ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

ibang klase pala ang feeling being side by side with the largest animal in the world. once again, i am a child, filled with wonder and awe at tindig balahibong naka-nganga habang pinagmamamsdan ang balyenang lumangoy sa gilid ng dapor. hindi ito kakaiba sa excitement na naramdaman ko nung first time kong makakita ng buhay na dalag doon sa bakuran natin nung araw.

bigla ko ngang naalala yung kanta ni john denver na “i want to live“. parati itong pinapatugtog ng daddy nung araw sa show niya. nakakatawa kasi ito yung isa sa mga kinaiinisan kong kanta dahil corny ang lyrics pero gusto ko pa ring pakinggan dahil na-aalala ko ang daddy pag naririnig ko ito kahit matagal na siyang patay.


“have you gazed out on the ocean
seen the breaching of a whale?
have you watched the dolphins frolic in the foam?
have you heard the song the humpback hears
five hundred miles away
telling tales of ancient history
of passages and home”

kahapon, while watching the whales nagsenti mode ako and i celebrated life. naisip ko ang daddy, naisip kita. naisip ko ang ganda ng buhay namin ni jet dito sa america. naisip ko rin na ang sarap talagang mabuhay. nagdasal nga ako: diyos ko – sana, sana, sana ay magtagal pa ako rito sa mundo para mas marami pa akong makitang mga isdang kanal, dalag at balyena.

hanggang dito na lang muna. huwag mong kalimutang ikamusta ako sa mommy.

ingat,
jay

6 thoughts on “ALIVE

  1. alam mo, naalala ko yung trip namin sa Bicol. Hindi kami nakapunta ng Sorsogon para mag whale watching. Panahon pa naman ng bisita ng Butanding. Sayang. Mahihirapan na uli akong makabalik doon kasi ang layo! Hindi ko na kayang mag byahe ng ganong kalayo.

    Sana makakita rin ako ng whale in this lifetime.

  2. whale shark – pwede na yon. yan din ang matagal ko nang gustong makita. sayang nung time na matagal ako sa area na yon, hindi pa uso ang eco tourism.

    if you want to see whales, you can go to that small straight where the tip of negros oriental and cebu meet.

    you can either fly to dumaguete or cebu.

  3. Minsan, kung pag-iisipan mo yung mga pinakaaasam-asam mo sa buhay, nakakagulat malaman na simple lang pala… that after all, you turned out to have so much more than what you’ve bargained for.

    I think it’s some kind of blessing to be able to shed ourselves of all the clutter we’ve managed to cloak our lives with, unconsciously or otherwise, and point out without fumbling the very things that make us happy.

    I love you.

  4. to shed ourselves from the clutter i think is what everyone should strive for. salamat sa insight mo mylab.

    lab-u-2

    ps – pag basa ko sa comment mo, naalala ko yung lyric sa kanta ni don mclean. di ko alam kung bakit – ” But how can words express the feel of sunlight in the morning, In the hills, away from city strife.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.