All weddings, except those with shotguns in evidence, are wonderful

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong humingi ng payo sa inyo. malapit na po akong ikasal, unkyel. balak ko nga po sanang gawin ito ngayong june. ang dami po palang mga kailangan ano? mayroong reservation sa reception, schedule sa simbahan, pagkuha ng pari, pag ayos ng ceremony at liturgy ng misa. mayroon ding pag-aayos ng mga damit ng mga abay, sali na rin po ang damit pangkasal. tapos mayroon din pong pag ayos sa cake. pati nga rin yung mga puting kalapati, kailangan pa yatang bihin sa pet shop sa cartimar. nalilito na nga po ako. ano pa bo ba ang kailangan ko unkyel, para maging successful ang aking kasal?

nagmamahal,
gentle reader



dear gentle reader,

ang pinakaimportante sa sa lahat eh dapat mayroon kang mapapangasawa. all the rest are inconsequential.

good luck,
unkyel batjay

23 thoughts on “All weddings, except those with shotguns in evidence, are wonderful

  1. Tama nga naman. haha

    Kung mamarapatin mo sana, bosing, pwede ba kong magbigay ng sagot kay gentle reader?

    Marami ngang mga tao na pinagtatrabahuhan ng husto ang kanilang kasal. Maganda yan pero sa palagay ko, ang importante sa lahat ay pagtrabahuhang maging maganda ang pagsasama habang buhay kesa sa ilang oras na paggasta at pagpapakain ng ibang tao. Kung may pagmamahalang tapat, kahit na pinakasimpleng kasal, gumaganda. Ang kailangan lang naman talaga sa isang kasal ay ang pares ng ikakasal, ang magkakasal at ilang testigo. Tapos.

    Ngayon, kung meron din namang sobrang pera, ayun, masarap gastusan ang okasyong iyan. Pero kung ipangungutang pa, hindi na siguro maganda.

    Ay napahaba. Sorry, bosing. Carried away e hahaha

  2. At kung maghahanap ka ng mapapangasawa at lalake ka, dapat babae ang mapangasawa mo.
    Ang payo ko sayo,Normal lang ang nararamdaman mo kasi first time mo ikasal unless you know?? hehehe at tingin ko medyo tight ka sa budget (nag ala Madam Auring).importante ay go for the more important things in your list..food,liturgy ng misa etc etc etc.Make it simple and devine ika nga.

  3. dear marse,

    maraming salamat sa pag comment mo. simple and divine, tama yan. focus on the essentials. agree din ako diyan. pero yung tungkol sa mga ikinakasal – minsan may boy on boy at girl on girl na kasal na ngayon. do i agree? yes i do. to each his/her own i say. kung gusto ng isang tao makasama sa buhay ang ka sex niya eh di ibigay ang hilig.

  4. maraming salamat sa mga payo mo tito rolly. buti nga nagpayo ka – alam ko kasi na may sense ang sinasabi mo dahil matagal ka ng kasal at may magandang pamilya at ulirang kasama sa buhay.

    naalala ko tuloy yung kasal namin ni jet – dalawang testigo (buti na lang hindi susan ang pangalan. at buti na lang hindi sila ngo-ngo, at hindi sila tumayo) lang at kami ni jet. sa jolibee pa ang reception. ngyehehe – hanggang ngayon kasal pa rin kami.

  5. sir, natawa ako sa comment mo sa comment ni tito rolly (ayos nakiki-tito na eh no?).. dalawang testigo! pag tumayo ang isang testigo ayos lang, pero pag 2 testigo? mahirap ata yun! pero pag tumayo ang isang testigo ng 2 beses, pwede. (ngongo kasi pag-iisip ko eh).. sensya na po nawala sa align ang comment na ito!

  6. hi gentle reader,

    hope u don’t mind me butting in….isang tip lang po based on experience…….
    gawa ka ng bridal registry para hende mapuno ng pinggan, salad bowl, kawali at arinola yung iyong bagong tirahan ….. i think those of you who are already married understands what i’m referring to….. he he he meron nga pala akong binabargain na mga mamahaling pinggan, kitchen utensils , atsaka tatlong arinola he he he…

    rgrds,
    del

  7. tama, batjay! agree din ako kay tito rolly (nakitito na rin po) ganyan din ang sinasabi ko sa mga kaibigang ikakasal, kaso meron pa rin talagang matitigas ang ulo dahil minsan lang daw ang okasyon, sayang naman. ayun pagkatapos ng kasal, lubog sa utang πŸ™‚

  8. I think everyone, especially women, dream of the most wonderful wedding and they will make it happen as best they can. But when push comes to shove, I’d rather relish in the most wonderful marriage that will go on for years, than in the most wonderful wedding that will be done in a day.

    Labyu mylab! πŸ™‚

  9. k tong topic nyo. Totoo nga, bat nga ba karamihan sa ating mga pinoy gusto engrandeng kasal kahit d na kaya. Like sa kapatid ko, dati nyang gf, demand nya bonggang kasal, buti na lang d sila nagkatuluyan kundi lubog tiyak sa utang yung kapatid ko. Kung me pera oks lang nmn, kaso kung wala wag pilitin. Pakitang tao lang ang labas niyan.

  10. mahirap nga pag sobrang laki ng allocation mo sa wedding pero parati kong naririnig yung – “bahala na, napasubo na eh”. di ko naman masisi dahil siyempre gusto mo the best for your wedding.

  11. di rin ako agree sa iuutang ang pangkasal basta lang engrande. masarap ikasal (kung pwede nga lang namin ulitin yung araw na yon..) and mas masarap kung talagang nagmamahalan ang kinasal. hehe.

  12. salamat, tito jay. mag-a-apply na rin akong wedding coordinator nyo ni tita jet pag dumating ang pagkakataon. πŸ™‚ si jenn naman ang host, si leah & eder in-charge sa catering, si owen ang photographer, si amor sa entertainment and si ron sa logistics. tanong ko na rin si ellen & jere kung anong participation gusto nila. hehe.

    di pa ko work. baka next year pa. heto, init-lamig. umuulan lately e.

  13. salamat, tito jay. mag-a-apply na rin akong wedding coordinator nyo ni tita jet pag dumating ang pagkakataon. πŸ™‚ si jenn naman ang host, si leah & eder in-charge sa catering, si owen ang photographer, si amor sa entertainment and si ron sa logistics. tanong ko na rin si ellen & jere kung anong participation gusto nila. hehe.

    di pa ko work. baka next year pa. heto, init-lamig. umuulan lately e.

  14. sige – ikaw na lang wedding coordinator. i’m sure pwede ka sa role na ito dahil pareho kayo ni jet na OC. ngyehehe.

    maulan ba ngayon diyan? oo nga at monsoon season sa singapore pag palapit na ang pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.