Air BatJay

last working day of the year kaya napatalon ako sa saya. despedida rin ni ceci, kaopisina ko at kaibigan na siyang tumulong sa amin ni jet nung lumipat kami rito sa california. bittersweet pag may aalis na kaibigan sa opisina. happy ka dahil may asenso sa career nila pero malungkot dahil di mo na sila makakatrabaho.

lilipat na si ceci sa santa barbara. bagong trabaho, bagong boypren, bagong buhay. it must be exciting for her at 50 to be starting a new life. ang sarap talaga rito sa amerika, ‘no? napakaraming mga opportunities at any age. di tulad sa pilipinas, wala na ngang opportunity, nanggugulpi pa ang mga bwakanginang mayor ng mga menor de edad.

16 thoughts on “Air BatJay

  1. Happy New Year to you and your family, bosing. I know you play golf as well. It used to be a gentleman’s game diba? Bakit dito ata sa pinas, iba ang qualifications ng mga naggo-golf?

  2. happy new year din sa inyo, sir.

    nawawala minsan yung common courtesy, bossing, lalo na doon sa mga golfer na hindi masyadong sumusunod sa etiquette. kadalasan, sila pa yung mga mayayaman o makapangyarihan na gustong magpakita ng weight.

    pero in fairness, most golfers i know in the philippines are very courteous kaya nabigla rin ako na nangyari ito.

    naglalaro rin ako sa valley golf. may share yung company ko dati rito at mayroon akong playing rights. i know the course and where it happened.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *