LATE NIGHT

alas tres na ng madaling araw gising pa ako… tinatapos ko lang ang trabaho ko dahil uuwi na kami sa friday. medyo pagod na mga ako lalo na itong last two weeks, ako lang ang naiwan na engineer sa opisina. lahat ng technical support sa akin bumabagsak. ok lang iyon. at least pag bakasyon ko, mararamdaman ko talaga na bakasyon nga yon.

ika nga eh hirap muna bago sarap… kabaligtaran ng pagbubuntis, in a way.

last day ko na sa office mamaya. last day of the year 2002. next time i come back, it will be 2003 already. wow, what a year it was. maraming nangyari itong taon na ito sa singapore… lumipat kami sa bagong opisina, lumipat kami ng bagong bahay, ang daming mga meeting, ang daming nakilalang bagong clients…maraming activities, maraming action.

itong pag-uwi eh talagang well deserved rest. alam ko na nga ang mga gagawin ko… meet family members and friends – (baka a client or two). catch up with the latest gossip sa subdivision namin. take care of my dog. sleep in my bed. take care of my garden. sleep anytime i want, wake up anytime i want.

sige, tulog na ako. ubos nang yosi ko at wala na yong iniinom kong barley drink. tulog ng 4 na oras, gising at trabaho ng walong oras, tulog ulit ng walong oras, empake at alis papuntang maynila…one day at a time. mabilis ang mga araw. gising ka na lang isang umaga, pauwi ka na sa pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *