mole Sleepy John and other rock jocks are back on the air over Rock radio 99 .Ang galing ng tugtugan

  10. hi roy allan.

    thank you for the news. i was talking to my mom the other day and she mentioned that howlin dave is back in 99 rock. i didn’t know that bob magoo is with him in this new venture.

    that’s really great news.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.