All happiness depends on a leisurely breakfast

eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon – parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna – sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka – acquired taste na sooner or later you’ll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.

pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.

25 thoughts on “All happiness depends on a leisurely breakfast

  1. syempre naman. A Filipino will always be a Filipino whereever he/she is. It’s in your blood, in your heart and everything in between. Hmmm, bukas sa agahan, ang una kong subo ng sinangag ay para sayo.

  2. nagutom naman ako fafajay. mas masarap ang kanin sa breakfast – sinangag, tinapa or tapa, tapos may kamatis on the side. syempre wag kalimutan ang itlog. 🙂

  3. parati ko ngang naririnig yung – “you can take out the pinoy from the philippines, but you can’t take the philippines out of the pinoy” or variations to the same thought. ewan ko ba pero yung comment mo ay nagpaalala sa akin ng 1st stanze ng tula ko nung grade 3. it’s funny the things you remember…

    hindi ako iba
    ako’y pilipino
    sinilang sa lupang
    mayama’t matao
    pulo-pulong lupang
    lumutang sa dagat
    perlas ng silangan
    ngala’y pilipinas.

    hehehe… corny but meaningful.

  4. Teka mylab, ikaw ba ang sumulat ng tulang yan or tinula mo lang? Ang ganda ha!

    Talking about assimilation. Dati pag binibigay ko pangalan ko, ang pag-pronounce ko Theresa… as in Tagalog pronunciation na The-re-sa. Laging pinapaspell saken kasi hindi nila maintindihan. Ngayon sa trabaho, pati ako iniba ko na ang pag-pronounce ko sa pangalan ko kasi it saves time. So ako na ngayon si Treesa.

  5. tinula ko lang mylab. it was a piece given by my pilipino teacher – miss barcelon, who incidentally was a student of my aunt genie sa PNC. many of my teachers were students of my auntie. parang full circle nga. once they knew who my aunt was, tuwang tuwa sila sa fact na student nila ako. yang poem na yan ay tinula ko 31 years ago sa pilipino declamation contest and i won a gold medal.

    treesa na rin ang itatawag ko sa iyo, mylab? naiinis lang ako minsan pag tinatanong ang surname – “your surname is david?” ang parati nilang balik sa akin. hindi ko tuloy mapigilan minsan na maging sarcastic at patronizing – “Yes, my surname is DAVID – D, A, V, I, D. DAVID. You want me to write it down for you”

  6. I agree with you Jay, di ko rin akalain na magustuhan ko ang oatmeal at grits. Buti na lang at nagugustuhan ng asawa ko ang pagkain natin kaya madalas pa rin akong nakakapaghanda ng pagkaing Pinoy.Sa pangalan naman, naging Maria na ako dito sa Amerika and syempre pag-pronounce iba rin. Mareeyah instead of Marya.

  7. hey mareeyah.

    oatmeal and grits. ngyehehe – i do love oatmeal but not as much as i like cereal now. however, oatmeal bars – yan. that i really like. in fact, i have a stash of cereal, oatmeal and granola bars here in my office.

    ano paborito ng asawa mo na pinoy food?

  8. boss batjay,

    tumpak ka dyan sa assimilation thing na yan. yung mga kano nahihirapan banggitin yung pangalan ng misis ko, kaya ayun, nagkaroon na sya ng generic name: mary, marie or maria.

    as for the food. hindi mahirap i-acquire yung taste for singaporean food lalo na sa mga masisibang katulad natin. pero ang da best talaga: crispy pata, bopis, adobo, bulalo, goto, sisig at isang bandehadong kanin.

  9. jay,

    Paborito ng asawa ko ang walang kamatayang adobo with garlic rice. Problema ko lang kailangan niyang magdiet dahil medyo mataas ang glucose nya pati blood pressure.

  10. hey miss bagong panganak. are you enjoying the sleepless nights with your baby?

    nakakagutom talaga – kaya lang, i can’t eat too much of this already even if it’s available here in california (and it is). my diabetes and high blood pressure made sure that i can’t eat as much pinoy food as i would like.

    sayang.

  11. adobo with garlic rice. pamatay talaga yan. lalo na pag sobrang dami ng kinain mo. ngyehehe. mayroon kaming kaibigan na danish, pag nagsalin ng adobo sa plato niya parang ginagawang mani yung mga piraso ng baboy. enjoy na enjoy siya.

  12. namimiss ko yung rufu’s sa may kalayaan avenue sa makati. sarap ng tapsilog dun lalo na pag bandang alas 3 ng umaga pag naguuwian na ang mga cultural dancers sa mga club dun sa lugar na yun.

  13. Sir Batjay,
    I agree with you na marami sa mga pinoy dito sa SG ang hindi makakain ng curry-infused dishes. Ang nami-miss ko lang na almusal ay yung pritong tuyo, sinangag sa bawang, kamatis, sukang may sili, at mainit na kape. Mas mahigpit kasi ngayong magpasok ng pagkain dito sa SG dahil sa laganap ang bird flu at HFMD sa mga kakapit-bansa.
    Madalas na breakfast ko dito yung fried bee hoon with tofu, luncheon meat and veggies on the side. Pampalasa/pampagana niyan siyempre yung sambal chilli.

  14. you know what,whenever i am in the philippines,na sho shock ako sa breakfast ng mga cousins ko,heavy talaga,umagang umaga fried rice while here in japan masyadong bland and simple ang breakfast at very little oil.pero as times goes on and madalas na akong umuwi lately,shucks! sarap! sa umaga gusto ko rin garlic rice and longanisa and itlog na maalat (sheett..tulo laway now..)

    hey..i enjoyed WELL THEY’LL PASS YOU BY IN THE WINK OF A YOUNG GIRL’S EYE…GRABE! HAHA!

  15. Marami ngang nagsasabi na ang pinoy food daw ay pampasakit, sa dami ng mantika at asin (nyek!). Pero masarap talaga, laluna iyong taba ng baboy kapag inadobong tuyo, grabeh!!!

    Pero siempre first and foremost ang ating health. Kaya kapag ganyang may mga konting sakit na medyo hinay-hinay na talaga tayo. Alalahanin lagi ang hypertension at diabetes (huwahhhhhhh…)

  16. actually proven na ito – ang diet ng pinoy ay hindi healthy sa mga taong sedentary ang lifestyle. sa tingin ko kasi, ang pagkain natin ay designed para sa mga ninuno natin na mga farmers or fishermen. they do back breaking work kaya yung kinakain nila ay talagang natutunaw sa matinding work out ng day to day life.

    tayo ngayon, nakaupo sa opisina pero kain pa rin ng kain ng pagkain na maraming mantika, maraming asin at maraming kanin. marami tuloy sa atin ang mag problema sa puso at mayroong diabetes (tulad ko).

  17. hey watson. oo nga. alam mo ba kung bakit ko na-post ito? na homesick kasi ako at naalala ko ang mga pagkain na nami miss ko. sana, madali lang umuwi sa pilipinas.

    ingat.
    jay

  18. ohayu gusaimasu sachiko san.

    i know what you mean. i do remember how heavy our meals are in the philippines. fried rice with meat and eggs in the morning. sometimes it’s too much pero masarap di ba? ang favorite ko nga ay ang jollibee longganisa meal – sometimes may additional 1 piece chicken joy on the side pa with fries.

    i love japanese food – pag nasa japan ako, para akong nasa langit dahil ang sarap ng pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.